Chapter 57 Marilyn’s Pov NAKAUWI na ako sa bahay at hindi parin ako makapaniwala na nakita ko kanina si sir Kai. Mabuti na nga lang at pinayagan niya akong umuwi na at hindi na niya ako hinatid. Nagpupumilit kasi siya na ihahatid daw niya ako pero hindi ako pumayag. May kakaiba sa lalaking yun. Para bang alam niya kung nasa’n si Koa. Nakakapagtaka kasi na sa dami niyang pwedeng pagbilhan ng drinks ay dito pa talaga malapit sa subdivision. Kaya nakakapagtaka talaga ang kinikilos ng lalaki. At isa pang nakakapagtaka ay bakit sinasabi niya sa ‘kin ang plano niya. Tingin ko talaga ay may pinaplano ang baliw na yun. Kahit wala siyang sabihin sa ‘kin na pangalan ay alam kong si Koa ang tinutukoy niya. Nawalan na tuloy ako ng gana magluto ng pagkain. Naiinis ako dahil nandito na ang kapati

