Chapter 2: Reason

2203 Words
Cy's POV *ding dong* *ding dong* Sunod-sunod na pagpindot ko sa doorbell ng bahay nila Nam. "Sandali lang!" Rinig kong sigaw nya kaya tumigil na ako sa pagdo-doorbell. Boses pa lang nya ang naririnig ko ay parang gusto ko na kaagad umiyak ulit pero pinipigilan ko lang. Kanina pa ako umiiyak, pagod na pagod na ang mga mata ko at pagod na rin ako sa paghabol ng hininga ko. Nam is my best friend since high school, she's always there for me lalo na sa tuwing nagloloko si Austin. Wala akong ibang pwedeng takbohan kung 'di sya lang. Unti-unting bumukas ang pinto at pagkabukas na pagkabukas nito ay agad ko syang niyakap ng mahigpit at humagulgol sa pag iyak. Hindi ko na napigilan nang makita ko sya. "Sa.. sandali, anong nangyari? Shhh... tahan na." Pagpapakalma nya sa akin pero patuloy pa rin ako sa pag iyak. Gusto kong mag salita pero nahihirapan ako dahil sa pag-iyak ko. I can't help it, kahit sarili ko ay hindi ko na makontrol dahil sa emosyong nararamdaman ko. "Ayaw ko na...Nam, ayaw ko na." Pag-iyak ko sa kanya habang humihikbi-hikbi pa. Ramdam ko ang bawat paghaplos at pagtapik nya sa likod ko upang mapatahan ako. "Shh halika muna sa loob, you need to rest muna para makapagsalita at makahinga ka ng maayos." Inalalayan nya akong pumasok sa loob ng bahay nya pagkatapos ay pinaupo nya ako sa sofa. Pumunta sya sa kusina nya at sa pagbalik nya ay may dala na syang baso ng tubig. "Here, drink that ubusin mo lahat." Iniabot nya sa akin yung tubig na hawak nya. Kinuha ko yun at diretso kong ininom lahat. "Hayop sya! Hayop sila!" Galit kong saad at padabog na inilapag yung baso sa table na nasa harap ko. "Eh ano ba ang nangyari at umabot ka sa paglalayas? Ang laki pa ng maletang dala mo. Dati kahit ilang beses ka nyang niloloko unting lambing lang okay kana, ganon ka karupok mami." Hindi ko alam kung nagtatanong ba sya o nangsesermon pero basta. Hindi ko pa kinukwento lahat ay alam na kaagad ni Nam ang nangyari. Tama naman sya eh, ganon ko ka mahal si Austin, palagi ko syang iniintindi no matter what kasi ayaw kong taposin lang ng ganon lahat ng pinagsamahan namin. I always find a reason to stay, ako na mismo yung gumagawa sa sarili ko ng excuses para sa kanya kasi palagi akong umaasa na magiging maayos pa kami ulit. "Sinubukan ko naman 'di ba, Nam? Alam mo naman yun 'di ba?" "I know, I know. I saw it all." Sagot nya at hinawakan ang dalawa kong kamay. "He did it again, in our room." "What? Dinala na sa bahay nyo?" Sigaw nya at napatayo pa sa gulat. "Nag-make out sila sa mismong kwarto nyo? Oh my gosh that is so new and so unbelievable!" Tanong nya at umiling naman ako. "So ano?" She asked. "They're having s*x when I got home from the grocery." Hindi ko alam kung paano yun nagawa ni Austin, I can't even kiss another guy pero sya nakaya nyang gumalaw ng ibang babae. Lagi ko syang nahuhuli dati sa bar na nakikipag-make out sa kung sino-sinong babae. He's always using the excuse that he's drunk kaya nya nagawa yun at ako naman itong si tanga na laging naniniwala. "ANO?! HALIKA PUNTAHAN NATIN! AKO NA ANG MAG BABALIK SA ASAWA MO KAY LORD!" Nagwawalang sigaw ni Nam pero agad ko naman syang hinila paupo at pinakalma. "Nam, kumalma ka nga muna! Ako dapat yung nage-emote dito eh." Pagpigil ko sa kanya. "Eh kasi naman! Napakagago ng asawa mo!" Oo, gago nga talaga. "So, what did you do?" She asked. "Kinaladkad ko yung babae palabas ng bahay." I sighed. "Yun lang?" Unsatisfied nyang tanong. "Naked." Sagot sa kanya at para naman syang baliw na bigla nalang tumili ng sobrang lakas. "Bet na bet! Sayang wala ako. Ang intense naman pala nung nangyari. But don't get me wrong ah, I'm not happy about what happened." Pagpapaliwanag nya. "Alam ko naman tsaka tama na siguro yung nangyari at baka lumala pa kapag nandun ka, siguradong kalat na rin yung pictures nung babae at ni Austin sa internet ngayon." Sa dami ba namang chismoso at chismosa kanina sa labas ng bahay namin ay paniguradong kalat na yun ngayon. "Aba dapat