Rina Tila ba parang na mahika ako sa mga sinasabi at galawan ni Kuya Tim sa akin ngayon. Parang kayang kaya ko lahat na sabayan ang mga gusto at sinabi niya sa akin na dito mismo sa kusina niya ako aangkinin. Hindi ko maintindihan dahil parang gusto ko din gawin 'yun dito. Hindi pa nga sana maghihiwalay ang aming mga labi kung hindi niya lang a amoy ang niluluto niya. Kagat labi siyang lumayo at lumakad pa atras para puntahan ang niluluto niya na ulam. Mahilig si Kuya Tim sa masabaw na ulam kahit noon pa , ewan ko na lang kung may sabaw pa ang niluluto niya ngayon dahil na busy siyang halikan ako. Nang maalala ko naman muli ng malianaw kung nasaan kami ay na mula ako ng sobra. Paano nga kaya kung may makakita sa aming dalawa? Parang kung anu-ano na ang iniisip ko lagi kaya hindi ko namal

