"WAIT for me," wika ni Franco sa kanya matapos niyang sabihin dito ang ginawa sa kanya ng empleyado nito. Sa totoo lang ay wala siyang balak na magsumbong kay Franco pero naisip niya na hindi maganda ang ginawa sa kanya ng empleyado nito. At hindi maganda ang inasal nito. Dapat ang tingin nito sa lahat ng bisita ay pantay-pantay, mayaman man o mahirap. At higit sa lahat ay hindi din niya nagustuhan ang pag-aalipusta nito sa kanya. She call her names. Gusto sana niyang palagpasin iyon pero nagbago ang isip niya. Gusto kasi niyang maturuan ito ng leksiyon para hindi na nito ulitin ang ginawa nito sa iba. Nang matapos niyang makausap si Franco ay tumingin siya sa guard. Nakita niyang nakatingin pa ito sa kanya. "Ma'am, umalis na po kayo. Kami ang malilintikan kapag nalaman po ni Sir Franco