lang! Yan ang napapala ng mga babae at lalakeng makati, kahihiyan. They should be ashamed of themeselves." Kung nandun si Nam ay paniguradong mas malala pa yung nangyari sa babaeng yun. Mas grabe yan sa akin eh, palaban at matalino sya pag dating sa mga desisyon at pangyayare sa buhay nya. Ganon din naman ako pero pagdating kay Austin natatanga ako. Maybe love made me a fool. "But to be honest, I never imagined you doing that. It's not you, you know." Nam said. "I never imagined doing that too." Kahit nga yung pagloloko ni Austin ay hindi ko rin naisip noon, never in my wildest dream. "So anong plano mo ngayon?" Tanong nya. "I don't know, I'm not sure yet. Basta ang alam ko lang ay hinding-hindi na ako babalik kay Austin. I had enough." Seryosong sagot ko kay Nam. She smiled at me pagkatapos ay niyakap nya ako ng mahigpit. I'm so lucky to have Nam as my best friend. Kung wala sya ngayon ay hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta sa mga ganitong pangyayari sa buhay ko, I trust her so much. We already both know na tanga ako but she never judged me. Papagalitan nya lang ako sa tuwing mali yung desisyon ko pero andyan pa rin sya para sa akin. "Thank you, Nam." Naiiyak ko nanamang sabi. "Shh it's okay, you are a strong woman for staying with that asshole for this long." Pagpapakalma nya ulit sa akin. "Tara na sa taas, ayusin mo muna yung sarili mo at magpahinga. You look like a hot mess right now." She said at sumunod naman ako. Nang makaakyat kami sa taas ay naligo kaagad ako habang si Nam naman ay inaayos yung kamang hihigaan ko. Maya-maya nga sya kumakatok sa pinto ng bathroom to see if okay lang ako sa loob. Maybe she's afraid that I might do something bad to myself. Habang nagsho-shower ako ay hindi ko maiwasang maisip ulit yung nangyari kanina at sa tuwing bumabalik yun sa alaala ko ay napapaisip ako kung ano ba dapat ang sunod kong gagawin at tanging annulment lang ang naiisip ko, I can't find any reasons to stay anymore. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit but one thing for sure is that I need to remove Austin from my life first. I need and want to set myself and also my heart free from him. Sobrang pagod na ako. Sinubukan ko naman na ang lahat pero baka nga hindi na talaga pwede. At least alam kong wala akong pagsisihan dahil alam kong binigay ko ang lahat bago ako sumuko. Austin's POV "ASSHOLE!" Fate shouted as she gave me a hard slap on my left cheek. Sobrang sakit na ng pisngi ko ngayon pero napa ngisi lang ako sa ginawa nya at muli syang hinarap. "What? Nagustuhan mo naman hindi ba?" Nakangisi kong tanong sa kanya. "Sira ulo kaba? You told me that your wife is dead!" She shouted. Yes, I told her that nung nakita nya yung wedding picture namin ni Cy sa kwarto. "Does it even matter? Pumayag ka nga kanina agad sa bar without even knowing who I am." You want to f**k me without even knowing any possible consequences. That is how stupid you are. "Ano pa ba ang kinagagalit mo? I already told you that I can handle all of your naked photos on the internet. Kayang kaya kong ipabura yun within this day." I added. I hate this kind of woman. Pumapayag makipag s*x sa hindi nila kakilala tapos magrereklamo kapag may sabit. How easy, careless and stupid. Lumapit sya sa akin at muli nanaman nya akong sinampal pagkatapos ay nag lakad na sya palabas ng bahay. Umiling-iling nalang ako at umupo sa sofa. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko and it's currently 5 pm, I'm sure that Cy will be back at 6 pm, hindi nya ako matitiis at alam ko yun. But to be honest, nagulat ako sa ginawa nya kanina. Yun na ata ang unang beses kong makakita ng matinding galit sa mga mata nya. I know her so much at hindi sya yung tipo ng babaeng nag-iiskandalo. She always solves things without causing any harm or shame. I'm about to get up and go to the kitchen para kumuha ng ice for my face from all thos slaps nang biglang may nag doorbell. Is it her? Naglakad ako papunta sa pinto at nang buksan ko yun ay hindi