SERENA "What the hell are you doing here?!" parang kulog na sigaw ni Calvin na ikinalingon namin ni Arkin, hindi namin namalayan na nakasunod na pala siya sa amin. "Oh Baby! I knew you'd be here!" tili ng masakit sa tengang boses ng babaeng hindi namin inaasahang dadating. Naglakad siya papasok ng gate at basta kaming nilagpasan, nilapitan niya si Calvin para yakapin, nakasunod lang kami ng tingin kaya nakita ko kung paano halos itaboy ni Calvin si Angela. "I said what are you doing here in this hour? Where's Cray?" nakakunot ang noong tanong ni Calvin na tiim ang bagang. "I left him in your villa kasi natutulog na siya. Why are you so angry? I'm the first lady of the Estate so siyempre dapat nandito ako bukas para sa anniversary," bumaling siya sa akin at nginisian ako, "Am I right

