36. MY ANSWERS

1793 Words
Kinabukasan, habang mahimbing na natutulog si Maxine, nakangiti siyang pinagmamasdan ni Jin. Kaniya namang pinaglalaruan ang mahahabang buhok ni Maxine at hinahalikan. Mga ilang sandali pa ay naalimpungatan ang dalaga. Pagmulat ng kaniyang mga mata, isang guwapong lalaki ang sumalubong sa kaniya. "Good morning, love." Saka hinalikan ni Jin si Maxine sa noo. Kinusot ng dalaga ang mga mata niya at siya ay nagmuni-muni. "Are you hungry? What do you want for breakfast? Omelette or..." "Please… alam ko na ang sasabihin mo,' natatawang usap ni Maxine. "Ang sunod mong sasabihin ay "me." Don't me..." "Masama bang magtanong? I'm just asking," masaya niyang tugon na sabay niyang niyakap si Maxine at binigyan ng maraming halik sa ulo, leeg, at mukha. "Tama na, nakikiliti ako," natatawang pigil niya. Patuloy naman niya hinahalikan sa leeg si Maxine, nasisiyahan sa naririnig niyang mga tawa mula rito. Tila ba tawa ng isang anghel ang kaniyang naririnig. Niyakap niya nang mahigpit at muling hinalikan sa noo. Huminga nang malalim at nilalasap ang kasiyahang nararamdaman niya sa piling ng kaniyang mahal. "Jin?" "Hm?" "Umm… Mahal mo ba ako?" Tumingin siya kay Maxine bago magsalita, "Always." "Anong… anong dahilan kung bakit mo ako minahal?" may halong pag-aalala niyang tanong kay Jin, hindi makatingin nang maayos. Hindi agad nakasagot si Jin. Iniisip niya ang sagot. Miski siya ay hindi matukoy ang dahilan ng kaniyang pagmamahal sa dalaga, ngunit siya ay sigurado na tunay ang nararamdaman sa babaeng kinakasama niya. "Kasi… Ano… Umm... 'Di hamak naman na mas maganda at sexy pa ang mga babaeng nasa paligid mo compare sa 'kin, lalo na sa kaibigan(?) mo na si Andra." Bahagya siya ngumisi. Inisip na nagseselos ito kay Andra Daphne. "Tatanungin kita. Sino ang babaeng araw at gabi ko nakakasama sa mansyon?" "A-ako." "Sino ang babaeng araw-araw ko sinasabihan ng 'I love you' at palagi ko niyayakap? Hinahagkan na parang wala ng bukas?" Hindi nakasagot si Maxine. Alam niya sa kaniyang sarili na siya ang babaeng tinutukoy ni Jin. "Ikaw lang at wala ng iba, Maxine Gonzales. Sa puso't isipan ko, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay," masaya niyang pagpapatuloy, muli niya niyakap si Maxine. Gumaan ang pakiramdam ni Maxine sa sagot ni Jin at kaniya itong niyakap. Naging payapa at masaya ang kanilang araw. Hindi iniwan ni Jin si Maxine buong magdamag. Gawa ng nangyari kagabi, hindi nakakilos nang maayos si Maxine kung kaya pinagsilbihan siya ng lalaking lubos na nagmamahal sa kaniya buong araw. Sa araw din niyon, tinawagan ni Jin si Richard upang sa kaniyang plano na pasayahin si Maxine. Pinagtawanan pa siya ni Richard nang marinig ito sa bibig ni Jin. "Jin… Baliw ka na. Baliw na baliw sa kan'ya," natatawang sambit ni Richard mula sa kabilang linya. "Siguro nga," buntong hininga niyang pag-amin. "Gan'to pala kalakas ang tama 'pag nagmahal? Mas malakas pa sa alak. Ngayon, naramdaman ko na ang naramdaman mo sa kan'ya," masayang pagpapatuloy niya. Nakahinga nang maluwag si Richard nang marinig niya ang mga binitawang sallita ni Jin. "Sabi ko naman sa iyo, noon pa, na masarap magmahal lalo na kapag mahal ka pa ng mahal mo. Oo nga pala, 'musta na nga pala siya? Si Maxine? Ayos lang ba siya? Mahal ka na ba niya?" Hindi agad nakasagot si Jin, bumuntong siya ng hininga. "Wow. Ang lalim niyon, ah. Kaya pala may pa-date-date kang nalalaman," natatawang sambit niya. "Payo lang Jin… Ito seryoso ito, kung gusto mo talaga mahalin ka ng mahal mo, ibigay mo ang magpapasaya sa kan'ya... Tatanungin