“Are you going to sleep on my room tonight, babe?” Napatigil ako sa paghahanda ng babaunin nina Chantal at Jarvis nang maramdaman ang pagyakap ni Preston sa aking baywang. Agad kong nalanghap ang matapang niyang pabango kaya’t napailing ako. Bahagya akong humarap sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Kung gusto mong makipag-debate na naman kay Jarvis, huwag mo nang tanungin ‘yan,” natatawang sambit ko. Agad na humaba ang nguso niya at mas lalo pang inilapit ang kaniyang sarili sa akin. “You know what, kaunti na lamang talaga ay maiinis na ako…” “Kay Jarvis?” Umiling siya at bumuntong hininga. “No.” “Ha? Kanino naman? Sa akin?” “Come on, babe. Of course, hindi sa ‘yo,” reklamo niya at mas lalo pang sumimangot sa akin. Pinanliitan ko siya lalo ng mga mata. “Kung hindi sa akin at k

