Chapter 41 Koa’s Pov HINDI namin nagawa ang tattoo session dahil iba ang natapos namin ni Marilyn. Magdamag naming pinagsaluhan ang init ng buong magdamag. Pero kahit ganun ay maaga parin akong nagising. Mahimbing pa rin ang tulog ng dalaga kaya hindi ako gumawa ng ingay. Bago ako natulog kagabi ay nilinisan ko pa siya bago ko siya binihisan. Inayos ko ang kumot sa katawan ni Marilyn habang nakangiti ako. Masaya ako sa buhay ko ngayon. Sana ay panghabang buhay na kaming masaya ni Marilyn. Alam kong hindi mangyayari yun lalo na’t hinahanap ako ng ama ko. Darating ang panahon na maghaharap kami at pipilitin niya ako. Nakahanda na ako sa pagkikita namin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama saka ko pinatakan ng halik ang noo ni Marilyn. “I love you, amore.” Bulong kong sabi. Inay

