CHAPTER 6 SORRY

3544 Words
SERENA "S-sese... don't tell Calvin about this please. I don't want him thinking that I'm pathetic..." nangilid ang luha sa mga mata ko. "Yna you're not pathetic! It's him and his mistress! How dare he hurt you like this? Just because tumaba ka at hindi magka-anak? For f*ck sake napakababaw niya! Kung mahal ka niya, hindi niya magagawang mambabae just because you're overweight! Ni hindi niya hinintay na mabuntis ka at bumuntis ng iba? Humanda siya sa akin! We'll file a case! I'll ask Kuya Mace to file Concubinage, we have all the evidences Yna!" Selene said while gritting her teeth, anger is radiating on her. Anger that I've never seen before. "Sese please... I signed the papers already," hinawakan ko ang kamay niya at lumuluhang nakikiusap sa kanya. "Selene wag na tayong magsampa ng kaso. Ayoko nang maghabol... Pagod na akong habulin yung taong ayaw naman akong makasama. Pagod na kong magmahal ng taong hindi ako kayang pahalagahan... I want to start anew with my baby. I don't want him to see me like this, so please don't tell him what happened. Huwag niyo na siyang papuntahin..." I cried hysterically while clutching on her hand. "Too late twin, nakausap na siya ni Adam kanina. That sh*thole is coming any minute now," nakita ko ang pagtatagis ng bagang ni Selene. "W-what? Selene! Please don't tell him I'm pregnant! I don't want him to know..." todo iling ako at lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Napabuntong hininga si Selene, her eyes is now misty, "Why Yna? Anak niya yan at asawa ka niya kaya dapat niyang panagutan iyan! I hate him pero responsibilidad niya kayo ng anak mo." "Sese I don't want him to come back just because he knows I'm pregnant... I don't want his pity Selene, so please..." umiiyak na turan ko sa kakambal. Napaiyak na si Selene at niyakap ako ng mahigpit, "I'm sorry Yna I didn't know. I'm sorry hindi kita naprotektahan. I'm sorry wala ako sa tabi mo nung pinapaalis ka niya. I'm sorry twin..." humahagulgol siya at hinahagod ang buhok at likod ko. Napakapit naman ako sa kanya, sa kanya ako kumukuha ng lakas ngayon. "This is not your fault Selene. This is my fault, napabayaan ko ang sarili ko. Masyado akong tutok sa negosyo kaya hindi lang sarili ko yung napabayaan ko kundi pati yung asawa ko... Kumapit ako Sese, I hang on until the end pero siya yung kusang bumitaw sa kamay ko. He let me go because he can't stay with a fat wife. If you just see how disgusted he is, it's haunting me on my waking hours Selene I can't sleep. Ayoko na ng gano'n Sese ayoko..." muli kaming humagulgol sa isa't isa. Nang humupa ang mga emosyon namin ay hinawakan ni Selene ang magkabilang pisngi ko at pinahid ang mga luha ko, "Okay Yna I won't tell him. I'll talk to Uncle Tony to keep your pregnancy and to not tell anyone especially Calvin. Now my twin rest for a while, I'll just find Adam." Tinulungan ako ni Selene na makahiga bago siya lumabas ng hospital room ko. I sighed while holding my flat tummy. "Baby I'm so sorry... I didn't know I have you. I'm really sorry..." sambit ko habang umiiyak. "I didn't know what happened anak. The pain I felt is unbearable... I love your Daddy so much and I don't know if I can move on from him. But I'll try to do it for you. I will be your Mom and Dad. Your Tita Selene and your cousins will love you, the