Lauren Kinabukasan Kahit mugto ang mata sa pag iyak kagabi ay pinilit ko pa rin ang bumangon at nag message kay Camela ng good morning na parang walang nangyari. Hindi ako magpapahalata dito na alam ko na ang mga kalukuhang pinag gagawa nito. Magpapanggap ako dito na wala pa akong kaalam alam sa mga pinag gagawa nito sa akin. Pero hindi na ako yung dati pa rin na magiging sunod sunuran dito. Bahala siyang magalit dyan kung bigla na lang ako mag bago ng pakikitungo sa kanya. Wala itong ibang malalaman na may alam na ako dito. Hahayaan ko siyang maging kampante ang isip nito na kaya niya kaming pagsabayin ng kabit nito. Habang ang alam niya ay nauuto niya ako. Ako naman ay paunti unti ng nag mo move on para dito. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko sa katulad nito? Hindi na dapat pang pi

