GINANAP ang kanilang civil wedding sa sala ng judge na malapit na kaibigan ng mga magulang ni Luke. Si Olivia at ang professor ni Ethel na partner sa pinasukan niyang law office ang kinuha nilang saksi. Kung si Luke ang masusunod, ang gusto nito ay isang marangyang kasalan. Siya ang nagpakatanggi-tanggi. Isang malaking desisyon iyon sa buhay niya. At kahit na galit sa kanya ang Tiya Dolor niya ay inalala niya ito. Pumunta siya sa Pampanga kasama si Luke. At bagaman hinarap sila, naroroon pa rin ang kalamigan sa kilos nito. Tumanggi ito sa imbitasyon nilang daluhan ang gaganaping kasal kaya naman hindi na rin siya nag-interes pa na magkaroon ng marangyang selebrasyon. Mahalaga pa rin sa kanya ang tiya. At mas nanaisin niya ang presensya nito. Iginalang naman ng m