whole family will nourish you with love. We are enough anak... We don't need your Daddy... He already plan his future, and that future doesn't include us." sumisinghot singhot kong sabi. Hindi ko mapigilan ang paglandas ng luha sa mga mata ko. "I'm sorry anak I think it's my fault. Napabayaan ni Mommy ang sarili niya kaya iniwan tayo ng Daddy mo... I'm sorry," tuloy sa pag iyak na sambit ko. Mayamaya'y nakaramdam na ako ng antok at pagod sa pag-iyak kaya hindi ko na napigilan ang pagpikit at pagpunta sa dilim. ***** SELENE Naglalakad na si Adam palapit sa akin, gusto kong lamukusin ang mukha ng asawa ko ngayon kahit hindi siya si Calvin, "Babe how is Yna? Calvin is on h-" "That motherf***er! This is all his fault! Adam may babae si Calvin! Are you aware of this?" galit na sabi ko sa asawa ko. Napamaang naman si Adam habang nakatingin sakin, shock is written all over his handsome face, "Babe no! I didn't know! I promise!" nagtaas pa ito ng kamay para ipakitang totoo ang sinasabi niya. "Just be sure Adler dahil kung hindi pareho ko kayong mapapatay ni Sanders!" naikuyom ko ang kamao ko, nangangati talaga ang kamay ko at gusto kong manakit! How could that moron do this to my sister?! Niyakap ako ni Adam at hinalikan sa ulo, "Babe believe me I didn't know. We were so busy with our twins remember? At kung nalaman ko yun sa tingin mo buhay pa si Calvin hanggang ngayon? Did Yna say kung sino ang babae ni Cal?" Bumuntong hininga muna ako bago sumagot, again my eyes turned misty, "It's Angela..." "What the f*cking f*ck?!" biglang tumalim ang tingin ni Adam nang sabihin ko ang pangalan ng kabit ni Calvin. Angela is Calvin's ex. She's also the reason bakit hirap na hirap noon ang kambal ko na kunin ang puso at atensyon ni Calvin Sanders. D*mn that witch for messing with my sister's life over and over again! "And guess what, the b*tch is pregnant with Calvin's baby," I said tasting the bitter taste in my tongue. "D*mn you Cal what have you done?" bulong ni Adam sa kawalan. "And m-my sister is pregnant babe..." I started to cry. Lahat ng tapang ko nahulas dahil sa nakaka-awang sitwasyon ng kapatid ko. She doesn't deserve this. She's a good soul. She always think about others first before herself. Why does she have to experience this? Oh God my twin... Yakap ako ni Adam habang umiiyak nang makarinig ng tumawag sa pangalan namin, "SELENE! ADAM!" nalingunan namin ang aming mga kaibigang papalapit samin, si Tate ay hinihingal kasunod si Hunter at ang iba pa. "Selene where's Yna? We heard what happened! We even saw it on the news! Gosh I got so worried kaya nagmadali kaming pumunta dito. My parents already knows at papunta na daw sila" Sunod sunod na wika ni Ekaterina, Calvin's older sister and our bestfriend. "My gosh Selene muntik akong atakehin sa puso nung napanood ko yung news kanina! Buti naligtas siya agad ni Arkin. My poor Serena..." umiiyak namang saad ni Avalyn at nagyakapan sila ni Megan. "How is she Sese? Is she awake? Can we see her?" Saffron, our cousin asked. "She's still sleeping girls but you can check up on her, come inside..." iminuwestra ko ang kwarto ni Serena at sabay sabay kaming pumasok kabuntot si Adam. Nakarinig kami ng mabibigat na yabag at nakita naming tumatakbo sina Clay. "Mauna na kayo sa loob girls" wika ni Adam pero ako ay nagpaiwan sa labas. "Adam! Where's Yna? Si Arkin nasaan? D*mn! This is all kuya's fault!" napakunot noo ako sa tinuran ni Clay. May alam ba siya sa kalokohan ng kapatid niya? "Calm down guys, Yna is sleeping... Kailangan nyang magpahinga as per her doctor. Nagkaroon lang siya ng dislocated arm but she and the ba-" Biglang nanlaki ang mata ko sa sasabihin ni Adam kaya pinutol ko na agad ang pagsasalita niya, "She's fine boys don't worry, come inside andito na din sina Kat." "Where's Calvin? Napahamak na ang asawa niya bakit wala pa siya dito? Siya ang asawa kaya siya dapat ang unang nandito!" seryosong tanong ni Atticus kay Adam. "I called him bro baka ngayon nagmamadali nang pumunta yon dito" napatagis ng bagang si Adam pagka-alala kay Calvin. 'You're in deep s**t Calvin... Hindi kita mapo-protektahan sa asawa ko. At goodluck kung mapapatawad ka niya sa ginawa mo kay Serena. She's a Lopez and no one messes with a Lopez' piping bulong ng isip ni Adam habang nakatingin sa natutulog na si Serena. Naguusap-usap kami nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa'min ang nahihintatakutang mukha ni Calvin. Nakita kong tumalim ang mga mata ng mga kaibigan namin lalo na si Adam. Calvin, you're good as dead. "Calvin we need to talk," Adam said with a deadly look in his eyes. Yan babe, ganyan nga! Natuto ka na sakin Adam! "N-no wait, I want to see Val... I need to see her first Adam..." hinarangan na siya nina James kaya hindi siya makapasok at itinulak siya palabas at hinatak na pasara ni Sage ang pinto para hindi magising si Serena sa ingay. "What's happening Selene? Bakit ganun na lang ang reaksyon nina Adam? May problema ba si Serena at Calvin?" napatingin ako kay Saffron na hinahagod ang ulo ni Serena at si Tate na nakahawak naman sa kamay niya. "Calvin cheated, it's Angela." nagngingitngit sa galit na sambit ko. Sinabi ko na sakanila ang nangyari base na din sa ikinwento saken ng kambal ko. Sinabi ko na rin ang pagbubuntis niya at ang hiling niyang wag munang ipaalam ito kay Calvin. Gasps and shock faces are their response to what I told them. "Wait! I'll kill that bastard!" biglang nagmartsa palabas ang galit na si Ekaterina. Hindi ko na siya pinigilan dahil iba magalit si Carla Ekaterina Sanders lalo kapag malalapit sakanya ang naaagrabyado. Sumunod na rin kami nina Megan. Naiwan naman si Saff sa tabi ni Yna... Saffron Eliyana Veracruz is our cousin from father's side. Magkapatid ang Daddy namin at ang Mommy niya. We cousins are very close knit dahil iilan lang naman kami kaya we grew up like brothers and sisters, kasama na ang kuya niya na si Kuya Mace, at ang magkapatid na sina Kuya Maximillian at Coraline Lopez. Paglabas namin, naabutan naming sinuntok ng malakas ni Adam si Calvin. "F*ck you Calvin! How can you do this?! Anong tumatakbo diyan sa kokote mo para saktan si Yna ha?! P************a Calvin! Alam mo kung gaano ka kamahal ni Serena tapos eto isusukli mo sa kanya ha?!" ilang suntok pa ang ibinigay ni Adam. Kung nandito sina Kuya Mace at Kuya Max panigurado sa morge na ang tuloy nito ni Calvin. Pinunasan naman ni Calvin ang ilong niyang may dugo mula sa mga suntok ni Adam. Kinwelyuhan na siya ni Atticus at hinila siya patayo. "I already told you Cal, wag mong sasaktan si Yna! Pero t*****a! Di mo lang siya niloko, binuntis mo pa si Angela! Hayop ka!" at inundayan siya ni Atticus ng sunod sunod na suntok. Pinigilan na siya nina Sage at Hunter pero sinipa niya si Calvin na tumama naman sa tiyan nito. "Atticus man calm down!" hawak ni Hunter si Atticus na nagpapapalag pa rin at hinahabol ng sipa si Calvin. I really appreciate these boys, we're not blood related pero sobra nila kung mahalin at protektahan ni Serena. They were like our older brothers. Lumapit si Ekaterina sa kapatid na nakasalampak sa sahig at inangat ang mukha nito upang tumingin sa kanya, "Cal what the f*ck? Paano mo nagawa kay Serena to?! Pinagkatiwalaan ka niya! Minahal ka niya Calvin!" hinatak siya patayo ni Kat sabay pinagsasampal ni Ekaterina ang kapatid niya dahil sa sobrang inis at galit. Hindi niya inakalang magagawa ng kapatid ang ganito dahil nakita naman ng lahat kung gaano kamahal ng mag-asawa ang isa't isa. Napahiga siyang muli sa sahig, I can see tears are now streaming from his eyes. 'Kulang pa yan Sanders, nakalimutan mo yatang Lopez kami at walang pwedeng manakit sa amin'. "She trusted you Marcus. She gave her all kahit wala nang natira para sa sarili niya. How could you jump from the best down to a tramp huh?! She picked you up kahit basag na basag ka noon, she put you at the pedestal but what did you give back ha Calvin Marcus?!" isang malakas na sampal pa ang iginawad ni Kat sa kapatid bago siya inilayo ni Clay. Mayamaya ay ako naman ang lumapit kay Calvin. Itinatayo na siya nina James at Clay nang lumapit ako. My face void of emotion, alam kong kamukhang kamukha ko ang kapatid ko pero alam niya kung sino ang kaharap niya ngayon, nakikita ko ang takot sa mga mata niya. Isang malakas na sampal sa kanang pisngi ang iginawad ko sakanya. Sinundan ko pa ng isa pang mas malakas sa kaliwa, "Kulang pa yan Calvin sa ginawa mo sa kapatid ko! Saan ka kumuha ng lakas ng loob na pumunta dito? Ang kapal ng mukha mong magpakita dito! Serena don't need you Calvin! Sinaktan mo ang kapatid ko! Niloko mo siya at sapilitang pinapirma ng annulment!" Everyone is shocked, no one knows about the annulment. "Hayop ka! Minahal ka ng sobra ni Yna tapos gagaguhin mo lang siya?!" Pinaghahampas ko ang dibdib ni Calvin pero nakayuko lang siya habang umiiyak. "S-sorry Sese..." utal utal niyang sagot. "SORRY?! Sa tingin mo sapat na yang SORRY mo sa ginawa mo? Paano kung wala si Kuya Arkin kanina sa Holly Bridge? Paano kung may nangyaring masama kay Serena? SA TINGIN MO SORRY LANG ANG KATAPAT SA BUHAY NG KAPATID KO? F*CK YOU SANDERS!" at pinagsusuntok ko na siya. Wala na akong pakialam kung saan tumama ang mga suntok ko basta alam kong kailangan kong maiganti ang kapatid ko. "Selene..." narinig ko si Tate pero inilingan lang siya ni Hunter. Telling her to let me do what I want. Naramdaman kong may pumipigil sakin. Pero sobra ang galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung gaano kasakit para kay Yna na malamang niloko siya ng pinakamamahal niyang asawa. Kung kami nga na malalapit sakanya ay nasaktan at nagagalit ng husto, what more pa ang kambal ko? "Babe stop it..." pigil ni Adam ang balikat ko pero marahas kong iwinaksi ang kamay niya. "Ito ang tatandaan mo SANDERS!" sambit ko habang dinuduro siya sa sentido. Nakaupo na siya at puno ng dugo, "Wala ka nang karapatang makita ang kapatid ko! From now on you are nothing for my sister! You sealed off your marriage by filing an annulment kaya WAG NA WAG MO NANG IPAKITA YANG PAGMUMUKHA MO SA KAPATID KO NAIINTINDIHAN MO?! F*CK OFF CALVIN! GO TO HELL AT ISAMA MO ANG MALANDING KERIDA MO!" nagsisimula na kaming maka-agaw ng pansin mula sa ibang tao, nakita ko na ring tumawag ang nurse ng guard. Pero wala akong pakialam at sasabihin ko ang gusto kong sabihin sa lalaking ito. "Hindi ako makapapayag na makalapit ka pa sa kapatid ko! Ni ang tignan siya sa malayo hindi mo pwedeng gawin!" Alam kong namumula na ang mukha ko ngayon sa sobrang galit, puno na ng luha ang mukha ko dahil sa labis na emosyong nararamdaman ko ngayon. Tinignan ko si Hunter na hawak ang bugbog saradong si Calvin, "Hunter! Give Serena security! Wag niyong palalapitin ang lalaking yan sa kambal ko understand?" sabay baling kay Calvin, "Mamamatay ka na lang kakahintay pero ni dulo ng buhok ni Serena hindi mo makikita at mahahawakan naiintindihan mo? LEAVE! Ayokong makita ka ni Serena! Baka gumana pa ang karupukan niya at patawarin ka bigla! We don't need you here you bastard!" "Stop! Please stop! Cal!" napalingon kami sa matinis na boses na umagaw sa atensyon namin, at nakita ko ang babaeng sentro ng galit namin ngayon. "Baby! What did you do?!" matalim ang mga mata ni Angela nang tumingin sa amin. I smirked at he evilly and laughed without humor. "Isa ka pa! Talipandas ka! 'Di ka nakontentong iniwan mo 'yang babaerong yan na parang basurang pinulot ng kapatid ko, tapos ngayon biglang aagawin mo nung maayos na siya ulit? My sister almost died because of you w***e!" "What did you call me? I'm not a-" "Yes you are! Isa kang mababang uri ng babae dahil pumatol ka sa asawa ng may asawa!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at umigkas ang kamao ko palapit kay Angela at nasuntok ko siya sa mukha na muntik niyang ikinatumba. Bigla namang umalalay si Calvin sa kabit niya na ngayon ay nagtutungayaw. "I'll sue you Viola! Kapag may nangyari sa ipinagbubuntis ko ipakukulong kita! Kayong lahat!" nagwawala na si Angela na ngayon ay pinipigilan ni Calvin. "Ikaw ang maghanda sa kasong isasampa ko laban sainyo! We have evide-" "Their annulment is on process kaya naman wala nang habol yang kapatid mong balyena!" sigaw ni Angela na mas nagpainit ng ulo ko, susunggaban ko sana siya nang maunahan ako ni Megan na sinabunutan na si Angela. "Ikaw na malandi ka ang tapang mong pumunta dito eh kabit ka naman!" Hinatak ni Calvin si Angela na sinipa si Megan tapos ay lumapit ako upang pumalit sa inalisang pwesto ni Megan. "Aaahh! My hair! Ipapakulong kita Viola! Ipapakulong ko kayo!" "Huwag mong sabihin! Gawin mo b*tch!" muling sigaw ni Tate na ayaw bitawan ni Hunter dahil baka mabugbog nito si Angela, Tate is trained to fight at baka makulong pa ito kung mabugbog si Angela at makunan ito. "Babe that's enough!" binuhat na ako ni Adam at nagpapapasag ako. "Put me down Adam at hindi pa ako tapos sa babaeng yan!" "Calvin umuwi ka muna please. Yna is fine and still sleeping. She's alive afterall. Now go, you Angela stay away from Serena. One more word at baka makalimutan kong babae ka. Clay ihatid mo na muna yang kapatid mo. Baka makita pa siya ni kuya Arkin at di na siya buhayin." "W-wait Selene... I-I wanna s-see Serena... I want to apologize to her p-please... I-I wanna say sorry..." nag-mamakaawang turan ni Calvin, nakaluhod na siya ngayon habang umiiyak. Pero hindi ako nakakaramdam ng awa. Sila ba naisip nila yung mararamdaman ng kapatid ko sa mga pinag gagawa nila ng malanding si Angela? Nagmakaawa ang kapatid ko sakanya pero nakinig ba siya? Di ba hindi? "Baby!" tili ni Angela, she look dejected dahil parang walang pakialam si Calvin sa sinapit niya. "NO! NEVER!" napalingon kami sa nagsalita, si kuya Arkin. Malalaki ang hakbang na lumapit siya kay Calvin at inundayan ng isang malakas na suntok. Sa lakas ng suntok ni Kuya Arkin, we heard bones breaking, I think it's his nose. Damn! Kuya Arkin can fight! "Ilang beses na kitang sinabihan Sanders na wag na wag mong sasaktan si Serena! Mas masahol ka pa sa hayop Calvin! Una pa lang pinalalayo ka na kay Angela, pero tinuloy mo pa rin g*g*!" at sinuntok siya ulit nito. Sa laking tao ni Kuya Arkin, kahit sino ay hindi siya kayang pigilan. By this time, hindi ko na maunawaan paano pa nagagawang tumayo ni Calvin sa dami ng suntok at sampal na tinamo niya. "Now iiyak ka dito? And what? Annulment? F*ck iniwan mo si Sena para kanino? Diyan kay Angela? Pare t*ng*na! Sino yung andun sa tabi mo nung sobrang broken ka sa babaeng 'yan? Noong iniwan ka ng babaeng 'yan? 'Di ba si Serena? Sinong nag-ahon sayo sa pagkalugmok mo? Sino yung tumanggap sayo at nagmahal sa'yo ng buo? Nagbulag-bulagan si Sena para sa'yo pero ito ibabalik mo sakanya?! Damn you Sanders! Hindi mo alam kung anong tinapon mo!" at itinulak ng malakas si Calvin na napasalampak sa sahig. "You guys all knew? And you didn't bother telling this to Serena? What kind of friends are you?!" Megan says while gritting her teeth. Exactly my sentiments. Alam pala nilang may ganitong nangyayari pero hinayaan lang nila? Mga duwag! "And you Calvin!" sabay duro kay Cal, "this is the end for you, sana maging masaya kayo ng babae mo sa pinili niyong landas. We won't let you see Yna anymore Cal. That is your punishment for being a p***y!" Calvin now looks like a mess, putok ang labi, tabingi na ang mayabang niyang ilong, puro gasgas na din siya at dugo, ang palaging naka ayos niyang buhok ay gulo gulo na, he look so devastated. He looks pathetic now. He is not the CEO na stone cold and ruthless, yung kinatatakutan sa business world. Now he is just himself, just Calvin wallowing in pain looks PATHETIC. "Hindi na talaga niya hahanapin si Serena dahil ako ang pinili niya!" matapang na sabat ni Angela na ngayon ay dumudugo ang ilong. I smirked. "Shut up w***e! Wait for my revenge! I will not let you live in peace f*cking w***e! Tignan natin 'yang yabang mo kapag naipakulong ko na kayo! Alis! Mga manloloko!" sigaw kong muli kay Angela at Calvin. "Sese tama na yan... Serena won't be happy to see you like this," hinawakan ako ni Tate at niyakap. "Just go Calvin baka magising pa si Yna, ayokong makita ka niya. At ayokong makita mo siya. Now go! Guys ihatid niyo na 'yang kaibigan niyo at wag nang ipapakita sa'kin lalo na sa kakambal ko. Wag na wag ko lang din makikita yang Angela na yan ulit Calvin sinasabi ko sa'yo..." at tinalikuran ko na silang lahat para bumalik sa kwarto ni Serena. Napatingin sa akin ang pinsan naming si Saffron, may luha sa pisngi niya at alam kong narinig niya lahat ng naging usapan namin sa labas. Hinawakan naming dalawa ang magkabilang kamay ni Serena... My poor Serena, I'm here baby sis... Di ko hahayaang masaktan ka pa nila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD