Maroon Kicks

1090 Words
[Lea's POV] "Pinayagan ka naman ng tutor mo?" Tanong ni Eion sa akin nung makapasok ako sa kotse niya. Alas siete ang usapan pero dumating siya sa bahay nung malapit nang mag-alas otso. Sarap niyang batukan kung wala lang talaga akong utang na loob. "Oo naman, tsaka wala rin naman si Eli mamaya dahil may birthday na pupuntahan." Kumunot ang noo niya at imbis na simulan ang makina ng kotse ay tumitig siya sa akin. "Anu ba, Eion, kanina pa naghihintay yung iba sa 'tin. Imbis na pagnasaan mo ang kagandahan ko, mag-drive ka na." Sabi ko at sarkastiko siyang nginitian. Naiinis na ako. Ba't ba kasi siya pa 'yung napili ko na magsundo sa 'kin? "Pagnasaan? You wish," he scoffed before hitting the start engine. "Huwag ka nang magpa-tutor mamaya." "Ba't naman? Libre na nga tas crush ko pa magtu-tutor, sino ang manghihindi roon?" "Pwede ka namang manood sa youtube, e." Iritado niyang ginulo ang kanyang buhok. Ba't ba gigil siya? Eh, tinutukso pa nga niya ako noon kay Cy. "Iba talaga kung face-to-face tsaka, matalino si Cy. At least magkakaroon ako ng ideya kung paano mag-aral ang matatalino." "Eh, wala si Eli mamaya. Kayong dalawa lang ni Cy sa bahay nila dahil sabi mo pumunta rin ng Davao ang Mommy nila." Nanlaki ang mga mata ko. 'Yun pala ang dahilan kung bakit iritado siya. "Come on, Eion, huwag ka ngang malisyoso. We'll just study, nothing else!" Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Ba't ba kasi 'yun ang iniisip niya? "He's a guy, Ley, and you're attractive." "So, inaamin mo nga na attractive ako?" Napatawa ako nung inirapan niya ako. Parang bading! "You're attractive. Hindi maganda, hindi rin pangit, sakto lang." "Sugar-coating amputa," nakangiwing reklamo ko. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe ni Eion nung biglang umulan. s**t, gusto ko pa namang tumambay sa park katabi ng Miraya. "Hindi maganda ang panahon, pupunta ka pa rin ba kina Cy?" Ako naman ang napairap dahil sa kanyang tanong. He hasn't given up. Gosh, paranoid talaga ang baklang 'to. "Yeah, nothing can change my mind." "Really? Kahit bilhan pa kita ng Ramune? I heard a batch of stocks came in." "Outdated ka yata, nakabili na kami kahapon. Nilibre ako ni Cy." Ngisi ko at tumingin sa kanya na seryoso ang mga tingin sa daan. "Nilibre ka niya at sa palagay ko ay umaasa ka na baka gusto ka rin niya. Alam mong malabong mangyari 'yun." "Epal mo talaga. Sana nagpahatid na lang ako sa driver nina Mom." Humalukipkip ako. Magaling talaga siya sa pagsira ng mood ko, in born talent na niya siguro. "Eh, bakit hindi ka nagpahatid?" "Ewan ko," kibit-balikat ko, "iba kasi kung ikaw 'yung nagmamaneho. Kahit nakakainis ka, I feel safe being around you." "Naks naman, pinapaiyak mo naman ako, e." Sarkastiko niyang saad bago pinunasan ang mga invisible niyang mga luha. Sumimangot ako, masarap talaga siyang ibunggo sa steering wheel. . "He told me he's not worth it which is confusing. Like, all the treatment and the way he acted like he was jealous when Eion fetched me." Kinuwento ko kina Pierce at Eve 'yung nangyari habang naghihintay sa boys na bumili ng snacks namin. "Tangina, mixed signals!" Malutong na mura ni Pierce. "Yeah, but i'm not hoping, ah. Alam ko namang malabo na maging kami. Cy is just being kind and courteous." "Really? Hindi ka umaasa? Lokohin mo na ang lahat pero huwag us." Nakahalukipkip na sumandal si Eve sa may railings ng bleachers. Naisipan namin na futsal muna ang una naming panonoorin. Ito 'yung bonding naming magkakaibigan. Manonood kami ng mga sports na malayo sa kinahihiligan namin, in this way kasi ay namo-motivate kami sa paglaro ng larangan naming sports. It's fascinating to see the best that every player puts into the game, nakaka-relate kami. "What if," agad kaming napatingin ni Eve may Piece, "try nating tingnan kung may nararamdaman ba talaga si Cy para kay Lea. Para makita natin kung zero chance talaga na maging sila." Hindi ako magsisinungaling. Interesadong interesado ako sa ideya na naisip ni Pierce kahit sabihin na natin na sobrang layo ang imagination niya at kadalasan ay palpak pa. "How?" "Pagselosin natin. Lea and Eion will act as a sweet couple in front of him tas ire-record natin ang reaksyon niya!" May kasamang tili na sigaw niya at napalaglag naman ang panga ko. "So, you're implying na gagamitin natin si Eion?" Tanong ni Eve at sobrang bilis namang tumango si Pierce. "That's a great idea, Piece, pero ewan ko lang kung papayag ang tukmol na mag-acting." Tukoy ni Eve kay Piece. She's right especially dahil sa inaasta niya sa mga nakalipas na mga araw. Parang ang init ng dugo niya kay Cy at ayaw niya rin na umasa pa ako lalo dahil ayaw niyang masaktan ako. "Nah, leave it to me. Papayag yan." Agad na kaming dumiretso sa mga upuan namin nung dumating na sina Ron at Eion. "Pagkatapos nito, ping-pong naman panoorin natin tas kayo naman bumili." Sabi ni Ron na nakangiti nang pilit. "Ah, hindi na kami kakain. Busog na kami nito. Kung gutom ka pa, bumilo ka nang sayo." Sabat ni Pierce at ginantihan din ng pilit na ngiti si Ron. Laglag ang balikat na umupo na lang si Ron katabi ni Eion. Habang nanonood kami ay hindi ko maiwasang humanga sa players ng Magenta Kicks. Makikita mo na united silang lahat at sobrang close sila sa isa't isa. Everyone is given a chance to play and it's so fun watching them, they don't feel the pressure. Parang bang ine-enjoy lang nila 'yung laro. Tumingin ako kay Eion na nakapangalumbaba. Kumikinang ang mga mata niya dahil sa paghanga. I bet his heart is beating crazily fast... 'yan din kasi ang nararamdaman ko. "Do you miss it? Playing with other people that you'd call yourselves team." Tumingin siya sa akin siya sa akin bago sumandal. "I don't know. Watching them play makes me feel jealous," tukoy ioya sa Magenta Kicks, "but a part of me is saying that I should just move on. Naglalaro ako ng badminton at ayos na ako roon." Mapakla akong ngumiti sa kanyang sagot. He's tired of trusting others, he was left with no trust to spare. "You love volleyball and i've seen the light in your eyes when you were playing. You were so passionate with it." "I'm also passionate with badminton," kibit-balikat niyang sagot bago tinungga ang soda niya na konti na lang ang laman. "May isa ring bagay na sobrang passionate ko maliban sa badminton at volleyball." "Ano?" "Loving you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD