NAGISING si angela sa tunog ng kanyang cellphone,kinuha nya ito at sinagot ng nakapikit,
hello"
chel" saan ka nag punta kagabi?bigla kanalang nawala"tanong ni lexi,
ha?bigla syang napadilat nang maalala ang lalaking kasayaw kagabi, napatingin sya sa paligid nasa isang silid sya,sinilip nya ang kanyang sarili sa ilalim ng kumot,
shit"anong nangyari?may naalala syang malabo na mga imahe,na nakipagtalik sya sa isang lalaki,
agad na tumayo si angela at kahit masakit ang p********e ay agad syang nag bihis kinuha nya ang kanyang cellphone at lumabas ng silid,
paglabas sa sala ay walang tao,mabuti nang wala ito roon dahil natatakot syang makaharap ito,
paano kapag nalaman ito ni daniel"baka lalo nya akong kamuhian at layuan"aniya sa isip,
agad syang bumababa at umalis,pagkalabas sa building ay pumara sya nang taxi,nag pahatid sa condo nya"
pagkarating sa sariling condo,nagmamadali syang naghubad at nagbabad sa bathtub,inis na sinabunan nya ang sarili,naiinis sya dahil hindi nya maramdaman ang pandidiri sa lalaking nakaniig nya kagabi,parang gusto nya pa ang ginawa nito sa katawan nya,kahit hindi nya maalala ang mukha nito,
shit"anong mukha ang ihaharap ko kay daniel,"aniya na namumula na ang balat sa kakasabon,di nya alintana na kanina pa sya kuskus ng kuskus dito,kumikirot narin ang balat nya,
masama man ang loob nya sa sinabi ni daniel kahapon ay hindi nya naman inisip na pagtaksilan ito,kahit pa wala silang pormal na relasyon,
pagkatapos maligo ay nagbihis sya nang pantulog,pagod sya at masama ang pakiramdam gusto nya munang matulog maghapon,bukas nalang sya uuwi sa mansyon,
DANIEL
maaga syang umulis dahil may pasyente pa syang naka schedule operahan,iniwan nyang natutulog si angela sa condo unit nya,hindi nya ito ginising dahil ang himbing ng tulog nito,
kahit galit sya sa dalaga ay di nya maiwasan ang maakit dito,hindi nya alam sa sarili kung bakit sa tuwing malapit lang ang dalaga nag iinit agad sya,
at kahit kay ella ay di nya naramdaman ang ganoon,
pero dapat kona syang iwasan"isa syang malaking tukso o para syang droga na nakakaadik kapag diko iwasan ay baka ikapahamak ko iyon"sumpa nya sa sarili,
pagod syang lumabas sa operating room,katatapos lang ng operasyon at kulang kulang limang oras sya sa silid na yun,sa totoo lang sanay naman sya sa gonoong gawain,ang totoong nakakapagod talaga ay yong ginawa niya kagabi at yong wala sya halos tulog magdamag dahil kay angela,
pagkapasok sa kanyang opisina ay agad nyang tiningnan ang kanyang cellphone,
nakita nya may tatlong misscall ito galing kay ella,
at may mensahe rin ito,
"daniel can we talk" hintayin kita sa dati nating lugar"
agad syang nagpaalam kay eric at binigay dito ang mga record ng pasyente nya e round sana nya sa araw na iyon,
nagmamadali syang lumabas dahil kalahating oras na ang nakalipas mula mabasa nya ang text ni ella,at baka nag aantay na ito,
pagkarating sa restaurant na paborito nila ay agad nyang hinanap ito,agad nya naman itong nakita sa sulok,
nilapitan nya ito,hindi sya napansin ni ella dahil mukhang malalim ang iniisip nito,
ella" kanina kapa?aniya nang makaupo,
bago lang"tipid na sagot nito,
tinawag nito ang waiter at nag order nang paborito nila pareho,
daniel' im sorry" umpisa nito,
alam kung may kasalanan ako sayo,at sana mapatawad mo ako"nag punta ako dito para tapusin kung ano man ang namamagitan sa atin at humingi narin ng tawad sayo"turan nitong nakatingin sa mga mata nya,
ella"hindi ko alam kung dapat ko paba itong itanong""minahal moba talaga ako?dahil ako mahal na mahal kita"bagsak ang balikat na tanong nya,
im' so sorry"sinubukan ko"pero diko pa pala kayang lukuhin ang sarili ko"akala ko kaya ko syang kalimutan at pilitin ibaling sa iba ang nararamdaman ko, pero hindi parin pala"magalit ka daniel kamuhian mo ako"sa pamamagitan non,gagaan ang pakiramdam ko"umiiyak na na turan nito,
so' sinasabi mo ba na kahit na katiting ay wala kang nararamdaman para sa akin nong magkarelasyon pa tayo?at hindi rin dahil sa sinabi ni angela kaya nagawa mo akong pagtaksilan?mapait na tanong nya,ang bigat nang nararamdaman nya,para syang tanga at parang inapakan ang pagkakalaki nya sa sinabi nito,
i'm sorry"yuko ang ulo hingi nang tawad nito,
tahimik lang syang nakakuyom ang kamao,masakit malaman na ni minsan hindi man lang sya minahal nito,sabagay sino lang ba sya kumpara dito at kay Kennedy,bakit paba sya aasa na mahalin ng tulad nito,
at ngayon ginagawa pa syang laruan ng kapatid nito,
daniel patawad"kahit pagsisihan kopa ang nangyari ay hindi kona maiibabalik ang nakaraan,
sa isang buwan ikakasal na ako"hindi ko naman hinihiling na makapunta ka"pero sana makadalo ka,at nang sa ganon mabawasan ng kahit papano ang bigat nang nararamdaman ko,"alam ko hindi po pa ako mapatawad"sana darating ang panahon na kaya muna akong patawarin,at sana darating ang babaing karapat dapat saiyo" madamdaming turan nito,bago nag paalam,ni hindi man lang nito nagalaw ang pag kain na order nila,
kuyom ang mga kamay na sinundan nya nalang ito nang tingin,tapos na ang sa kanila,ilang taon lang ba silang magkarelasyon,sa loob ng taon na yon,ni minsan pala hindi sya minahal nito,
masakit na para syang gago na naniniwala na kaya syang mahalin ng isang davis,,,
napukaw ang pag iisip ni daniel nang makaramdam ng vibration ng kanyang cellphone sa kanyang bulsa,kinuha nya ito at tiningnan,
agad napakuyom ulit ang kamao nya,si angela ang tumawag,isa nanamang davis na tulad ni ella ay pinaglalaruan lang ang damdamin nya,o mas galit sya kay angela,dahil kaya sya nitong kontrolin,at mapasunod sa mga palad nito,
agad nyang pinatay ang kanyang cellphone,mula ngayon hindi na ako maniniwala sa isang tulad nyo,"aniya bago tumayo at nag iwan ng pera pambayad at umalis sa lugar na iyon,
ANGELA
inis na binitawan nya ang cellphone,kanina nagriring pa ang kabilang linya,ngayon patay na,talaga bang galit ka sa akin ha,?nasaisip nya
tumayo sya at may kinuha sa kabinet,kinuha nya ang kanyang lumang notebook at tiningnan ang isang pages nito kung saan may nakasulat,at litrato,dala dala nya yon kahit nung lumipat sya,
hanggang kailan ko ito gagawin?
hanggang kailan ako maghihintay?
pagod kana ba angela?tanong nya sa sarili sa harap ng salamin,at bitbit parin ang isang larawan,
hindi"kaya ko pa"ngayon paba ako susuko na unti unti nang naaabot ang matagal ko nang pinapangarap,kunting tiis nalang angela"nakangiting aniya at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi,
to be continue....