PINATAWAG ng board of directors si daniel dahil sa complain ng pamilya ng pasyente,dahil sa pagkamatay ng kanyang pasyente,
inimbistigahan ang nangyari, at dahil narin sa madalas na pagtambay ni angela sa hospital at higit sa lahat girlfriend nya ang isa sa anak ni Rafael davis kaya pinag initan sya lalo na si doctor marcos na may gusto kay angela,
doctor Sanchez" gaano ka totoo ang sinabi ng pamilya ng iyong pasyente na nagpabaya ka sa iyong tungkulin"tanong ng isa sa pinuno ng hospital,nakaupo sila paikot sa lamisa,kasama ang sampo ka tao at maging siya,
sir"katunayan kinausap ko ang pamilya na kailangan ng agarang operasyon para ipaputol ang binti nito dahil sa kumalat na ang inpeksyon sa buto nya"pero nagmatigas ang asawa at lumala ang implekasyon ng pasyente"aniya
paano sila magtiwala sa katulad mo?babae lang ang inatupag mo dito pa sa hospital"singit ni doctor marcus,
sasagot sana sya,pero nagtimpi muna sya dahil nasa gitna sila ng meeting kasama ng mga matataas,noon paman napansin nya na ito na galit sa kanya ang lalaki at alam nya kung bakit,
ok" kailangan ng masusing imbistigasyon ang mga pangyayaring ito"at doctor daniel"kapag napatunayan na may kasalanan ka'matatanggal ka sa trabaho,"anito bago sya pinalabas,
papalabas na sya ng conference room ng salubungin sya ni angela na nakasimangot,
bakit ayaw mong sagutin ang tawag ko?anito na halatang naiinis,"kanina pa ako tumatawag sayo ah"si angela
pwede ba angela tigilan mo muna ako ngayon"mahinang kausap nya dito nasa hallway pa sila papunta ng opisina nya,kahit naiinis na sya sa babae,
mula ng may mangyari ulit sa kanila sa mansyon ng mga ito,hindi na sya tinigilan ni angela halos araw araw na syang kinukulit,at kahit nasa gitna sya ng trabaho ay bigla itong susulpot,
wag mong sirain ang kridibilidad ko bilang isang doctor"panagdiinan nyang turan dito at napahilot sa sinsitido,
ano bang problema mo ha" ikaw pa ang galit?how dare you"di mo na nga sinasagot ang tawag ko tapos ikaw pa ang galit?galit narin na turan ni angela,nang nasa loob na sila ng opisina nya,
bakit?obligasyon ko ba na sagutin ang mga tawag mo sa tuwing bored ka ha? galit narin na wika nya dahil napupuno na sya sa babae," hindi mo ako boyfriend angela na umasta kang ganyan"dagdag nya na tinalukaran ito at naupo sa swivel chair,
nagulat naman si angela,ngayon lang ganoon si daniel sa kanya na pinagsalitaan sya nang ganoon at hindi nya rin alam kung bakit nakaramdam sya ng kirot sa dibdib sa tinuran nito,na wala silang relasyon,
Im sorry"ani ni daniel,
natauhan siya nang makitang natahimik ang babae at may nakita syang sakit na bumalatay sa magandang mukha nito,mainit lang ang ulo nya ngayon kaya nasasabi nya ang mga bagay na masakit at napagtaasan nya ito ng boses,pero ang sakit na bumalatay sa mukha ni angela ay dagli rin nawala,napakurap si daniel namamalikmata lang ba sya,dahil ang mukha ngayon ni angela ay parang toro na handa syang sugurin,napapailing nalang sya,
so" sinasabi mo bang wala kang pakialam sa mga nangyayari sa atin?well ito ang tandaan mo"akin ka lang at wala akong pakialam kung ayaw mo o may mahal kang iba"hanggat hindi pa ako nagsasawa sayo mananatili kang akin tandaan mo yan"ani ni angela bago nya ito iniwan, lumabas at umalis sa lugar,
napanganga naman si daniel sa tinuran nito,kapag kuwan napa suklay sya sa sariling buhok,bigla atang sumakit ang ulo nya sa sinabi nito,
oh buti nagyaya kang gumala ngayon chel"akala ko nagbago kana matagal narin hindi ka nagyayang lumabas ah"turan ni Michelle,nasa loob sila ng ikslusibong bar,
oo nga chel"akala namin binago ka ng lalaking doktor nayon"sigunda naman ni Lexi,
no way wala pang nagpapabago sa isang Chelsea angela davis,pagmamayabang na turan nya habang tumutungga ng alak,at mapait na napangiti ng maalala ang sinabi ni daniel kanina,
kampay""masayang wika nila,
DANIEL
