YOUR WISH IS MY COMMAND

4012 Words
Nagising ako kinaumagahan hindi na dala ang sama ng loob pero nandito yung inis bakit? Kasi ganito, Mabilis akong tumayo sa higaan ko at padabog na kinatok ang kuwarto ng nanay ko na nagba-vibrate na naman at may orchestra ng libog sa loob. "Puny*ta, Sonya umagang-umaga" inis na sigaw ko at kinalabog ang pinto. Ilang saglit pa huminto yung ungulan at biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Sonya na sobrang sama ng tingin sa'kin at hinila ang buhok ko papuntang sala. "Ikaw buw*sit kang babae ka" inis na sabi niya sa'kin at hinagis ako sa matigas na upuan na ikinangiwi ko sa sakit. "Kung ayaw mo'ko bigyan ng pera huwag naman sakit ng ulo hay*p ka" inis na sabi niya at tinalian ng lubid ang kamay ko at inuntog ako sa pader na ikinasigaw ko ng bahagya. Mabilis siyang bumalik sa kuwarto niya at bumalik ang orchestra na naririnig ko. Bumuntong hininga ako. "Na-tigang am*t, inistorbo e" inis na sabi ko at pilit na kinakalas ang lubid sa kamay ko at nang magawa ko yun lumabas agad ako ng bahay. Kaurat sa loob, hinanap ko si Taba pero hindi ko mahanap. Bumuntong hininga ako at bumalik, nag-hanap ng pagkain pero wala kaya lumabas ako. "HINDI MAGANDANG PAGKAIN ANG HOTDOG AT ITLOG NG SABAY SA UMAGA BAL*W!" inis na sigaw ko kaya nag-tinginan sila sa'kin pero nung lingunin ko mga tao mga kapwa nagsusugal na. Wala akong choice kung hindi humanap ng pera. Lumapit ako sa mga nagsusugal. "Oh Laya nandiyan ka pala" sabi ni Bebang habang nagbabalasa ng baraha. Akala mo talaga hindi tumingin nung sumigaw ako. Umupo ako sa upuan. "Sali ako" seryosong sabi ko na ikinalunok nila. "May sinaing pa'ko mamaya na lang ha" si Marnel "Wala pa palang almusal ang anak ko, sabay na tayo, Marnel——" "Umupo kayo" malumanay na sabi ko na ikinatigil nila. Inalagay ko ang kamay ko sa lamesa at sinenyasan ko si Bebang na iabot sa'kin ang baraha na ginawa naman niya. "Hindi na ako ganuon kagaling mag-pusoy ano ba?" Biro ko pa. Nagduda man pero bumalik sila sa puwesto. Isang oras bago natapos nag laro. Walang buhay akong bumalik sa higaan ko at binilang lahat ng perang pinalanuhan ko. "Wow naka-isang libo ako" masayang sabi ko at nag-bihis at dumeretso sa isang restaurant para mag-take out na lang sana para sa'min ni Taba pero napa-hinto ako nang makita ko si Raiden na nag-iisa habang walang emosyon na kumakain sa restaurant. Nang makuha ko yung tinake-out ko, umupo ako sa harap niya na ikinalingon niya kaya ngumiti ako at humigop sa inumin niya. "B-babe?" "Hhhm yes, Rai?" Sabi ko at uminom pa din. Bonak nag-lakad lang ako malamang uhaw na uhaw ako. "Y-you're here?" Hindi makapaniwalang sabi niya na akala mo nasa kalagitnaan ng gyera na may sumagip sa kaniya. "Yup" at pinakatitigan ko siya. "Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko at tinitigan siya pero nakatingin lang din siya sa'kin sabay tumabi sa akin at hinawakan ang bewang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko. "Because my babe is nowhere to be found when I went to her house" naka-ngusong sabi niya at kinikiliti ang bewang ko na ikinatawa ko. "Muka kang tanga" nakangiting sabi ko. "You look ugly now" nakangusong sabi niya at hinaplos ang muka ko. "Who did this?" Biglang seryosong sabi niya nang makita ang sugat ko sa muka. Tinitigan niya din ang ibang parte ng katawan ko. "Hindi ba halata kanina na nabugbog ako?" Natatawang sabi ko pero seryoso pa din siyang naka-tingin sa'kin. "Who did that? I'm asking you" seryosong-seryoso na sabi niya. Hinawakan ko siya sa braso at ngumiti. "Si ate Calm, Ano tatakutin natin? Bal*w ka siyempre bawal." "It's because you beat her friends right?" Tanong niya. Tumango ako. "So I can't do anything about that? Even scare your sister or beat her?" Pag-pipilit niya pa. Kinurot ko ilong