Chapter 35 Marilyn’s Pov NAGPAALAM na ang dalawang kaibigan ni mayor Koa. Natuwa naman si mayor dahil masosolo na daw niya ako. Nag bring home pa talaga ang dalawa para daw hindi na nila problemahin ang ulam mamaya. Nalaman ko kasi na babalil na sila ng Manila. Tinatanong nga nila si mayor kung ano daw ang plano niya. O kung kailan niya balak bumalik ng Manila. Hindi ko alam kung ano ang plano ni mayor Koa. Malapit lang din yata ‘to sa La Presya kaya baka mahanap sya agad ng ama niya. Kanina kasi ay narinig ko ang pag uusap nilang tatlo. Medyo nalungkot ako dahil alam ko naman na hindi kami bagay ni mayor Koa. Alam na alam ko yun dahil sino ba naman ang magkakagusto sa ‘kin na simpleng babae at wala man lang ipagmamayabang sa mundo. Ang ama niya ay magaling pumili ng babae. Sigur