kita, boy, masaya ba si Maxine sa piling mo? Sa tingin mo ba na 'yong pagbili ng mga materials niya sa painting ay sapat na iyon para sabihing masaya s'ya sa iyo? Eh, itong plano mong date at surprise, ganoon din ba? Pag-isipan mo, Jin." Nananatiling tahimik si Jin, alam niya sa sarili na ang lahat na binibigay at ginagawa niya ay panandaliang aliw lang kay Maxine. "I know… I know what she always wanted pero… ayoko naman na ibigay 'yon sa kaniya. Ayoko pang mawala siya sa akin, Richard. I'll go insane if I can't see her and hug her. I can really kill someone if I never see her face or hear her laugh again." "Jin… Sa pag-ibig, kailangan mo mag-sacrifice alang-alang sa mga mahal mo." "Ayoko," mabilis niyang sambit. "Ayokong mangyari sa akin ang nangyari sa iyo. Sorry, Richard. Hindi ko iyan magagawa," seryoso niyang tugon. "Just do your job." At saka niya binabaan si Richard. Malalim na huminga si Richard habang nilalapag ang telepono sa mesa na nasa opisina niya. Nilingunan niya si Darren, ang higante nilang kasamahan na nakarinig ng kanilang pag-uusap. "I told you, big man, ikaw na dapat kumausap sa kan'ya. Alam mo naman na malambot ang puso niya sa iyo." Napakamot ng ulo si Richard. Hindi sumagot si Darren, tahimik lang niya inuunawa ang lahat ng mga bagay lalo na ang kaniyang boss na si Jin Fajardo. Kinabukasan, bago umalis si Jin papasok sa trabaho ay inalam niya muna ang kalagayan ni Maxine. "Are you sure na ayos ka na? Nakakalakad ka naman ba? Nakakatayo? Mahapdi pa rin ba? Gusto mo i-massage ko para mawala ang kirot?" "Tumahimik ka nga. Sa tingin mo, sino ang may sala? May pa-massage-massage ka pang offer, alam ko gagawin mo 'pag nagkataon," inis na sambit ni Maxine habang nakaupo sa mahabang sofa na kung saan siya nagpapahinga. "I'm sorry. It's just that... You're so lovely. I can't control my hard c*ck when I'm looking at you, especially when you're moaning and calling my name," nakangisi niyang tugon. Agad naman siya hinampas ni Maxine sa gilid na kinatawa ni Jin. Inayos naman niya ang pagkakaluhod niya upang makita nang maayos ang mukha ng minamahal niya. "As a compensation for my sin, I'd like you to join me for dinner tonight. I also have a surprise for you," masaya niyang usap. Nagningning ang mga mata ni Maxine dahil sa saya. Nasiyahan siya hindi dahil sa paanyaya ni Jin o sa supresang nais nito ibigay sa kaniya kung hindi sa kadahilanang makakalabas na siya sa lugar na iyon. Sa katunayan niyan ay nagdadalawang isip si Maxine kung itutuloy pa ba niya ang pagtakas o mananatili sa piling ng lalaking tunay na nagmamahal sa kaniya. Ngunit dahil na rin sa pag-aalala sa kaniyang mga kaibigan, sapagkat hindi siya nakapagpaalam nang maayos o ma-contact man lamang sila habang nasa mansyon siya, pursigido siyang makatakas sa puder ni Jin. Agad siyang tumango na may ngiti sa labi. Buong pag-aakala ni Jin na ang dahilan ng masaya nitong hitsura ay dahil sa kaniyang paanyayang kumain sa labas, ngunit siya'y nagkamali. Sa bawat oras na tumatakbo habang siya ay nagtatrabaho, ganoon na lamang ang sabik ni Jin na makauwi at i-date si Maxine. Muli niya tinawagan ang mga tauhan na naghanda ng kanilang date lalo na si Richard na nakatoka sa paghahanda sa surpresang ibibigay niya kay Maxine. Habang nasa opisina siya sa SR Enterprise, saka naman ang pagdating ni Vincent sa kumpanya na kagagaling lang sa isang malaking misyon na inatasan ni Stephen sa kaniya. Pinuntahan niya ang kaniyang boss at hinagis sa sahig ang itim na supot. Kahit nakasara, bakas sa supot na isang itong tao gawa ng mga tumutulong