Cy's POV
Apat na araw ko nang nakikitang nahihirapan si Renzo sa kompanya, halos di na nga siya kumakain dahil mga nangyayari. I have no idea what is happening dahil kahit anong tanong ko ay hindi niya sinasabi sa akin.
I'm his secretary but I know nothing.
*tok tok tok*
"Come in."
Sagot niya pagkatapos kong kumatok at pumasok ako sa loob.
"Sir Friz."
Pagtawag ko sa kanya.
He finally looked away from all the papers in his table.
"Oh Cy, may problema ba?"
Malambing na tanong niya sa akin at umiling naman ako.
Siya na nga itong may napakadaming problema pero nakuha niya pa akong tanungin ng ganyan.
"Let's eat, lunch break na rin naman."
Inantay ko talagang mag 12 para lang mayaya ko siyang kumain sa labas at makakwentuhan para na rin makapagpahinga siya kahit sandali lang. Maya-maya nga ang silip ko sa kanya kanina mula sa labas.
"I'm Sorry Cy but I..."
"I'm not asking Sir Friz."
I smiled.
"You will come with me sa ayaw at gusto mo."
I added.
Hindi siya sumagot kaagad at parang nag-isip pa sandali.
"Okay but I have to bring some of these papers."
He said and started collecting some of the papers na nasa table niya kaya naman lumapit ako agad at kinuha lahat ng hawak niyang mga papel at ibinaba yun pabalik sa mesa.
"The papers will stay here Sir."
I smiled at wala na siyang nagawa at ngumiti na lang sa akin.
"Come on, you need a break. Let's go?"
I asked.
"Okay okay. How can I say no to you."
He chuckled.
"You can't."
I joked.
Iniabot ko sa kanya yung coat niyang nakasabit pa, isinuot niya yun pagkatapos ay umalis na kami. Nauna akong maglakad palabas ng building pagkatapos ay sumunod siya after five minutes para hindi mahalata ng kung sino mang posibleng makapansin na lumalabas kaming magkasama. So far, wala pa naman kaming naririnig na usap-usapan tungkol sa aming dalawa.
Nang sumakay kami sa sasakyan ay agad niyang hinawakan ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela ng kotse. I insist driving because he's supposed to relax with me this lunch break.
"Thank you."
Renzo smiled, I looked at him and smiled back.
He's treating me right so I should do the same for him, give and take.
Pagkarating namin sa restaurant ay nag-order kami kaagad ng pagkain. It's Renzo's favorite korean restaurant because the food is so good. Kilala rin ni Renzo yung owner ng restaurant, they're so close to each other at halos parang apo na ang turing sa kanya ng may-ari.
"Heto, dinalhan ko kayo ng soup."
Inang Geu Roo said, she's the owner of the restaurant.
"House service."
She still has korean accent kapag nagsasalita.
"Salamat po."
Renzo and I said.
"Kamusta naman ang trabaho niyo?"
"Okay naman po."
Renzo said and smilled at umiling naman si Inang na parang hindi siya naniniwala kay Renzo.
"Mukha kang pagod."
"Inang, are you saying I'm ugly?"
Renzo joked at mahinang hinampas naman siya ni Inang sa braso kaya napatawa na rin ako.
"I'm alright Inang."
"Magpapahatid ako ng mga pagkain sa opisina mo simula bukas. Kainin mo lahat ng yun."
Inang said and Renzo just smiled.
"Sige na, may aayosin pa ako."
"Salamat Inang."
"Kumain kayo ng marami."
Inang said and left.
I feel so bad for Renzo, Inang is right about what she said to Renzo. He really looks tired but still handsome.
"Cy?"
Pagtawag ni Renzo sa akin.
"Hmm?"
I asked while still enjoying the noodles that I am eating.
"How many children do you want?"
Tanong niya na talagang nagpa-ubo sa akin dahil sa gulat.
"Hey, hey, are you okay?"
Nagpa-panic niyang tanong as he gave me a cup of water na agad ko namang ininom ng dirediretso.
"Ye... yeah, I'm okay now."
Sagot ko sabay inom ulit ng tubig.
"Ikaw naman kasi eh masyadong panggulat yung tanong mo."
I added habang umuubo-ubo pa rin.
"Oh, sorry I didn't mean to shock you."
"It's fine."
"Is it good?"
He asked talking about the food.
"No doubt, yeah."
I answered then he proceeds on eating.
Muli nanaman akong napatitig kay Renzo. Kahit anong anggulo talaga ay napakaganda niyang tingnan.
Handsome, tall, kind, sweet and smart. Bakit nga ba ngayon lang kami pinagtagpo ng tadhana? Kung nauna ko sana siyang nakilala kaysa kay Austin, edi baka hindi ako nasaktan ng ganito.
