Chapter 76 Marilyn’s Pov NAKABILI NA kami ni Koa at hindi talaga niya ako pinababa ng sasakyan para hindi na daw ako mapagod sa paglalakad. Lahat ng galaw talaga niya ay nagmamadali. Excited talaga siya malaman kung buntis na ako. Nang makabili siya ay umuwi agad kami sa bahay. Mabilis naman kami nakarating dahil malapit lang naman sa subdivision namin. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay. Yung asawa ko ay parang na asinan na uod dahil panay ang galaw. Para bang hindi nauubusan ng energy. Siya na ang unang bumaba ng kotse at agad na umikot papunta sa passenger seat at pinagbuksan ako. “Dahan-dahan lang sa pagbaba, amore.” Paalala niya sa ‘kin habang hawak ang kamay ko. “Thank you, love.” Nakangiti kong sabi pero ang totoo ay nahihilo na naman ako. Ang likot kasi ng asa

