Chapter 32 Mist Villareal's Point of View Bakit ang liwanag? nasaan ba ako? Minulat ko na ang mga mata ko at napapikit ulit dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa kurtina. Tumalikod ako at napansing nasa loob na ako ng kwarto ko. Teka, paano ako nakarating dito? Panaginip lang ba ang nangyari kagabi? napatingin ako sa braso ko at nandoon pa ang stamp na galing sa Enchanted Kingdom. Bumangon na ako nat nag-ayos. Nagsuot ako ng jogging pants at puting t-shirt. Paglabas ko ng kwarto ay saktong paglabas din ni Cloud. "Good morning!" Nakangiting sabi niya sa akin. Lumapit siya sa akin at tila pa nag-slow motion ang paglakad niya papalapit sa akin. Naku, hindi kaya nahanginan na din ang shell ko at kung anu-ano na ang nakikita ko. "Good morning din. Paano nga pala ako nakarating dito?" t