niya na ikinainis niya. "Malamang pamilya ko yun" hinawakan niya ulit ang baywang ko at sumandal sa upuan niya. "You love your family that much even though they aren't love you" ngumiwe ako sa kaniya. "Bakit pala mag-isa kang kumakain?" Tanong ko at tiningnan siyang naka-tingin sa'kin. "Because I can't find you, I went to your house but the only maid faced me and told that you left. You know I used to eat alone because my whole family is in Canada so I am alone here in this country" tumango-tango ako. "Gusto mong laging sumabay sa'kin sa tanghalian?" Mabilis na nag-liwanag ang muka niya at mabilis na tumango. "Sige itake-out mo na 'yan, sa bahay tayo nila Sonya kakain" tumango-tango naman siya at tinawag ang waiter para sabihing ipapa-take out na lang yung pagkain niya. Habang hinihintay ang pagkain ni Rai nilalaro-laro ang daliri ko na ikina-ngiti ko lang. "Did I tell you that you're hot whenever you beat somebody?" Umiling ako at humarap sa kaniya. "Kahapon yung katulong namin na nginudngod ko ang ulo sa kumukulong tubig sinugod ako nung anak, kakatapos lang ako pagalitan nun nila kuya Legal" "That's why when I went to your room to fetch you, your friend, Reez said that you are in trouble so yeah" tumango ako sa kaniya at patuloy niyang nilalaro ang daliri ko. "Yun na nga tapos binato ako ng itlog at sinampal ako" kumunot ang noo ko nung makitang nagdilim ang muka niya. "Tell me you beat the sh*t out of her" natawa ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Malamang eh galit din ako nun kasi dapat aanuhin ako ni kuya Legal nun tapos badtrip ako so sinakal ko siya at sinipa ata ng dalawang beses hindi ko din tanda" "Thank God you fought back" kinurot ko siya sa pisngi sa gigil ko kaya hinawakan niya kamay ko. Nakaramdam ako ng masayang pakiramdam sa init ng haplos niya sa kamay ko. "Tatawagin mo ba'kong b*tch kung hindi?" Natatawang sabi ko nang maalalang tinawag niya akong b*tch. Nag-asaran pa kami. Inaasar niya ako kasi ang panget ko na daw dahil nabugbog nga ako at tawa lang ang lagi kong sinasagot sa kaniya na ikinakatawa niya. Mahigpit na hawak ni Rai ang kamay ko na parang hinding-hindi niya ako bibitawan. "Babe," "Hhhm?" "I think we should buy lots of food for Taba" napa-tingin ako sa kaniya eksaktong hinalikan niya ako sa labi na ikinangiti ko lang sa hindi malamang dahilan. Kinagat niya pa ng bahagi ang labi ko at naka-ngising naka-tingin sa'kin nang maghiwalay labi namin. "Sweet" pasipol-sipol na sabi niya. "Basta ba pera mo" sabi ko patukoy sa kung bibilhan niya si Taba. "Of course" pumunta kami sa Grocery store para bumili ng snack kay Taba. "By the way you have One month suspension right?" Tumango ako. "So I will be alone for one month?" "Kung gusto mo sabayan mo'ko magpasok kang droga sa school for sure bibigyan ka nila ng suspension" suggestion ko. Seryoso ako duon. "Hhhm I'll try but where can I find a drug?" Tanong niya. Kitams? Parehas kami seryoso. "Sa bar kung saan nagtatrabaho nanay ko" tumango siya. Nagpatuloy kami sa pag-bili at napahinto lang nung may bumangga kay Rai. Napa-tango ako nang mapagtanto na ito yung tinitingnan ni Rai na babae mula sa malayo kung saan hindi ako napansin ni Rai nuon. "I'm sorry" mahinhin na sabi nung babae. "S-serenity?" See? Sabi na e. Hays nako. Hindi ko sila tinitigan at namili lang ako ng chips pero hindi ako lumayo sa kaniya. "Raydee" natawa ako nang marinig yun sa bibig ni Serenity. Raydee amp*ta. Apaka angas naman po nun hahahaha. Sinamaan akong tingin ni Rai dahil sa pag-tawa ko, napaiwas naman nang tingin si Serenity sa'kin. "By the way, why are you alone?" Tanong ni Rai. Because wala siyang kasama, apaka tang* naman nito ni Grameson. "Jam is busy that's why" tumango naman si Rai. "Mind if you join us?" Suggestion ni Rai na ikinatingin