WALANG nagawa si Franco kundi bitiwan siya nito ng lapitan sila ni Ate Denisse at hilain siya nito sa kamay palayo kay Franco. “Let Audrey enjoy the day, Franco. Don’t be so possessive," natatawang wika ni Ate Denisse sa kapatid. Napatingin naman siya kay Franco at nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa nakakatandang kapatid. At nang maramdaman ni Franco ang titig niya ay nilingon siya nito. At napansin niya na bumalik sa normal ang ekspresyon ng mukha nito. "Go ahead, Audrey," wika nito sa kanya. "Tara, Audrey," wika naman sa kanya ni Ate Denisse sabay hila sa kanya kung nasaan sina Ate Chelsea, naroon na nga din si Bria at Amarah. "Marunong kang lumangoy?" tanong nito sa kanya. "Konti lang," sagot naman niya dito. Hindi siya kagalingan lumangoy. Ang kaya lang