I don't know what I did to deserve man like him.
"Ang gwapo mo."
I said out of nowhere that made him blush instantly na mas lalo pang nagpagwapo sa kanya.
"And you're beautiful kaya nga bagay tayo eh."
Pagbanat niya din kaya napatawa ako.
"Bolero."
"No, I'm not, just telling facts Cy."
He said and winked at me.
I like it whenever he says my name.
"Sabi mo eh."
I chuckled and proceeds on eating again.
Austin's POV
"ARGH!"
I shouted as I threw the wine glass on the wall of my office. Malakas ang pagtapon ko kaya bigla ring napapasok sa loob ng office ko yung secretary ko.
"Oh my God! Sir, are you okay?"
Halatang gulat na gulat niyang tanong pagkapasok niya.
"Please get out."
I said with my eyes closed trying to calm myself and not shout at her.
She immediately goes out.
Napatingin ako sa sahig when I saw some blood falling from my face. I didn't realize that I'm bleeding, nasugatan ako mula sa wine glass na tinapon ko. I was not far from the wall when I did that.
Reyes sent me again a bunch of pictures of Cy and that asshole eating on a korean restaurant and laughing together. They look like a perfect couple from a romance drama.
That should be me eating lunch with my wife.
I know that Mico and Travis keeps telling me that I should go near Cy for a while and give her space pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse ko at naglakad palabas ng office.
"Tell them to clean the mess inside."
I said to my secretary and left.
Pagkarating ko sa parking lot ay sumakay kaagad ako at nagdrive papunta sa kung nasaan man si Cy.
"I'm going to get you wife."
I said to myself and drove even faster.
Nang makarating ako sa restaurant ay nag-park ako kaagad at bumaba ng kotse. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko kaagad si Cy, napakunot ang noo ko when I saw her eating alone. I thought she's with her boss.
I looked at my wife and I saw her smiling habang binabawasan yung isang plato ng pagkain at inililipat yun sa kanya. I smiled bitterly when I remember how she always do that to me before.
Huminga ako ng malalim at naglakad papalapit sa kanya. Pagkalapit ko ay umupo agad ako sa upuan sa harap niya. I instantly got her attention that made her stop from eating.
She's so beautiful.
"Austin, what are you doing here?"
Her eyes widened at halatang hindi mapakali.
"I'm here to take you home."
I said as I grabbed her hands, but she did not move at sinamaan lang ako ng tingin.
"Let go of me."
Mariin niyang utos sakin and I did.
"What happened to your face?"
She asked but I did not answer.
Mapait akong napangiti nang tanongin niya ako nun, does it mean she still care about me? I hope.
"Where's that guy? Kabit mo ba yun Cy?"
Seryoso kong tanong sa kanya.
"Kabit? What are you talking about Austin? Sa huling pagkakaalala ko ikaw yung may kabit sa ating dalawa."
Halatang galit niyang tanong sa akin.
She's right but...
"We are still married Cy."
I said.
"Then sign the annulment paper."
Mabilis niyang sagot.
"No, I won't."
"Seriously what are you doing here? Umalis ka na bago pa bumalik si Renzo."
She said and looked at the direction of the restroom.
So, he's still here.
"Yeah, let's leave before he comes back."
Sagot ko at sinimulang kinuha lahat ng gamit niya.
"What do you think you're doing?"
Napatayo na rin siya dahil sa ginawa ko.
"You're mine."
Sagot ko at hinila siya palabas ng restaurant papunta sa kotse.
"Let go of me."
Cy said nang makarating kami sa tapat ng kotse. Kagaya ng sinabi niya ay binitawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya. Maluwag ko lang siyang hinawakan kanina, buti na lang at sumusunod siya sa paglalakad ko.
I may hurt her emotionally, but I can never hurt her physically. I may be the worst husband but I'm not that kind of guy.
"Please umalis ka na."
"Not until you come with me."
"Are you crazy? I can't leave Renzo there without saying anything."
Why does she care so much about that guy? Talaga bang sa selos ako mamatay?
"Then tell him."
"Tell him what? That I'm coming with you?"
"Yes."
Mabilis kong sagot.
"This si driving me crazy."
Mahinang sabi niya.
"Are you coming or not? I am not leaving here until you come with me."
"Why should I go with you Austin? Huh? Why?"
"I want to show you something. It's important, please."
Of course, I didn't come here just to annoy her, I came here for an important reason.
"Titigilan mo na ba ako pagkatapos nyan? Will you sign the annulment paper?"
She asked.
"I can't promise you that."
I answered.
I will be lying if I say yes.
Malalim siyang bumuntong hininga pagkatapos ay binuksan yung pinto ng kotse at nauna nang pumasok. Palihim akong ngumiti at pumasok na rin sa loob.