Chapter 55 Marilyn’s Pov PUMILA agad ako sa cashier para mabayaran ko na ang mga kinuha ko. Yung uhaw ko kanina ay nawala na ng makita ko ang kapatid ni Koa na si Kai. Kailangan ko na talagang makaalis dito. Plano ko na lumiko na muna at hindi dumiretso ng uwi sa subdivision. Alam kong masyadong feelingera na ang iniisip ko pero paano pala kung sundan niya ako at ako naman si tanga ay pumasok sa subdivision. Baka mapahamak lang si Koa kapag nagkataon. Kaya kailangan ko munang pumunta sa ibang lugar para kunwari ay do’n ako nakatira. Sana lang talaga ay mali ako ng iniisip. Ilang sandali pa ay natapos na ang taong nasa unahan ko. Ako na ang next kaya naglakad ako at kinuha ang mga pinamili ko na nakalagay sa basket. Pinaglalagay ko yun sa harap ng cashier hanggang sa maipatong ko l

