Chapter 46: The fall Third Person's POV "Nagbabagang balita, mga kapatid! Isang sikat na mall muli ang sumabog, nakapagtatakha at pang ilang beses na itong nangyari at sa hindi inaasahan ay pare pareho ang nagmamay ari nito." Prenteng naka upo ang isang babae na may hindi katandaan, bagaman na mukhang bata ay mababakas mo pa rin na siya ay may katandaan na dahil sa pagkaka kunot ng noo nito. Nabalik siya sa wisyo ng marinig ang sunod sunod na katok sa kaniyang pintuan. Sandali niyang tinapunan ng tingin ang pinto saka nag salita," Come in." Pagka sambit niya noon ay dahan dahan na bumukas ang pinto saka iniluwa noon ang natitirang council niya. Hindi pa sila nakakahanap ng kapalit dahil sa taas ng standards ng kanilang leader, wala pang nakakapasa sa kaniyang standard. Walang emosiyo

