Lauren
Nandito na ako sa party ng classmates ko. Pumunta na rin ako dito para naman makapag relax din at hindi masabihan na snob ako. Ayaw ko pa naman nasasabihan ng ganun. Ako na nga ang niyaya pa importante pa ako.
Kanina ko pa rin napapansin na hindi ako iniiwan nitong si Carla at panay pa ang pag bibigay sa akin ng inumin. May balak pa yata akong lasingin ng isang to.
Gusto ko mang tanggihan pa ang mga binibigay nitong alak at medyo marami na rin kasi ang nainom ko ay nahihiya naman ako dito.
Feeling ko kasi ay parang ako lang ang bisita nito. Paano naman kasi eh sa akin lang halos ito nakatutok buong gabi. Paminsan minsan lang sya kung umalis at iyon nga ay upang kumuha ng alak na iniinom namin.
Wala ba siyang bisita na iba? Nag invite pa ng iba tapos parang ako lang naman ang gustong bisita. Tsk Nakakahiya naman doon sa mga pinapunta nito. Dapat sinabi niya na lang sa akin na "hey Lauren inuman tayo one on one" para naman diba napag handaan ko hindi yung nambibigla siya dyan.
Nang maubos ko na ang laman ng baso ko ay agad ko na itong tinanggihan ng balak pa sana ulit nitong kumuha para sa akin.
"Tama na Carla, medyo lasing na ako. Baka mapadami pa ang inom ko nito at di na ako makapag drive pa nito pauwi." Ang nasabi ko na lang dito.
Although medyo malakas naman ang tolerance ko sa alak pero ayaw ko na mapaparami ang inom ko. Masakit kaya sa ulo pag gising kinabukasan. Ayaw kong maranasan ang ganun noh.
"Di dito ka na lang sa bahay matulog. Maluwag naman ang aking room eh. Kasya tayo doon sa aking kama." Mabilis na alok naman nito sa akin.
Hay may balak talaga siyang lasingin ako. Dapat pala nag one on one nalang kaming dalawa. Hindi nalang ako niyaya nitong mag inuman kaming dalawa para hindi naman nakakahiya sa mga bisita niya na ako lang ang inaasikaso nito.
"Naku hindi na. Uuwi nalang ako at ayaw ko na maka istorbo pa sa iyo dito. Nakakahiya na nga at halos di mo na naasikaso ang mga bisita mo eh." Medyo nahihiya ko ng sabi dito. Para naman diba alam nito na ako na lang ang inaasikaso niya.
"Okay lang yun ano kaba naman Lauren, Minsan na nga lang kita maka bonding ng ganito eh. Ano dito kana matulog ha." Pangungulit nya pa rin sa akin.
Tatango na sana ako dito ng mapansin ko si Ms. Camela at Ms. Catherine. Halata sa mukha ni Ms. Catherine ang galit. Paano naman kasi ay pulang pula ang mukha nito at salubong pa ang mga kilay na nakatingin sa kung sino.
Agad ko naman na sinundan ang tinitignan nito at doon sa kabilang table ito nakatingin sa dalawang babaeng masayang nag kwe kwentuhan.
Nang balingan ko naman ang aking paningin kay Ma'am Crush ay mapula na rin ang mukha nito. Hindi naman sa galit, kundi sa nainum nito. Halatang lasing na si Ma'am crush. Umiinom din pala itong si Camela. Minsan nga maaya itong si Ma'am uminom tapos lasingin ko bago e takeout.
Maya lang ay biglang napatayo na si Ma'am Catherine. Mukhang hindi na nakatiis na di lapitan ang kanina pa nito tinitignan ng masama.
Agad itong lumapit sa kabilang table at hinila na lang nito bigla patayo si Ms. Lineia ang genius sa campus. Kinaladkad nito ito kaagad palabas. Hindi naman nakahuma si Ms Lineia dito dahil sa pagkabigla. At sumama na lang dito ng matiwasay. Mukha na kasing galit na galit itong si Ma'am Catherine eh. kahit naman ako ay ganun din ang gagawin ko kapag ganito na ang itsura ng humihila sa akin.
Mukhang iniwan na yata ni Ma'am Catherine si Ma'am Camela paano hindi na bumalik ito mula nung hinila niya si Ms. Lineia.
Maya lang ay di ko na sila matanaw kung saan na pumunta ang mga ito. Nakita ko na parang patayo na rin sa kanyang upuan si Ma'am crush.
Agad naman akong tumayo nang mapansin ko na parang matutumba na ito. Sinalo ko kaagad ito ng ako ay makalapit sa kanya.
