Ginising si Stefano nang sunod-sunod na tawag sa kanyang cellphone. Alas-otso na ng umaga. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinanghali siya sa higaan. Ang napakatinding pakikipagtalik sa isang napakagandang babae ay totoong nakakaubos ng lakas ngunit wagas ang kalubusan. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong klase ng pagkasabik sa isang babae. Hindi sa loob ng maraming taon niyang pakikipagrelasyon. Pupungas-pungas na inabot niya ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng night table. Ang ina niya ang tumatawag, si Ria Mondego Estillore. “Hello, ma…” tinatamad na bati niya. “Stefano, iho. Nasaan ka ba ngayon?” “Dito sa penthouse, ma. Kagigising ko lang.” “What? Did I hear it right? Inabot ka ng alas-otso sa higaan? Anu-ano ba ang pinagkakaabalahan mo at mukhang tanghali ka na kun

