"What is it?" tanong ni Dr. Pontificano. "It's like black tar." "Parang putik," tingin ni Father Paul. Nasa itaas sila ng belfry tower at nakatingin sa kulay itim na bagay na bumalot sa kisame nito. Naroon sina Jules, Hannah, Mayor, Duktora, Father Deng, Father Paul at Bishop Israel. Maya-maya'y dumating si Hepe. Tinawagan siya ng obispo para makita rin ito. "Parang grasa..." sabi naman ni Hepe. Totally weird, sabi ni Mayor Arteza, pagka't hindi naman umulan ng mga nagdaang araw. Ayon sa matandang maintenance na unang nakakita nito ay wala pa ito last week noong siya'y magpunta. Hindi ito bagay na bigla na lamang naga-accumulate ng ganoong kabilis. Walang dudang lumabas ito around the time na ginagawa nila ang exorcism. "So, what es et?" nagtatakang tanong ni Father Deng. Nagsindi n