ko. Umiling ako at kinuha yung basket na bitbit ni Raiden. Duh! Ayoko maging third wheel hay*p. "Una na'ko, Raiden" seryosong sabi ko para ipaalam sa kaniya na ayoko kasama ang babae na 'yan. "Enjoy" pero ang gag* hindi ako pinigilan. Sira*lo yun. Umiling-iling na lang ako at nilabas ang cellphone ko at nagsaksak ng earphone sa tainga at nag-simula nang mag-ikot-ikot. Nang matapos akong mamili para kay Taba duon ko lang narealize na gabi na. Great! Pumara ako ng taxi pero walang nagsasakay sa'kin. Pest* kasi si Raiden inuna pa landi e, ako kalandian kanina e. Paano ako magmama-kaawa sa s*x sa kaniya before five months kung pag-nakikita niya si Serenity nauul*l siya. Hay*p. Napa-tingin ako ng may kotse na tumigil sa gilid ko. Saktong pag-tingin ko nakita ko si kuya Hunt na naka-tingin sa'kin. Alinlangang tumingin siya sa'kin at kinakabahang ngumiti. Mabilis na sumakay ako sa kotse niya at yumakap sa kaniya sa hindi malamang dahilan. "Sorry kuya Hunt" panimula ko. Putch* bakit ako nag-sosorry? Ako ba mali? Kainis. "Hindi ko sinasadyang sigawan manakit, hindi ko sinasadyang manakit, sorry talaga kuya. Sorry" niyakap ako ni kuya at hinaplos ang buhok ko. "We're sorry, Malaya" nakangiting sabi niya. "We're not a good brothers and sisters to you. We treated you like an outcast that's why I am so sorry" yumakap uli ako kay kuya Hunt na ikinatawa niya. "I didn't know you are this sweet" "Ngayon lang to bon*k" natatawang sabi ko at kinapa ang pisngi ko kung may luha pero wala. Natawa din naman si kuya Hunt at umandar na ang kotse. "Kuya ihahatid mo ba'ko sa bahay ni Sonya?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin at bumalik din ang tingin. "Who's Sonya?" Mga nanay ng kapatid ko kilala nila pero ang akin hindi. "Nanay ko" bumuntong hininga si kuya Hunt nang mapansing parang hindi kami maayos ng nanay ko dahil Sonya lang tawag ko. "No, we're going to Primera's gig" mabilis akong napa-tingin kay kuya Hunt. "Hindi nga?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "For real?" Ngumiti si kuya bago tumango. Mabilis kong nilabas ang cellphone ko at dinelete lahat ng picture ng iba't-ibang klase ng yosi, drugs at kutsilyo. Gusto kong kuhanan ng picture si ate Prim para may remembrance. Mukang napansin ni kuya Hunt yung mga picture kaya tumingin siya sa akin pero bumalik din sa daan. "Malaya, don't tell me you're using——" "I'm using weeds——" "F*ck, Malaya. I can put you behind bars right now. I am a f*cking respectable police officer in our precinct" natawa ako kay kuya. "Mahilig lang ako mangolekta ng mga picture nila pero hindi ako gumagamit. Ayos na'ko sa yosi" "You should stop that also" malumanay na sabi ni kuya. Kinuha ko yung paper bag na binili ko. "Pag-naubos 'to" at pinakita ko sa kaniya ang paper bag. "F*ck!" Mura ni kuya. Bakit? Kasi mas marami ang yosi ko kaysa sa pagkain ni Taba. "I can't stop you right?" Tumango ako. "But don't let me caught you because if I would, I will literally give you a punishment. You are one of my younger sister, Malaya so I want the best for you and not that okay?" Masaya sa pakiramdam na nag-aalala si Kuya Hunt kaya tumango ako habang nakangiti. Nang makarating kami sa bar, namulsa agad ako. "Malaya don't be nervous they're not mad at you" napa-tingin ako kay kuya Hunt sa sinabi niya at kumunot ang noo. "Sinasabe mo?" Takang tanong ko habang nakapamulsa pa din ako. "You're not nervous?" Umiling ako. "Here I thought you're f*cking nervous because of what happened last night" natawa ako. "Ready naman ako makipag-basagan ng bote" biro ko na ikina-sama ng tingin niya. Pumasok na kami sa bar at sobrang ingay ang loob at nakakahilong amoy, tao at ilaw ang nanduon. "Hunt!" Malakas na sigaw ang nakapag-palingon sa'min. Napa-tingin ako kay kuya Legal sa isang napaka-laking round table sa pinaka-dulo. Simple lang yung puwesto. Kuripot akala ko naman VIP kami. Nanduon si ate Sun, kuya Bridge, Kuya Light, Kuya Chaser at ate Calm. Wala sila Fan kasi mga bata pa sila. Ako yung pinaka-bata sa legal age. "Malaya" nakangiti si Daddy sa'kin. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. Napa-tingin siya sa mga sugat ko sa muka. "I'm sorry" ngumiti lang ako at tinapik siya sa balikat. Napa-tingin ako sa mga kapatid ko na nakatitig sa'kin. Kumuha ako ng beer at binuksan yun gamit ang singsing sa daliri ko na ikinabilib nila na ikinatawa ko. Epekto nang nag-aaral ng lubos simpleng bagay lang hindi pa alam. "Let's watch, Prim as she'll rule the stage" si Dad. Tumango kami. Sabay-sabay kaming uminom ng beer na ikina-ngiti ko ng palihim. Masaya ako sa ganito. Ito ata pinaka-perpekto kong araw. Nang lumabas si Primera kasama ang banda niya, nagsigawan lahat lalo na dahil maganda si ate——jok Primera lang medyo may tampo ako e. Hinanap niya kami at nang makita ako pagtapos ng ilang hanap ngumiti si Primera sa'kin. Wierd. "Hello guys," panimula ni Primera. "I just want to get atleast five minutes of your life to tell how much the world I want to thank my father because he gave us a wonderful younger sister" walang alinlangang sinabi ni Primera. Napa-tingin ako sa mga kapatid ko at kay Dad na nakangiti. Nag-labas si Primera ng sulat. "This note is from your stup*d ate named, Calm" natawa ang lahat at napa-tingin ako kay ate Calm na hindi maka-tingin sa'kin. Dear, Malaya I am so sorry for what I've done. I know that sorry wouldn't enough for the pain that I've caused but I want to shout to the world that I am happy to be your older sister. Older sister should be the one who protects her younger sister or brother but God did the opposite, you're the one who protected me yet I've beat you even though you can mess with me in an instant. I am very sorry, Laya for what I've done but I will promise that I will be a good sister for you from now on. I will always love you no matter what so please... "Come back home" napa-tingin ako kay ate Calm nang ituloy niya yun. Natawa ako kasi ang arte nila kailangan pa-ganito pa? "Bal*w" natawang sabi ko na mabilis na isinugod ni ate Calm at ako niyakap ng mahigpit. "I am very sorry," panimula ni ate Calm at nagsimula na din kumanta si ate Primera. Yes may ate na!. "I am very sorry, I want to make it up to you. If you want me to shout at every people that you're my sister I would" natawa ako at tinapik ang balikat niya. "Ang drama mo, I hate dramas" at nagtawanan kaming magkakapatid kasama si Daddy. "I am so sorry for shouted you that I hated you. I am just mad, Malaya. I don't want you to ruin yourself but you always do" ngumiti ako kay kuya Legal. "Tama na sa sorry. Hindi kasi ako yung drama type na babae" tumango naman sila habang natatawa at bumalik sa pakikinig kay ate Primera. I am happy not because they're sorry for me but because they already accepted me——the whole me. I guess. Kuya Bridge and Kuya Light smile at me. Yes umeenglish ako hay*p. Pakiramdam ko nag-bago na lahat. Nang matapos kumanta si ate Primera nagpalakpakan kami siyempre. Baka ate ko yan? "Ahm who wants to suggest a song that I can sing?" Tanong ni ate Primera sa mga nanunuod. Uminom pa din kami ng beer habang proud na naka-tingin sa ate ko. "Kung mag-suggest kaming mag-hubad ka gagawin mo ba?" Napa-tigil kami sa pag-tungga ng beer na magkakapatid nang marinig yun. "What?" Parang hindi makapaniwalang sabi ni ate Primera. "We want you naked" sigaw pa nung kasama nung kalbo. Wala namang sumang-ayon sa kanila pero yung grupo ng Kalbo na yun na hayok na hayok lang. "Mag-hubad ka na" sabi pa nung katabi nung kalbo. Bale tatlo silang lahat. "Who the f*ck is that moron to treat my daughter like that?" Si Daddy. "I can defend ourselves in law if someone sue us here" walang emosyon na sabi ni kuya Light. Ang abogado sa'min. "I can put them behind the bars right now even if I will beat the sh*t out of them right now" seryosong-seryoso na sabi ni kuya Hunt. Ang pulis. "They disrespected my twin sister and I want them dead" si kuya Chaser. Tumayo ang mga lalaki kong kapatid na parang ready sa banatan na ikinatawa ko. Ang mga propesyonal makikipag-basag ulo am*t. Mamaya ma-kwestyon trabaho nila, mga bob*. Napa-tingin sila sa'kin nang makitang tumayo ako habang may hawak na isang bote. "What are you doing, Laya?" Si kuya Legal. "Sit down, Laya maybe they will disprespect you too" alalang sabi ni ate Calm. "Boys calm down" si ate Sun. "This bar has a guard okay. No ones gonna hurt, Primera——" "MAGHUBAD KA NA HOY——" malakas na sigaw ng kalbo saktong binato ko sa kaniya yung boteng hawak ko na tumama mismo sa ulo niya na ikinatahimik ng lahat. "Laya" hindi makapaniwalang sabi ni ate Primera. Napa-tingin ang mga kuya ko sa'kin na parang namangha sa ginawa ko. Tumingin ako kay Daddy at na nangungusap ang mata na tiningnan ko siya. "Puwede bang ako na lang?" Tanong ko na ikinangiti ni Daddy. "But dad, Laya is a woman" si kuya Legal. "So ready yourselves boys so Laya and Prim won't hurt" si Daddy. Ngumiti ako at mukang magiging masaya to. "HOY!" Malakas na sigaw nung kalbo at mabilis na tumayo yung tatlong lalaki at naglakad papunta sa'kin. Mabilis na bumaba si ate Prim para awatin ako pero nilagpasan ko siya at mabilis na kumuha ng bote sa ibang table at hinagis agad uli yun sa kalbo. "LAYA!" Alalang sigaw nila ate Calm at ate Prim at ate Sun. Ang mga kapatid ko lang na lalaki ang nag-aabang kung kailan papasok. "PUT*NGNA KA" sigaw nung kalbo habang lumalapit sa'kin. Kinapa ko sa bulsa ko yung knuckle ni Rai na bigay sa'kin at mabilis na sinuot ko yun sa kamay ko. "F*ck! Dad Malaya has knuckle" hindi makapaniwalang sabi ni kuya Chaser. Mabilis na umamba ng sapak yung kalbo ang kaso naunahan ko siya ng sapak sa mismong baba niya na ikina-out of balance niya. Sinugod ako nung isa pero binato ko yung Knuckle ko sa muka niya na ikinasigaw niya sa sakit at nang makitang susugod yung isa mabilis na binasag ko ang bote ng beer na malapit sa'kin at itinapat sa kaniya ang basag na parte ng bato na ikinahinto niya. "Isang galaw mo patay ka sa'kin" malamig na sabi ko. "What the f*ck!" Si kuya Bridge. "I didn't know she's good at this" si kuya Hunt. Nang maramdamang hahatawin ako nung dalawa sa likod ko mabilis akong umikot habang naka-turo pa din sa kanila ang basag na bote na naging dahilan ng pagkahiwa ng muka nilang tatlo. Sinipa ko palayo yung dalawang lalaki na mabilis kinuha ng bouncer at lumapit ako sa kalbo at dinakma yung baba niya. "Ayoko sa lahat binabastos pamilya ko" malamig na sabi ko at inuntog ang ulo niya sa tuhod ko na tumama sa sahig at nakatayo lang ako sa gitna nung maramdamang nauntog din yung kalbo sa sahig na dahilan ng pagkahimatay nito. Ngumiwe ako sa naging itsura ng bar at mabilis na bumalik sa pamilya ko. "Diko sadya" walang ganang sabi ko pero wala akong narinig na sumagot sa'kin. Umupo ako sa tabi ni Daddy na nag-fist bomb sa'kin na ikinatawa ko at bumalik ako sa pag-inom ng beer. "Wow that was.... Wow" si ate Primera. "Be thankful to Malaya, Calm because she didn't fight you back" pang-aasar ni kuya Light na ikinatawa namin. Ilang papuri pa ang narinig ko sa mga kapatid ko bago sila tumahimik at tumingin sa'kin. "You know, you can't always do that Malaya especially you're a woman" si kuya Legal. "It's your lucky day because you're stronger than those three but if you're not they can beat the h*ll out of you" seryosong saad ni kuya Bridge. "Alam ko naman limitasyon ko tiyaka hindi ako pumapatol sa lalaki kaya ko lang sila pinatulan dahil nandito kayo" ngisi kong sabi. Lumipas ang gabing yun ng masaya at magaan sa pakiramdam at nung pauwian na mabilis akong nag-paalam na mag-ccr lang kaya tumango sila. Dumeretso ako sa kotse ni kuya Hunt at kinuha ang mga pinamili ko at naglakad na palayo sa kanila. Hindi na'ko galit pero wala pakong balak bumalik sa mansyon. Kasi sa tuwing nagsosorry sila wala akong sinabing pinapatawad ko na sila. Bakit? Kasi hindi ko din alam. Parang may part sa'kin na ito ngang pamilya ko sa side ni Papa okay na e. Pero galit pa din ako. At pag-galit ako, galit talaga ako. Nang makarating sa bahay wala na si Sonya dahil may trabaho sa club at naabutan kong si Taba na kumakain mag-isa. Nginitian ko siya at sinabayan kumain at binigay ko sa kaniya pasalubong ko. "Ate sana hindi ka na bumalik sa pamilya mo" mahinang sabi ni Taba na ikinatigil ko. "Ako naman ate hindi kita sinasaktan diba? Mahal kita kaya dito ka na lang ate, hindi kita kayang saktan katulad nang ginagawa nila sa'yo" natawa ako sa sinabi ng kapatid ko. Bakit? Kasi hindi ko din alam. Ginulo ko ang buhok niya. "Bata ka pa, Taba okay? Sa ngayon ganiyan ang pag-iisip mo pero soon magagalit ka sa mundo kung bakit ka ganiyan, sisisihin mo ang nanay at tatay mo dahil sa binigay sa'yong buhay" "Ate diba dapat ang itinuturo mo sa'kin na maging mabait?" Umiling ako. "Ang ituro dapat sa mga bata sa fairy tale book ang katotohanan na walang fairy tale sa buhay" Nagising ako kina-umagahan na maghahanda sana sa pag-pasok sa eskuwela pero narealize ko dahil pala sa nagawa ko kaya bawal ako mag-aral ng one month. One month ko ding bakasyon. Yes sarap buhay. Mediyo hindi lang ako sang-ayon kasi, nadala ko sa ospital estudyante nila tapos one month lang suspension? Unfair yun sa'kin. Gusto ko matagal. Si Grace nasa ospital nakahiga akala mo malala ang lagay kung maka-kuda, kung gusto niya mag-stay pa sa ospital ng matagal willing akong pumunta sa ospital at itarak sa kaniya lahat ng ginagamit pang-opera hay*p siya. Gusto ko three months man lang na suspension, apaka unfair naman. Napa-tingin ako sa cellphone ko nung tumunog, tang*na nagamit din to sa wakas. "Where are you?" Bumuntong hininga ako nang marinig si Raiden. "Raiden may sasabihin ako," seryosong sabi ko. "About what?" "Sa game——" "Are you quitting on our game? If yes you have to face the consequences——" "First manahimik ka. Second, walang napag-usapang consequence, third game mo, hindi game natin. Fourth, iba na lang ang gusto kong hilingin and last," huminga muna ako. "Gusto kong ako lang ang babae mo habang nasa game tayo" deretsang sabi ko. Wala akong narinig sa kabilang linya ng ilang minuto pero di din nag-tagal. "I'm f*cking sure why you decided like that it's because of your f*cking wish, right?" Ngumiti ako sa sinabi niya. "Sasabihin ko sa'yo ang hiling ko kapag nanalo na'ko" "And what's make you feel that you'll win on this game?" "Hindi ako tinawag na b*tch para lang sa wala, Rai at kapag umalis tayo sa deal ng biglaan may parusa okay?" "Okay, babe but I can't do whatever you want, I'm a player so I have lots of women" Malambing na sabi niya. Pinalambing pa nga. "Marami kang babae?" Tanong ko kahit alam ko naman na oo. Pero gusto ko mag-laro ng seryoso, Bakit? Kasi masaya ako sa presensya ni Raiden. "Yeah, babe" "Ayoko, tigilan mo 'yang mga 'yan" nakarinig ako nang mahinang pag-tawa sa kabilang linya. "Unbelievable——" "Bibilib ka sa'kin kapag tinadyakan ko 'yan muka mo" "But I'm a player, a playboy. I am not a one woman type of man" "Ayoko," "But I can't, it's like you're stopping me from doing what I want——" "Tigilan mo sila o titigilan kita?" Lakas ko naman mag-demand! Jowa ka girl? "Your wish is my command babe"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD