Cy's POV
Nang makarating ako sa bahay ay mabilis akong umupo sa sofa at napahawak sa puso kong kanina pa sobrang bilis kung tumibok.
Muntik na ako kanina, muntik na akong sumuko ulit sa kanya. He's begging me to come back and I don't know what to say. I can't even move earlier, I just forced myself to run bago pa tuluyang sumuko ang puso ko.
Hindi ko man lang naibigay sa kanya yung annulment paper na halos dalawang buwan ko nang pinaghahandaang ibigay.
"Oh gosh, I'm so stupid."
I said to myself.
Siguro nga hindi pa ako tuluyang nakaka-move on kay Austin at aaamin ko ring may lugar pa rin siya sa puso ko hanggang ngayon. Matagal din yung pinagsamahan namin at hindi yun gano'n kadaling alisin sa loob lang ng halos dalawang buwan.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at tatawagan sana si Nam para ikwento ang nangyari nang may nakita akong isang message.
I opened it and it's from Renzo.
From: Chaiman Friz
I'm coming home tonight, didiretso na ako dyan. See you in a bit beautiful, I miss you so much.
I know I should be happy but I can't smile at parang dumagdag pa nga sa iniisip ko yung pag-uwi niya ngayon. I miss him too pero alam kong simula ngayon ay hindi na titigil si Austin sa kakahabol sa akin at ayaw ko namang masaktan si Renzo. All he gave to me is happiness, love and kindness kaya ayaw kong maipit pa sya sa gulo ng buhay ko at masaktan.
At the same time, I suddenly feel like cheating to Austin. Hindi nya pa napipirmahan yung annulment paper kaya sa madaling salita ay kasal pa rin kami. Yes, he cheated on me before but I'm not like him. I have a strong guilt.
Kahit madaming iniisip ay pilit kong inayos ang sarili ko at tumayo papunta sa kitchen para ipagluto si Renzo. I will cook his favorite adobo with a lot of potatoes.
Hindi sa pagmamayabang but I'm a good cook. Nung college kasi ako hindi talaga ako marunong magluto, until I met Austin tapos naging kami. "I want to be a good wife for him" yan ang iniisip ko noon. It's like I always want to be better person for him. 2 months pa lang kaming in a relationship noon pero yun na agad ang nasa isip, a future with him that is why... sandali nga, bakit ba si Austin nanaman?
Oh gosh.
Naglakad ako papunta sa kitchen sink at hinilamosan ang mukha ko ng paulit-ulit para mahismasmasan. Ilang ulit akong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili ko pagkatapos ay nagsimula na sa pagluluto to distract myself from thinking about him.
I started chopping some ingredients at sa katangahan ko ay nasugatan ko pa ang isang daliri ko. Agad akong kumuha ng first aid kit at binalot ng band aid ang daliri kong nasugatan.
I remember how Austin would panic and apply a cream on my cut every time na nasusugatan ko ang sarili ko...
Oh s**t, si Austin nanaman.
Mariin akong napapikit sa mga naiisip ko. Malakas pa rin talaga ang epekto sa akin ni Austin, I can't still stop thinking about him even though I hate him to the core.
Nagpatuloy ako sa pagluluto, medyo mahapdi yung sugat pero kaya naman. Pagkatapos kong magluto at maghanda ng pagkain ay sakto namang tumunog yung doorbell.
"He is here."
I said to myself.
Tinanggal ko na muna yung apron na suot ko, naglakad ako papunta sa pinto at nakangiti ko iyong binuksan.
"Hey."
Nakangiting bati ko sa kanya.
Seeing him right now made me realize how much I missed him at mukang na-miss niya rin ako because instead of saying a word, he hugged me very tight. His hug feels so good, it's so warm.
"I missed you so bad Cy!"
He said at diretsong tiningnan ako sa mga mata ko.
"Yeah I bet, I missed you too"
I chuckled and he blushed.
He's so cute, ang bilis niyang kiligin. I don't know if it's because he's younger than me kaya ang cute ng bawat galaw niya or he's just way too charming. Hindi naman malayo ang edad namin, dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya.
"Tara na nga, pinagluto kita."
I said sabay hila sa kanya papasok ng bahay pero hindi siya sumunod.
"What?"
I asked.
"Thanks beautiful."
He said and smiled at me.
Napatili ako sa gulat nang bigla niya akong buhatin kaya nakaupo ako sa mga kamay niya ngayon.
"Hoy! Renzo! Ibaba mo nga ako! Baka malaglag ako ah."
"Palagi kitang sasaluhin."
He winked at napatawa naman ako ng malakas sa mga kalokohan niya.
"Ang dami mong baon ah."
Kakauwi lang pero napakatamis na kaagad ng timpla.
I'm not complaining, I actually like it.
"Of course, literal pa nga eh. I bought you a lot of chocolates, every chocolates I saw reminds me of you so I bought it all."
He said at ibinaba na ako.
"Wow! Really?"
Pakiramdam ko bumabalik ako sa pagka-teen ager ko sa tuwing kasama ko si Renzo dahil sa mga panunuyong ginagawa nya. He takes care of me and he always spoil me with the things I like. Damang dama ko na may nanliligaw sa akin.
"Only for you, yes."
He answered.
"Where's my price?"
He asked kaya napangiti ako at mariin siyang hinalikan sa pisngi niya.
"Hehehe."
He chuckled habang namumula nanaman ang mga pisngi nya.
This man is too cute to be a CEO of a big company.
"Kilig much."
Pang-aasar ko sa kanya at mukang nahiya naman siya dahil umiwas siya ng tingin sa akin.
"Hindi ah."
Pagtanggi niya.
"Let's eat na."
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila sya papunta sa dining area. Nang makita niya yung niluto ko ay agad siyang napapalakpak na parang bata. Liban kasi sa paborito niyang adobo ay gumawa rin ako ng soup and dessert. I'm sure pagod siya sa byahe kaya deserve niyang kumain ng marami ngayon.
"Mukang masarap ah."
Pareho kaming umupo na.
Alam kong gutom na siya pero ako pa rin yung una niyang inasikaso. Inayos niya yung upuan ko para sa akin at siya pa mismo yung naglagay ng pagkain sa plato ko.
"Thank you."
"Always, beautiful."
Hindi ko maiwasang mapatitig minsan kay Renzo. I can't help but to adore him, all of him.
If I would describe Renzo, I would say that he is like a romantic guy from the 90's. Very sincere, sweet, caring, timeless and he always make sure to remind me beautiful everyday.
"Is it good?"
Tanong ko nang magsimula na siyang kumain.
"Absolutely good, it's perfec.t"
Sagot niya at muling sumubo.
"You're exaggerating."
I'm glad he likes it.
"No, it's really perfect for me. Just like the lady I'm eating with tonight."
He smiled and I chuckled.
See? He's sweet and also cheesy.
"So it's really true huh."
He said.
"What is true?"
I asked.
"That you can get full just because of a beautiful smile."
Pagbanat niya nanaman.
"Oh Renzo, stop."
Tanging sagot ko habang tumatawa pa rin dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Teka."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Inilapit niya ang tingin niya dun habang nakakunot ang noo.
"Kailan mo nakuha ito?"
Nag-aalalang tanong niya. Ang tinutukoy niya ay yung sugat sa daliri ko when I accidentally cut myself earlier.
"Kanina, it's fine maliit lang naman."
Sagot ko at binawi ang kamay kong hawak niya.
"Did you apply something on it?"
Tanong niya at umiling naman ako dahil paglagay lang naman ng band aid ang ginawa ko kanina.
"Tsk, where is your first aid kit?"
"Um, sa kitchen, ginamit ko kanina."
I answered at agad siyang tumayo at naglakad papunta sa kitchen. Maya-maya ay bumalik na siya na may dalang first aid kit.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Dahan-dahan niyang inalis yung band aid na nakabalot sa daliri ko at pinahiran yun ng cream for small cuts.
"Masakit?"
Malambing niyang tanong at umiling naman ako. Paano pa sasakit kung sobrang pag-iingat ang ginagawa niyang paglalagay. Nakakaantok nga sa hinhin tapos ang sarap pa sa pakiramdam na hawak niya ang kamay ko.
Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko ay nagpatuloy na ulit kami sa pagkain pagkatapos nun ay siya na yung naghugas ng mga pinagkainan namin. Pinilit ko siyang ako na pero ayaw noya talaga akong paghugasin dahil may sugat daw ako sa kamay. Ang liit lang naman nun pero ayaw niya pa rin.
Siya nga itong pagod galing sa byahe tapos siya pang nag-aasikaso sa akin.
Hindi mapakali ko siyang inantay matapos sa paghuhugas pagkatapos ay umakyat kami sa kwarto because he wants to lay down for a little bit bago tuluyang umuwi sa bahay niya.
Nakatira nga pala ako sa apartment na hinanap ni Renzo para sa akin. He made sure to find one where Austin can never find me as much as possible. Maganda naman yung area tapos mura lang din yung rent monthly kaya sobrang okay na para sa akin. Ang gusto ko lang naman ay ang malayo kay Austin but he still found me in the end.
"Kamusta yung byahe mo? Are you tired?"
Tanong ko sa kanya habang marahang hinahawi ang buhok niya while also slightly massaging his head. Pareho kaming naka higa sa kama ngayon at nagpapahinga.
"Not anymore."
"Hmm."
I smiled.
"How are you? How's work while I am gone?"
Pinapahirapan ako ni Miss Torres at tinatambakan ng trabaho na hindi naman talaga ako yung dapat na gumagawa pagkatapos nagkita kami ulit ni Austin kanina. We kissed, touched and talked. Gulong-gulo ang utak ko sa ngayon.
"It's good."
Nakangiting sagot ko.
I lied, alam kong maraming iniisip si Renzo at ayaw ko nang dagdagan yun dahil lang sa maliit at sarili kong problema.
"Buti naman kung gano'n. Sana nga kasama talaga kita dun eh."
Hindi ko sigurado pero parang pang isang daang beses nya na yatang sinasabi sa akin yan ngayon. He keeps telling me how beautiful the place is and how much I would like it kung nando'n ako.
"Kaso nga hindi pwede."
Sagot ko at nakanguso naman siyang tumango.
Bawal naman kasi talaga dahil paniguradong magdududa lahat kasi kung isasama niya ako, siya lang yung may kasamang secretary sa business trip na yun. Bawal kasi isama yung secretary dun dahil masyadong private yata yung mga pinag-usapan nila.
"May next time pa naman."
Dagdag ko pa at tumango naman siya ulit pero this time may ngiti na.
"Ang cute mo."
Bigla na lang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko na ata napigilan kasi totoo naman.
"You're cuter."
Pabulong niyang sabi sabay hawi ng buhok ko at sinabit yun sa likod ng tainga ko.
Napahinto ako bigla sa ginawa niya at pareho kaming napatigil at napatitig sa mata ng isat-isa. My heart started beating fast. Parang may mga paro-paro ring nagliliparan sa tiyan ko at mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko nang unti-unting lumapit ang muka niya sa mukha ko.
I don't know what to do so I just closed my eyes and waited for what will happen.
Until...
*kringggg kringggg*
*kringggg kringggg*
"DAMN IT!"
Rinig kong sabi ni Renzo kaya napamulat ako bigla.
Padabog niyang kinuha yung cellphone niya nakalagay sa side table at sinagot habang ako naman ay parang ewan na nakahiga lang at nakatingin sa kisame.
It's so awkward.
We almost kissed right? We never kissed before, I mean, we still didn't kiss.
"What?"
Halatang inis na pagsagot ni Renzo sa tawag ng kung sino man.
"Sige papunta na ako."
He said as he stand up and wear his coat.
"I'm sorry Cy, may emergency sa office eh."
Pagpapaliwanag nya habang nagmamadaling inaayos ang sarili.
"Sasama na ako baka makatulong ako."
Sabi ko pero umiling siya.
"Ako na ang bahala, magpahinga ka na lang dito."
He said.
Lumapit siya sa akin sandali pagkatapos ay hinalikan ako sa noo ko.
"Teka."
"Hmm?"
"Take this."
Sagot ko at naglagay ng isang chocolate sa bulsa ng coat niya na nakapatong sa side table ko. Ngumiti siya dahil sa ginawa ko at ginulo-gulo pa ang buhok ko.
"Why are you so lovely?"
He chuckled.
"Are you sure you're okay alone? You don't need me there?"
I'm really worried, He looks so tired already.
"Hmm, I need you to rest more than I need you to work with me."
Mukhang hindi na mapipilit na isama ako kaya hindi na ako nangulit pa.
"Okay, mag ingat ka."
Tumango na lang siya sa akin at tuluyan nang umalis.