pagod syang naupo sa kanyang swivel chair katatapos lang nyang mag rounds sa mga pasyente,napatingin sya sa kanyang celphone nang makitang marami na pala itong miscall galing kay ella sa girlfriend nya,
hello" sa kabilang linya
hello babe napatawag ka?tanong nya sa kasintahan,
babe pwede ba tayong magkita ngayon? anito,nahimigan nyang may problema ito,
ok" mamaya pag out ko daanan kita dyan"sagot nya
ok"paalam nito,
napabuntong hininga si daniel,bakit sabay sabay ata ang problema nya ngayon,
sakay nang kanyang kotse ay mabilis nya itong pinatakbo papunta sa hospital na pinagtrabahuan ng kasintahan nya,kahit pagod at puyat ay kailangan nyang puntahan ito,dahil nahimigan nya may mabigat na problema ito,
nakita nya nakatayo na si ella sa harap ng hospital naghihintay sa kanya,pagkakita nito sa kanya ay agad itong sumakay at umalis na sila sa lugar,pumasok sila sa isang mamahaling restaurant,pagkaparada ng sasakyan ay agad nya itong pinagbuksan ng pinto,nag pasalamat naman ito,
nakaupo sila sa pandalawahang upuan,pagkatapos makapag order ay tahimik lang itong mataman na nakatingin sa kanya,
are you ok babe?umpisa na tanong ni daniel dahil kanina pa sya naguguluhan sa kinikilos nito,hindi ito ganito ka tahimik kung walang dahilan,
bumuntong hininga ito bago nag salita,
totoo bang binubuntutan ka ng kapated ko?umamin ka sa akin may namamagitan ba sa inyo ni angela?diriktang tanong ni ella,
natahimik naman sya hindi alam ang sasabihin o isasagot sa tanong nito,kinabahan sya,ito na nga ba ang kinakatakutan nya ang malaman ni ella ang madalas na pagpunta ni angela sa hospital na pinag trabahuan nya,
bakit ayaw mong magsalita?naka kunot ang noo na turan nito,
anong sasabihin ko sayo? kung sasabihin ko bang wala kaming relasyon maniniwala ka?balik na tanong nya,ginagawa nya lang yon para iligaw ang mga tanong nito,
magsabi kanang totoo,paniniwalaan kita dan"isa pa kilala ko si angela, mahilig yon mang agaw kapag may ginusto ako ay gugustuhin nya rin,"mula pagkabata ay ganoon na sya,pero alam ko rin madali syang magsawa,kaya wagkang padadala sa mga pang aakit nya dan" naniniwala akong mahal mo ako kaya mas mabuti na iwasan mo nalang sya"anito
na mahigpit humawak sa mga kamay nya,ramdam nya ang sinsiridad sa sinabi nito at ang sama ng loob para sa kapated nito,hindi nya alam na may ganoon pala itong sama ng loob sa kapated,ang akala nya ay masaya ang dalawa na walang hidwaan ang namagitan sa dalawang prinsisa ng tita frans nya,pero ito nga may nangyayari palang ganito,naaawa nya sa kasintahan,
pinapangako nya sa sariling iiwasan na nya si angela at ituon ang buong antensyon at pag mamahal sa kasintahan,alam nyang malaki ang kasalanan nya dito at babawi sya sa mga kasalanang yon,
gumanti sya ng mahigpit na hawak at tumango dito,matamis naman itong ngumiti,ito yong nagustuhan nya kay ella,mabait ito at lagi syang iniintindi,mas lalo syang nakukunsinsya sa kanyang nagawa dito,
dahil narin sa mga pinag usapan nila ,hindi nya narin binaggit dito ang problema nya sa trabaho,ayaw nyang mag alala pa ito,
matapos ang masinsinang usapan ay masaya na silang kumain,panaka naka silang nag susubuan,tama mahal nya ang kasintahan at ito lang ang babaing mamahalin nya,aniya sa sarili,
GALIT na ibinato ni angela ang cellphone sa sopa na inuupuan,kanina pa nya tinatawagan si daniel ay hindi man lang ito sumagot,
hey chel"galit kana dyan sino ba yang tinatawagan mo at mukhang ayaw kang kausapin?tanong ni lexi.
ay sino pa" kundi ang doktor na kinabaliwan ng kaibigan natin" pang asar naman na turan ni michelle,
wag nyo nga akong pakialaman" baka kayo ang samain sa akin ngayon"galit na turan nya at pinukol nya nang nanggagailiting tingin ang dalawa, tumahimik naman ang mga ito,kilala kasi syang iba kung magalit,
so" ito pala ang gusto mo ha ang pahirapan ako?tingnan natin kung may magawa ka sa gagawin ko"aniya sa saril,
to be continue.......