dugo. May buhok pa ng tao ang nakalabas dito. "Ano iyan? Ba't ba ang hilig niyo magkalat sa opisina ko? Pareho kayo ni Jin?" inis na sumbat ni Stephen. "Ang boring kasi ng kuwarto mo, puro gold. Wala ng ibang kulay kaya hayan… dugo ng mga kumakalaban mo sa negosyo ang ginamit kong pagpinta sa boring mong kuwarto." Siya ay ngumisi na sabay ang pag-upo sa isang sofa na malayo-layo sa puwesto ni Stephen. "Mabuti na lang at tinapos mo sila... Pagkaalis mo, linisin mo ito." "Eh? Hell nah! Kaya nga may janitor tayo, eh. Isa ka ring p'wet, boss, na ang pangit titigan," nakangusong pagtanggi niya. "By the way, boss… alam kong matagal-tagal ako nawala, pero ba't parang may naamoy akong kakaiba pagpasok ko? Bigla ako nagka-goosebumps. It's so weird lang," may halong takot niyang usap, hinimas niya ang mga braso upang mawala ang naramdaman niyang lamig. Natawa naman si Stephen. "Si Jin, may kababalaghang ginagawa." "Ohh… Mukhang exciting iyan, ah. Ano naman iyon, boss? May lulusubin siyang malaking kumpanya? Grupo? Naghahanda ba siya sa isa na namang malaking misyon? Kasali ba ako riyan, ha? Gusto ko sumali. Isali mo ako, boss. Gusto ko ulit pumatay kahit kapapatay ko lang," tugon niya na sa sobrang sabik ay napatayo ito sa upuan. "I don't want to disappoint you pero malayo roon ang naiisip mo." Nakangiti siyang umiling. "May babae lang siya," kibit-balikat niyang usap. Bahagya natawa si Vincent. "Parang wala naman nagbago ro'n. Palagi naman may babae si Jin. Ilang araw lang itatapon na niya iyon. Madali lang siya magsawa, pampalipas oras kumbaga." "No, not this time." Seryoso niyang tiningnan si Vincent. "Nabalitaan ko na nasa mansyon niya ang babae at halos dalawang buwan na ito sa kaniya." Siya ay ngumisi. "What?" Humalakhak si Vincent at saka naglakad papunta kay Stephen. "Seryoso ka riyan, boss? Meaning niyon na…" bahagya siya naduwal, "na-inlove na siya? Takte! Iniisip ko pa lang na na-inlove siya nasusuka na ako." Nakaramdam siya ng kilabot. "Eh, ano naman ang comment mo kay Jin, boss, about doon?" "Well… Ayos lang naman sa akin na magkaroon siya ng babae, kahit damihan pa n'ya as long na hindi ito makakasagabal sa paggamit ko kay Jin. Hawak ko pa rin ang buhay ni Jin at kung ang babaeng 'yon ay katulad ng tatay niya, mukhang may makakasama na si Albert sa langit," nakangiti nitong sagot habang nakatingin sa laptop. "Iyan… Iyan ang gusto ko sa iyo, boss. Kaya mahal na mahal kita, eh. Pa-kiss nga ako." Sinubukan naman niya halikan sa pisngi si Stephen, ngunit agad na naglabas ng baril ang matanda at tinutok sa nguso ng binata. Tumawa lang si Vincent at hinawi ito paalis sa kaniya. "Ito naman, oh, parang 'di mabiro. Pero, boss, kilala mo ba ang babae niya?" "Hindi." Sabay niya nilapag ang baril sa mesa at tinuloy ang ginagawa sa laptop. "Alam kong binabalak mo, Vincent..." "Oh? Then, pipigilan mo ba ako?" nakangiti nitong bigkas. "No. Actually, ituloy mo ang binabalak mo sa kanila. Gusto ko rin malaman kung ano ang papel ng babaeng 'yan kay Jin... Ikaw na magligpit kung kinakailangan," walang emosyon niyang tugon sa lalaki. "No problem, Sir Stephen. I will gladly f**k his girl, este life pala." Tumawa nang mahina si Vincent. Tumalikod si Vincent at sumandal sa mesa. Saka siya ngumisi dahil sa masama nitong binabalak. "Ano kaya ang magiging reaction ni Jin 'pag pinag-trip-an ko babae n'ya? Papatayin ba niya ako? Sasakalin? Makikita ko na ba ang kabangisan n'ya? Dang… Iniisip ko pa lang, nae-excite na ako," nasasabik niyang isip at saka siya bumingisngis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD