Chapter 28 Marilyn’s Pov PUMUNTA kami ng kusina ni sir Koa matapos namin makapagbihis. Ang sabi niya ay paglulutuan daw niya ako habang magkwekwentuhan daw kami. Pumayag naman ako dahil wala naman din akong gagawin sa bahay na ‘to. Kaysa sa magkulong ako sa kwarto at mas mabuti pang umupo nalang at makipag usap kay sir Koa. “Anong gusto mong kainin, amore?” Malambing niyang tanong sa ‘kin. “Gusto ko ng pinakbet. Matagal na akong hindi nakakakain no’n eh,” nagdadalawang isip kong sabi at baka hindi kumakain si sir Koa no’n. “Gusto mo ba yun? Paborito ko kasi ang pinakbet. Hay.. perfect talaga tayo sa isa’t isa.” Sabi pa niya na para bang tuwang tuwa siya na yun ang gusto ko. Hindi ko mapigilan mapangiti dahil para siyang excited magluto. Kumuha siya agad ng mga gulay na ilalagay