si Cy ang nakita ko kung hindi si Travis and Mico, they are my friends. "What are you guys doing here?" Kunot noo kong tanong. "We heard what happened." Travis answered. "And your face is so red." Dagdag ni Mico at umupo silang dalawa sa sofa kahit na hindi ko pa sila pinapapasok. "So?" I asked. "Dude hindi ka pa ba naawa sa asawa mo? It's too much and we heard from Nam that you did it sa kwarto nyo ni Cy. That is extremely disrespectful." Sagot ni Mico. "Hindi pa yun sapat, mas masakit yung ginawa nya sa akin." Tumitigas nanaman ang kamao ko sa tuwing naalala ko yung gabing yun, the night when I caught her sleeping with another guy on my birthday sa isang resort. Baka nga hindi lang make out ang nangyari sa kanila nun. She was naked that night beside my cousin. What do you expect me to think? "She was drugged that night." Mico said. "Never proven." Walang cctv sa area nun. Nagpa-check din si Cy sa obgyn to prove na walang nangyari sa kanila and it's true pero wala pa ring nagpapatunay that they didn't do anything or touch each other. "Do you not trust your wife?" Tanong ni Travis habang nakapamewang. "I did." I smiled bitterly. "Austin sabihin man nating may ginawa nga sila nung gabing yun, isang beses lang nangyari yun kaysa naman sa ginagawa mo sa kanya ngayon na halos ilang beses na, that is so disrespectful for Cy dude. She is still your wife." Dagdag pa ni Travis. "I don't believe her." Sagot ko. Matagal nang may gusto si Drake kay Cy. What if matagal na pala nila akong niloloko? "Alam mo pare bahala ka. Pag natauhan si Cy, kawawa ka." Pagsuko ni Mico sa pagsermon sa akin. Sa tuwing naiisip ko yan ay hindi ko itatangging kinabahan ako. Sa totoo lang hindi ko sigurado kung mahal ko pa si Cy. Sa tuwing nakikita ko sya, nasasaktan ako. Hindi tulad dati na sa tuwing matatanaw ko sya kahit sa malayo ay parang nadadagdagan ang buhay ko. Ayaw ko rin itong gawin kay Cy, hindi man ako sigurado kung mahal ko pa sya ay sigurado naman akong minahal ko sya ng sobra pa sa buhay ko. Kaya rin siguro ganito na lang kasakit at ganito yung galit na nararamdaman ko hanggang ngayon na parang bumalot na sa pagkatao ko. Hindi ko na rin kilala ang sarili ko. "Don't worry, I'm sure she'll be back in an hour." Sagot ko. "Paano kung hindi?" Sabay nilang tanong sa akin. "That's impossible." Confident kong sagot at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng beer. Pagbukas ko ng ref ay sandali akong napahawak sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari ngayong araw, parang hindi ako mapakali. Yung gabing sumira sa amin ay hindi lang simpleng cheating or misunderstanding para sa akin. It was her and Drake. Whatever it is, she did it with my cousin Drake and we all know na malakas ang tama ni Drake kay Cy. Nung pinakilala ko pa lang si Cy sa parents ko ay halata ko na sa mga tingin ni Drake na may gusto at pagnanasa sya kay Cy, that's why we moved here pero sumunod pa rin ang gago. Cy said na hayaan nalang namin sya at yun na nga ang ginawa namin hanggang sa nangyari na nga ang gabing yun. I almost killed Drake that night but Mico and Travis came and stopped me. Simula nung gabing yun ay nag bago na rin ang pakikitungo ko sa asawa ko. I can't help myself from overthinking since that night. I can't look at her the same way I look at her before. My mind is always pushing her away. Ano'ng kulang sakin? Matagal na ba nila akong niloloko? How can she do that to me? Why Drake? Does she even love me? Ang tagal na namin ni Cy and never in my darkest dream thought that our relationship will be like this in the future. "Oh beer." Paghagis ko ng beer kay Travis at Mico. "Ano nang plano mo kung uuwi nga si Cy ngayong gabi?" Travis asked. "I don't know." I don't have any plans. "Ang tanong, paano kung hindi bumalik?" Mico asked. "Imposible nga yun." "Pero paano nga?" I don't know but... I don't want that to happen. Believe it or not, I still want Cy in my life. Sounds selfish? Yes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD