SERENA Kinagabihan ay inaya kaming mag-dinner ni Arkin sa Bistrolia dito din sa loob ng YCC, na pag-aari ng isa ring member ng club na si Lucho Grae Hayes, business partner din ito ng pinsan kong si Saffron at malapit na kaibigan nina Adam. "Mommy where is Daddy Calvin? We wanna eat with him po, it's okay lang naman po Dada Arkin right?" inosenteng tanong ni Viv. "Of course sweetheart, you want me to call your Dad-" "No need Adler I'm here," ani ng baritono at masungit na boses, paglingon namin ay nakita namin ang nang-uuyam niyang ngiti. "DADDY!" nagtatakbo pa si Vivienne palapit kay Calvin, si Virgo naman ay tumingin lang sa ama at bumalik na muli sa pagkain, mukhang hindi pa din napapalagay nang husto ang loob ni Virgo kay Calvin. "Hello my Princess! How are you? Did you enjoy you

