Chapter 73 Marilyn’s Pov SUMAKAY kaming muli ng asawa ko sa kotse niya dahil tapos na namin sirain ang mood ni Casopia. Laughtrip talaga yung mukha niya ng makita niya ako. Sino ba namang hindi matutuwa kung ganun. Hindi talaga niya inaasahan na makikita niya ako lalo na siguro ng malaman niya na asawa ako ni Koa. Sa tingin ko ay nakabawi na talaga ako. “Kamusta ang pakiramdam mo, amore?” Tanong ng asawa ko. Ngumiti ako ng napakatamis dahil tuwang-tuwa ako. “Masaya, love. Sobrang saya ko na nakabawi ako sa kanya.” Saad ko pa kaya natawa si Koa. “Mabuti naman kung ganun.” Tugon niya habang ang mata niya ay naka focus sa daan. “Saan nga pala tayo pupunta, love?” Tanong ko. Sabi lang kasi niya sa tahimik na lugar. Baka naman dadalhin niya ako sa isang patay-patay ilaw tapos kami lang

