Camela Paglabas ko sa cafeteria ay dumiretso na ako sa office ko. Sobrang inis ang nararamdaman ko ngayon. Kaya huwag silang pahara hara ngayon dyan sa daraanan ko dahil makakatikim talaga sila sa akin. Lalo na pag ganito na badtrip ako. Baka madamay pa sila sa init ng ulo ko. Lalo na ang Fortalejo na iyon. Bwisit sya. Kundi dahil sa kanya hindi ako mag kaka ganito ngayon na nalilito na sa aking sarili. Ano ba ang meron sa bata na yun at parang big deal na lang ang lahat pag dating sa kanya? Kailangan ko na yatang magpatingin nito sa doctor dahil hindi pwede na ganito na lang ako. kailangan ko rin malaman kung anong klase ng sakit ito at makainom na kaagad ng gamot para dito. Upang bumalik na ako sa dating ako. Dahil hindi ko na makakaya pa pag tumagal na ganito ang setwasyon at nararam