"Ma'am Camela, okay lang po ba kayo?" Nag aalala kong tanong dito. Mabuway pa rin ang pag tayo niya kaya napahawak na ako ng tuluyan sa beywang nito upang suportahan ang kanyang pag kakatayo.
Hindi naman halatang lasing na lasing na ito. Asan na ba kasi si Ma'am Catherine? At basta nya na lang iniwan dito itong si Ma'am Camela.
Hindi naman ito nag salita sa tanong ko sa kanya. Basta na lang ito yumakap sa akin at tuluyan ng sumubsob sa aking dibdib.
Medyo nabigla naman ako sa biglang pagyakap nito sa akin. Ramdam ko naman dito ang lambot ng kanyang katawan. Pati na rin ang bango nito na kahit lasing na ito ay ang kabanguhan nya pa rin ang nangingibabaw.
Hayst ano ba naman Lauren at minamanyak mo na yata yang si Ma'am Camela. Lasing yan pre huwag kang mapagsamantala. Kastigo ko sa aking sarili.
Nagtataka man at bakit nandito ang mga professor naming ito ay di na lang ako umimik. Baka kasi kakilala ito ni Carla diba.
Medyo matagal din kaming nakatayo at nasa ganitong position ng naisip ko na umupo na lang kami. Medyo mabigat din kasi siya at isa pa ay medyo nabubuhay na ang aking dugo kaya iwas muna tayo at baka kung ano pa ang magawa ko dito kay Ma'am Crush.
Inalalayan ko syang maupo saka ako tumabi dito sa kanya sa may table. Babantayan ko muna dito si Ma'am crush at baka kung ano pa ang mangyari dito. Lalo pa at lasing pa naman sya.
Hintayin ko na lang na bumalik dito sa table si Ma'am Catherine. Baka may ginawa lang ito saglit kaya di pa bumabalik.
Buti na nga lang at di na ako kinulit pa ni Carla. May tumawag kasi dito na kaibigan nya. Isa rin ito sa dapat ko ng takasan dahil nakakahalata na ako sa kanya. Parang may balak pa yata ito sa akin. Hindi naman sa nag assume ako ha. Ramdam ko lang kasi.
Kulang isang oras na kami dito na naghihintay sa table pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Ma'am Catherine.
Saan na kaya nagtungo yung dalawa. Buhay pa kaya si Ms. Lineia? Sana naman okay lang ito.
Malalim na rin kasi ang gabi at inaantok na ako. Kanina ko pa nga sana gustong umuwi eh. Hindi ko nga lang maiwan pa ito dito.
Nasaan na ba kasi si Ma'am at mukhang kinalimutan na ang kaibigan nya dito.
Gusto ko sana itong ihatid na lang sa bahay nya alam ko naman kung saan banda iyon. Kaya lang eh baka hindi ito pumayag.
Tsaka baka hanapin kasi ito pag balik nila Ma'am. Mabuti na nga lang at nakatulog na ito sa aking balikat ngayon.
Nang tingnan ko ang oras ay mag 1:00 am na pala. Kaya naman pala halos bumagsak na ang aking mata sa pag pi pigil na pumikit ito.
Maya lang ay nag pasya na akong ihatid na lang si Ma'am crush sa bahay nito. Mukhang hindi na babalik pa si Ma'am Catherine eh.
Agad ko ng binuhat ng pa bridal style si Ma'am crush. Kahit naman kasi pilitin ko na gisingin ito ay di naman sya magigising eh.
Hindi na rin ako nagpaalam pa kay Carla at baka mamilit pa ito na doon na lang matulog sa kanila. At isa pa ayaw kong iwan mag isa dito sa table si Ma'am Camela baka kung ano pa ang mangyari dito. Lalo pa nga at lasing na lasing siya.
Pagkarating ng kotse ko ay maingat ko itong pinasok sa loob at agad kinabitan ng seatbelt.
Nang masiguro ko na ayos na siya ay saka pa lang ako pumasok sa may driver seat banda at saka pinaandar na ito.
Mabagal lang ang pagpapatakbo ko ng kotse ko. At panay lang ang tingin ko sa katabi ko ngayon sa kotse. Nilagyan ko na rin ng unan sa may gilid nito at baka mauntog siya pag nag baling ito ng mukha na ayaw na ayaw kong mangyari dito.
First time ko na may maisakay ako dito sa kotse ko at iyon pa ay si Ma'am crush. Isa ito sa pangarap ko lang noon eh ang maihatid siya sa bahay nito kaya naman Nasisiyahan na nagpatuloy na ako sa aking pag maneho papunta sa bahay nito.