sobrang saya ng gabi Angela.. sobrang blessed niya at kahit patay na ang mama niya ay ramdam naman niya ang pag mamahal ng kanyang daddy sa kanya kahit na ampon lang siya nito, pero nag tataka pa din siya na 10 years na siyang ampon nito pero di pa din pala totong in-adopt nito dahil Gomez pa din ang apelyido niya imbes na Chavez na, okay lang naman sa dalaga.. at least pinapa ramdam pa din ng don ang pagma mahal niya sa kanya.. pinapa aral at nakukuha ang lahat ng gusto niya..
"let's call in the stage Mr. Edward Chavez. " masayang anunsyo ng MC. nag palakpakan naman ang lahat.
"good evening ladies and gentlemen.. nag enjoy ba kayo? salamat sa lahat ng pumunta sa birthday ng dalawa kong anak.. let's have a toast. " sabi ni don Edward na itinaas ang glass of wine na hawak niya. "cheers." nag taasan naman ng mga dala nilang baso ang lahat ng bisita.
"ngayong nakilala niyo na ang anak kong babae.. " tinuro ng Don si Angela sa kanya naman tumutok ang spot light. "beautiful isn't she?" tumawa pa ang lalaki kaya tumawa din ang mga bisita. "wag niyo ng e-reto ang mga anak niyo or kapamilya niyo sa anak ko, because she's already taken. " nagulat naman ang mga bisita.
"so ngayong dalaga na siya ipa-pa publiko niyong pakakasalan mo siya? " nakangising sabi ni Damian sa sarili.. expected niya na to.. "grabe ka na tanda. " napa iling iling pa ang binata..
"taken?" gulat na tanong ni William na narinig naman ni Damian.. alam niyang isa ang pinsan niya sa mga iiyak.. pati na ang kaibigan niyang si Pau.
"my son Damian and My daughter Angela are now officially engaged. " announce ng don na ikina gulat naman ng lahat.. "alam niyo naman sigurong napaka play boy ng anak kong yan.. syempre gwapo eh mana sakin. " pag bibiro pa ng don na ikinatuwa pa ng ibang mga bisita. "I know only my daughter Angela can make him a good boy. "
"what the h*ll dad? what are you saying? sabi ni Damian na agad nag walk out.
habang si Angela ay gulat pa din, hindi pa din nag Si-sink in sa kanya ang lahat ng narinig sa daddy niya.. nasagot na ang tanong sa tanong niya, so kaya pala Gomez pa din ang apelyido niya kaya pala di siya inampon ng tuloyan ng daddy niya dahil may iba siyang plano sa kanya.. she felt used. nanlumo siya at nanghina ang tuhod.
****
mag uumaga na pero nakatingin pa din si Angela sa kisame.. hindi pa din siya makapaniwala.. hindi pa siya nakapag tanggal ng dress at naka pag remove ng make up. hindi makaya ng utak niya ang mga kaganapan. "well sino ba naman ako para tumanggi? wala kang karapatang tumanggi Angela. " kantiyaw niya sa isipan.
di niya namamalayan ay nakatulog din siya.
"where are you going? " tanong ni Edward sa nag mamadaling binata.
"in my condo, uuwi na, hindi naman ako nakatira dito. "
"pag usapan na muna natin ang about sa kasal.. let's wait Angela to wake up. " kalmadong sabi ng don.
"are you f*cking serious dad? anong kasal ang sinasabi mo? kahit anong mangyari hindi ko papakasalan ang babaeng yun. " sigaw ni Damian.
"same feelings dad. hindi kami mag papakasal. " sabi ng dalaga na di namalayan ng mag ama ang presensya nito. gulo gulo ang mahaba nitong buhok at nagkalat ang mga make up sa mukha niya.
"umupo ka na muna Damian.. and you princess take a bath first before going down.. dalaga ka na anak ano ba yang itsura mo? " natatawang sabi ng don.
"f*ck dad.. why are so calm? akala mo ba laro laro lang ang pag papakasal? " frustrated na sabi ng binata, napasabunot pa ito sa kanyang buhok. halata sa mukha nito ang wala ding tulog.
"I have to go now. . I don't want to marry her and that's final. " aakmang tatalikod na ang binata ng magsalita si Edward.
"that's fine with me.. pero wala kang mamanahin sakin kahit isang kusing.. leave your keys to me, susi ng condo mo, susi ng mga sports car and motorbikes mo pati na ang mga cards mo. " sigaw ng don.
"what? " di makapaniwalang sabi ni Damian, napatingin siya dalaga na hindi makatingin ng deretso sa kanya.
he take a heave sigh.
"damn dad.. why are you doing this to me? I'm your only son why are you making my life miserable? that girl and me? that's impossible dad.. don't rush me.. I will get married pero sa babaeng mahal ko, malapit ko na siyang mahanap dad.. just give me a time. " halos maluhang sabi ng binata na napaupo sa sofa..
"yes dad.. napaka imposible naman po ng gusto niyong mangyari. " napaupo na din ang dalaga para kumbinsihin ang don.
napatingin ng masama ang don sa dalaga kaya tinikom nalang niya ang bibig.
"just choose Damian.. pakakasalan mo si Angela o sa kangkungan ka pupulotin? simple as that."
"but dad. " napasapo ang binata sa noo nito. "damn."
"2 years.. pag hindi pa din tumitino ang anak ko Princess you can leave him and I will give you 10 million pesos. " napa awang ang labi ng dalaga.
habang di na makapag Salita sa gulat ang binata.
"I don't need your money dad okay na ko na pinapa aral niyo ko, na pinapatira niyo ko sa bahay niyo. " nakayukong sabi ng dalaga.. nasasaktan siya, akala niya itinuturing talaga siyang anak ng don. she felt betrayed and devastated.
"itatakwil din kita pag di mo sinunuod ang gusto ko. " mariing wika ng don.
iniwan niya ang dalawa sa sala na gulat na gulat.
"this is your f*cking fault.. kung di lang kayo tumira dito hindi magiging ganito ka komplikado ang lahat.. wag kang umasa na pakakasalan kita, mas gusto ko pang mamatay kesa sa makasal sayo. " galit na sabi ng binata kay Angela.
di na napigilan ng dalaga ang mga luhang nag uunahan sa kanyang pisngi. sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon.. ang ina akala niyang daddy niya ay tinraydor lang siya kaya lang pala siya inampon ay para lang ipakasal sa anak niya.. tapos ang masabihan ng mahal niya na mas pipiliin pa niyang mamatay kesa sa makasal sa kanya.. ang bigat ng dibdib niya halos di na siya maka hinga sa sakit na nararamdaman niya..
di naman niya kayang suwayin ang daddy niya, malaki ang utang na luob niya sa mga Chavez, habang nabubuhay siya ay tatanawin niya itong utang na luob. napasapo siya sa noo at napasabunot sa mahaba niyang buhok..