LINDOL SA MANILA. NAGULANTANG ANG MGA TAO. BELFRY TOWER NG MANILA CATHEDRAL GUMUHO. MAHIWAGANG MGA ILAW SA BELFRY TOWER NG MANILA CATHEDRAL, ISANG PALAISIPAN. GUMUHONG TOWER SA MANILA CATHEDRAL, ISANG PARI ANG NASAWI. Ito ang mga headlines ng TV News at diyaryo nang sumunod na mga araw. Ito rin ang balita sa internet at social media. May mga video footages ng mahiwagang ilaw, ang itim na ulap sa taas ng belfry tower, at ng paglindol na nagpaguho rito. Ito ang news na trending sa nagdaang mga araw sa buong Pilipinas. Umabot na rin ang balita sa ibang bansa at ilang mga religious skeptics, mga paranormal investigators, maging UFO conspiracy theorists ang pinausapan ito. Kanya-kanya sila ng theories. Hindi rin naman nagtagal at ang nangyari sa Manila Cathedral noong gabing iyon ay nakalim

