Part 4

2183 Words
“I CAN’T believe this,” mangha pa ring sabi ni Love. Hindi niya inaasahang planado ni Jake ang lahat. Sa loob lamang ng ilang oras ay nagawa nitong baguhin ang estado niya. Indeed, she was now Mrs. Jake Primavera. Sa ring finger niya ay ang engagement ring na halos hindi pa nag-iinit sa pagkakasuot ay may katabi nang wedding ring. Jake wasn’t armed with just a “ninong” judge, he also had a pair of wedding rings in his pocket. Nang banggitin ng hukom ang tungkol sa singsing habang ikinakasal sila ay maluwang ang pagkakangiti na inilabas nito iyon. And she was really stunned. Hindi pa siya nakaka-recover sa pagtitig sa suot niyang engagement ring ay may nadagdag na doon na wedding ring. Both carried a solitaire diamond. The engagement ring was set in classic tiffany style while the other diamond was securely embedded in the wedding band. At sa loob niyon ay naka-engrave ang pangalan nilang dalawa. Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Talagang desidido si Jake na pakasalan siya. Indeed, patience is a virtue. Hindi niya inaasahang ganito ang mangyayari kapalit ng tahimik na pag-asam niyang ayain siya nitong magpakasal. “Maniwala ka na. Hindi lang panaginip ang lahat,” tila nanunudyong sabi sa kanya ni Jake. “Dahil sabi mo nga, boy scout ka.” Matamis ang ngiting gumuhit sa mga labi niya. “Pero sobrang bilis naman nito, Jake. Para tayong nagtanan.” “Huwag kang mag-alala. Magpapakasal tayo uli. Alam ko naming magugulat ang lahat pag nalaman nilang kasal na tayo. Ayoko lang ng mahabang engagement.” “Kaya diretso kasal na? Agad-agad?” “Why not? Honeymoon na rin, agad-agad.” Kumindat ito sa kanya. Nahampas niya ang balikat nito. “Ayun? Talagang iyong ang motibo mo sa shot-gun wedding na ito, ano?”| Ang lakas ng naging tawa ni Jake. “I’ve always been dreaming about it, Love. Masisisi mo ba ako?” Inirapan niya ito. Maagap naman siyang kinabig ni Jake. “Alam mong higit pa doon ang dahilan,” sabi nito sa kanya na ilang dali lang ang pagitan ng kanilang mga mukha. Kinintalan siya nito nang mabilis na halik sa kanyang mga labi. “I love you, Love. So, so much.” Bumalik ang mga labi nito sa kanya. At naging madiin ang paghalik. She closed her eyes. Alam niya, ramdam niya sa mga salita at halik nito na totoo ang sinasabi nito. Lumalim pa ang paghalik nito. Nagsasaliksik sa loob ng bibig niya. Gumapang sa kanya ang pamilyar na init ng halik nito, ang kakaibang kiliti na pumupuno sa kanya kung saan lalo siyang nasasabik pa sa susunod na gagawin nito. Buong-puso niyang tinanggap ang bawat halik nito. At gumanti din. Kumawala ang bahagyang pag-ungol ni Jake bago halos dakutin nito ang batok niya upang lalo pang magkalapit ang kanilang mga mukha. Mas mainit ang sumunod na halik nito. Mas malalim. And she felt herself ready to kiss him back, in the same way he was kissing her. Kaya naman ganoon na lang din ang gulat niya nang kusa itong bumitaw sa kanya. “Jake…” she asked, wondering. Isang paghinga ang pinakawalan nito. “I have to stop. We need to stop.” Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa pagitan ng mga hita nito. Parang manunuyo ang lalamunan niya nang maramdaman ang tinutukoy nito. He was so big. Hard. And hot. Parang balewala ang kapal ng maong na suot nito at tila nararamdaman niya ang pintig niyon. Gusto niyang mailang pero mas nangingibabaw sa kanya ang excitement. Kay tagal din siyang nagpigil ng sarili. “I don’t want our first time to be in this car. Some other time, I promise.” Narinig niyang sabi ni Jake. “Luko-luko ka talaga,” natatawang sagot niya. He did a smack kiss on her lips bago umayos ng upo sa harap ng manibela. “Bakit naman ba hindi? Ita-try din natin ang ganoon.” “Jake!” pigil ang tili na wika niya. “Tumigil ka. Nakakahiya.” Nag-echo sa buong sasakyan ang tawa nito. “Walang nakakahiya. We have all the rights. Remember, we’re on a honeymoon, wifey.” Natigilan siya. Wifey. She liked it. She liked the way Jake was calling her. Finally realization hit her. Husband and wife. They were indeed married now. “Jake,” she called her softly. “Hmmm?” Sinulyapan siya nito habang nagmamani-obra. “Mag-asawa na tayo,” she said dreamily. “You’re right!” sambit nito na parang nanalo sa lotto. “In fact, mag-asawa na tayo ng isang oras, dalawampu’t siyam na minuto at mga anim na segundo.” “Bilang na bilang mo. Eh, gaano tayo katagal na engaged?” “Mga isa’t kalahating oras din. Actually, kung hindi lang traffic sa EDSA, mas maigsi pa sana ang engagement natin.” “So, kasalanan pala ng EDSA?” “Hindi. Kasalanan na naman iyan ni P-Noy.” They shared a hearty laugh. “Ang totoo, ayoko lang talaga na pakawalan ka pa. Baka mamaya, magbago pa ang isip mo. Kung mangyayari iyon, I’m sure, I’ll die with a broken heart,” seryosong sabi nito. “Alam mong mahal kita, Jake. Hindi ako magpapakasal sa iyo kung hindi.” “And I love you, too, wifey. Halata bang nagmamadali akong simulan ang forever natin?” Humilig siya sa balikat nito. “Pang-forever talaga ito, ha.” “Oo naman. Papatunayan natin sa lahat na may forever.” Kinuha nito ang kamay niya at hinagkan iyon. DINALA siya ni Jake sa Shangri-la Makati. Kinumpirma nito ang reserbasyon nito sa isang suite doon bago sila nagtungo sa Red. Nag-alangan si Rachelle sa pagpasok sa restaurant. Napaka-casual ng damit nila kumpara sa suot ng mga diners doon. Sa mga naunang pagkakaton na nagpunta sila doon ay mas elegante ang kanilang bihis. Mas pinaghandaan. How ironic na sa espesyal na araw na iyon ay hindi man lang sila nakapagbihis ng mas maayos. “Nako-conscious ako sa suot natin,” she voiced out. “Relax. We’re fine.” Mabilis na iginala nito ang mata sa paligid. “Besides, kahit simple ang suot mo ngayon, ikaw pa rin ang pinakamaganda dito.” Lumabi siya. “Dinaan mo ako talaga sa santong paspasan. I should have wore my lace dress.” “Sa mismong church wedding natin, you can wear all the laces you want. Piliin mo ang pinakamaganda at pinakamahal. At kahit ang sapatos na isusuot mo ay ipapasadya natin ayon sa gusto mong design.” “Sobrang luho naman ng ganoon.” “That will be your day, Love. Kaya lahat ng gusto mo ay masusunod. Ayokong habang-buhay mong isusumbat sa akin na para kitang itinanan at tinipid ko ang kasal natin, kaya ibibigay ko sa iyo ang kasal na pinapangarap ng lahat ng babae. “Habang-buhay manunumbat? Grabe ka naman,” naaaliw na sabi niya. “Habang-buhay, yes. Hindi ba synonymous iyon sa forever?” “Ganoon mo ako kamahal?” “More than you can imagine, Love. Kaya nga sabik na akong magsimula ng bago nating pamilya. I’m dreaming of four---no, five adorable kids. At kung pagpapalain, maybe, we can have twins. Or triplets.” “Triplets?” “Lahi namin iyong may multiple births. Lahat ng pamilya ng kapatid ng papa ko, meron silang kambal or triplets. Iyong isa ko ngang pinsan, quadruplets pa.” “Nakupo, ang dami!” “Ako nga lang ang nag-iisang anak. Kaya kelangang makabawi sa magiging mga anak ko.” “Mahirap ang buhay ngayon. Magkano ba magpaaral. At mahirap din yatang alagaan at palakihin pag madami.” “Kukuha tayo ng yaya, para may katuwang tayo. At huwag kang mag-alala sa kinabukasan nila. Ako ang mamomroblema sa bagay na iyan.” “Gusto kong maging hands-on sa mga bata.” Gusto niya ang pinapaksa ng usapan nila. Nahahawa siya kay Jake at nagsisimula na rin siyang mangarap na buuin ang kanilang pamilya. At dama din niya kung gaano ito sa ka-responsable sa obligasyong pinasok nito. “Gusto ko rin iyon, Love. And in fact, gustong-gusto ko rin na palagi kang hands-on sa akin. Figuratively and much more, literally.” Napangiti siya. “Alam mo ikaw, ang galing mong magsingit ng kalokohan.” “Kalokohan ba iyon? Of course, sino pa ba ang gugustuhin ko na maging hands-on sa akin kundi ikaw na asawa ko?” Asawa ko. Natahimik siya. Jake sounded possessive and proud. At wala naman siyang reklamo doon. Natutuwa pa nga siya sa sudden change ng estado nila sa isa’t isa. At gaya nito, she also wanted to believe in forever. “Our first dinner, as husband and wife,” sabi ni Jake nang nasa harap na nila ang pagkain. “Ang dami nito, baka hindi natin maubos.” “Uubusin natin iyan. We need the food for energy. Malay mo, hindi pala tayo matutulog buong magdamag.” And he winked at her. “Sinabi mo iyan, ha. Baka naman mamaya tutulugan mo pala ako,” natatawang hamon niya dito. “Aba, si wifey, hinahamon mo yata ako.” “At kung ganoon nga?” Sa ilalim ng mesa ay hinagod ng isang paa niya ang binti nito. His eyes darkened with passion. Kitang-kita niya sa munting kilos na iyon kung gaano ito naapektuhan. Gumalaw pati ang lalamunan nito. “Do you want us to leave this dinner now?” he asked, desire laced his voice. “Naku, hindi,” mabilis na sabi niya. “Masamang magsayang ng grasya.” “Then, let’s eat first.” At habang kumakain ay hindi nila mapigilang mapangiti sa isa’t isa sa tuwing magtatama ang kanilang mga tingin. Kapwa sila puno ng antisipasyon. Bahagya lamang nabawasan ang pagkain. Jake asked for a wine. At ito na mismo ang nagprisinta na magsalin sa mismong baso. “To our forever, Love. My wife,” sabi nito. “To our forever, Jake. My husband,” tugon niya. The wine glasses made a klink sound. Ininom nila ang laman niyon na hindi bumibitiw ng titig sa isa’t isa. At halos sabay din nang ibaba nila iyon sa mesa. Magkahawak ang mga kamay na lumabas sila ng restaurant at dumiretso sa elevator. “This is it,” puno ng pananabik na sabi ni Jake. Hinapit nito ang bewang niya at inilubog ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. She could see their reflection in the elevator wall. Tila nananadya ang tadhana na silang dalawa lang ang sakay niyon. Napapikit siya. May naglalarong kapilyahan sa isip niya. Lumingon siya dito na lalong nagpaliit sa distansya ng kanilang mga mukha. “Familiar ka sa elevator scene sa Fifty Shades of Grey?” bulong niya. “You mean this?” Sa isang segundo ay naisiksik siya nito sa dingding ng elevator at hinawakan at naitaas nito sa ulunan niya ang kanyang dalawang kamay. Bumaba ang mukha nito sa kanya. “I know that. Pero mas higit pa doon ang naiisip kong gawin,” ganting bulong nito sa mismong tenga niya. And she almost gasped aloud when he did a wet kiss on the soft part of her ear. “Jake…!” “How about that for starter?” he teased. At bahagya nitong niligis ang ibabang bahagi ng katawan sa bandang tiyan niya. Definitely, it was his hard-on that she was feeling against her lower abdomen. She swallowed. His hand snaked on her back. Mainit ang palad nito. At napakasarap ng kilabot na gumagapang sa sistema niya. Humigpit ang hawak niya sa braso nito habang idinadaiti pa ang sariling katawan palapit sa asawa. That last word. Asawa. For the second time, that term really touched the core of her system. At sapat na ang terminong iyon para bumitaw siya sa anumang inhibisyon na mayroon siya. Kailangan niyang aminin na kung gaano ang pagnanasa sa kanya ni Jake ay ganoon din naman siya para dito. Pumihit siya paharap dito. Sabik na ikinawit ang braso sa batok ni Jake bago kusang humalik dito. Malalim agad. Mapangahas. For one single moment, Jake was stunned, for that was the only first bold move that she did to him. Pero sandaling-sandali lang ang pagkabigla nito. Instantly, he kissed her back. Kasing-init at kasing-lalim ng paraan ng paghalik niya dito. She moaned softly. Parang nawawalan ng lakas ang tuhod niya sa sensasyong gumagapang sa kanya. At bago pa siya malupasay doon, naramdaman niya ang higpit ng yakap nito sa bewang niya. Naramdaman niyang huminto sa pagtaas ang elevator. Parang batang nahuli na nag-uumit ng candy na mabilis siyang lumayo kay Jake. Subalit hindi natinag si Jake. Nang bumukas ang pinto ay hapit siya sa bewang na inakay palabas. They moved swiftly. Ilang saglit lang at nasa tapat na sila ng suite at mabilis na binuksan iyon. “Now, this is really it.” Kasabay ng deklarasyong iyon ay isinara ni Jake ang pinto at buong init na inangkin ang mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD