Chapter 39 Marilyn’s Pov PUMUNTA kami ng grocery store ni mayor Koa. Kinuha na niya ang kotse niya sa bahay ni doc. Demetrius. Panay lang ang tingin ko sa labas ng bintana habang si mayor ay kumakanta pa. Napangiti ako dahil ang ganda ng boses niya. Ayaw kong tumingin sa kanya dahil kinakantahan niya ako kaya sa bintana nalang ako tumingin. Ang kinakanta niya ay Evergreen na kanta ng Westlife. Ang ganda ng boses niya at ang lamig pakinggan. Nakikinig lang ako at hindi talaga siya nilingon. Grabe na talaga ‘to si mayor Koa, pinapakilig talaga niya ako. Ang daming nakakagulat sa kanya na hindi ko inaasahan sa panlabas anyo niya. Unang akala ko sa kanya ay isa siyang basagulero na lalaki. Tambay sa kanto lalo na sa tattoo niya pero hindi pala. Naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil puro m

