Genuine Eyes BERLIN WALA akong problema sa sinabi ni Sin. Tunay namang wala na kaming dahilan upang mag-usap pa dahil nakawala na ako sa responsibilidad ko sa MasterCall sa kanya. As for my debt, I will pay him bit by bit. Kaya naman una kong kaagad na ginawa pagkagising ay ang magbakasakaling may mga bakanteng trabaho malapit sa inuupahan ko. Kaso nasuyod ko na ang mga alam kong pasukan pero wala akong napala. Kasalukuyan akong nasa klase at halos magdadalawampung minuto na yata simula noong maghintay kami ng magtuturo ngunit dahil sinabi nilang nakakasindak daw magalit ang propesor sa subject na ito, walang nangahas na umalis ng silid. Liban na lamang sa magkaibigang Evo at Sin na sadyang lumiban talaga. Kung sabagay, mukha naman silang mga unit taker lamang. O kaya naman a

