NAKU kuya wagkang kabahan ha"madali lang ito"hawak nya ang karayom na itutusok dito...
hindi ako kinakabahan mis"mukhang ikaw ata ang kinakabahan"nanginginig ka kasi"anito na nakatingin sa kamay nya,nanginginig nga sya,firts time nyang gawin ito,
naku kuya basic lang ito"hindi ako takot sa karayom"nakita mo ang gwapong doktor na yon?turo nya sa kinaroroonan ni daniel,"mas malaking karayom pa ang tinusok sa akin non"aniyang nakangiwi sa kausap...kinakabahan sya kung paano kumuha ng duro gamit ang karayom nayun,bakit kasi tuwing may actual class sila sa pag inject lagi syang tumatakas ayan tuloy hindi nya naranasan..di sana madali lang sa kanya ngayon...
naku mis"baka ibang karayom tinutukoy mo"anitong nakangisi..
green minded naman kayo ehh'nakipagtawanan pa sya dito..
sa gilid ng mga mata nya nakita nya galit na napapatingin sa kanya si daniel,hindi rin natapos ang pag uusap nila kanina dahil tinawag ang lalaki ni nars kathy,nag aantay na kasi ang mga pasyente nag papa check up,kasama na ang pagkuha ng dugo,
marami din mga binata na gustong mag pa check nang mga dugo nila nakapila sa kinaroroonan nya,,
may palagay sya na gusto lang ng mga itong makalapit sa kanya..well maganda sya at di nya masisi ang mga ito,napapangiti sya sa naiisip..
napatingin sya sa bungad ng dumating na ang fastfood na inorder nya...bago kasi sya umalis binigyan nya ng pera ang isa sa tauhan sa hotel at sinabing mag order ng maraming pagkain para sa mga taong naroroon,
saglit lang po"puntahan ko lang yong staff para ipamimigay na ang mga pagkaing dala nila,paalam nya
lumapit sya duon at kinuha yong especial na pagkain para sa asawa nya..
naglalakad sya papunta sa kinaroroonan nito,para iabot ang pagkaing inoder nya para dito,sinalunbong naman sya ng mga taong naroron,
tuwang tuwa ang mga ito,lahat nagpasalamat sa kanya,pati ang mga doktor at mga kasama nitong mga nars masayang lumapit sa kanya at nagpasalamat,pero hindi sa daniel,
mahigpit syang hinawakan sa braso at hinila sa matagong lugar,"anong ginagawa mo ha?gustong gusto mo ba talagang pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan dito ha?s**t' angela umuwi kana hindi ka nakakatulong dito"tiim ang bagag na turan nito..
gusto ko lang naman tumulong ahh"ano ba kasi ang problema mo sa akin"naiinis narin sya sa lalaking ito..
sya nga kanina pa nanggigil sa subrang sweet nito at ni jennie..kulang nalang maghalikan ang mga ito sa harapan nya..
bitiwan mo nga ako"bumalik kana lang sa jennie mo"mas marami naman nagkakandarapa sa ganda ko noh"hindi kagaya mo na para akong virus kong iwasan mo"aniya na hinila ng ubod lakas ang kamay nya at tinalikuran ito...
pero hindi pa sya nakakalayo hinablot na ulit sa nito,
wagmong hintayin na masasaktan kita angela"uuwi ka o kaladkarin kita dito?galit na wika nito na mukhang hindi nagbibiro..nahintakutan naman sya paano kung gawin nga nito sa sinabi...
bakit moba to ginagawa sa akin ha?wala naman akong ibang gustong gawin kundi ang makasama ka at tumulong sayo"wala din naman akong ginagawang masama"napatingin sya sa braso na hawak nito.namumula na..
pag sinabi kung umalis ka at bumalik na, gawin mo kung ayaw mong masaktan"turan nito at iniwan sya...
lumabas sya sa pinagdalhan sa kanya ni daneil,pagkabalik agad nyang kinuha ang bag at tahimik na umalis,ni hindi sya nagpaalam sa mga naroroon,baka kasi pag ginawa nya yon.hindi nya mapigilan ang mga luha nyang nagbabadya ng pumatak..
pumara sya nang tricycle at nagpahatid sa hotel,wala din patid ang pagpunas nya ng mga luha ,napatigil lang sya sa pag iyak ng nag iba ang direksyon na tinatahak ng tricycle na sinasakyan,
hindi sya umikmik pero tumigil sya sa pag iyak,subra subra din ang kaba na nararamdaman nya..naging alerto din sya,
sana walang mangyari sa kanya ng masama,pasimple nyang kinuha ang cp nya sa loob ng bag at tinawagan ang asawa nya,
para syang maiiyak ulit nang hindi man lang nito sinasagot ang tawag nya...
sinubukan nya ulit,pero wala parin..nagtext sya na humihingi ng tulong dito...
tiningnan nya ang suot na relo mag ala una palang nang hapon,
kailangan nyang makatawag pansin sa mga tao,pero nadismaya nya ng wala na syang makitang tao sa daan,may mga kabahayan naman kaya lang mukhang wala ding mga tao...mabilis din ang pag patakbo ng lalaki sa tricycle..
kuya short cut po ba ito pa punta sa hotel?sinubukan nya itong kausapin nag baka sakali na hindi sya gawan ng masama nito..at baka nag short cut lang ito papunta sa hotel at wala naman syang alam sa lugar...
nasa late 30s na siguro ito at medyo may kapangitan...hindi nya tiningnan ang hitsura nito kanina dahil sa hilam sa luha ang mga mata nya...
maghintay ka sweetheart"atat ka masyado,hotel agad ang nasa isip mo"hintay ka lang dadalhin kita sa langit mamaya"nakangising wika nito...
kinilabutan sya sa sinabi nito,
wagmong subukan na gawan ako ng masama kuya"isang mafia ang lolo ko at leader naman ang uncle ko,kapag ginawan mo ako ng masama"papatayin ka nila at pati na ang buong pamilya mo " nanginginig na panakot nya dito..
tumawa lang ito ng malakas," hindi nila malalaman na dinala kita rito"anito at tumigil sa isang medyo masukal na lugar....
lumingon lingon sya,medyo malayo layo na sya sa mga kabahayan..
pagkahinto ng ticycle,agad syang bumababa at tumakbo,naiwan ang bag nya sa tricycle,wala syang pakialam sa perang andoon,o sa mga cards..dala nya naman ang kanyang cp,
wagkanang tumakbo"maaabutan din kita"ganito pala ang gusto mo ha?sigaw nito na mabilis syang hinabol..
hinubad nya ang suot na boots at nakapaa na tumakbo..nagpapasalamat siya na naging athlete sya noong elementary pa sya,
wala syang ibang gusto sa mga oras na yun ang matakasan ang taong yon,
kahit mabato ang kalsadang tinatahak nya ay hindi nya ininda iyon patuloy lang sya sa mabilis na pagtakbo,mabilis din nakasunod ang lalaking manyak na yun,
may nakita syang bahay sa unahan,nabuhayan sya ng loob,agad nyang tinahak iyon..
pero nang nasa malapit na sya nadismaya sya ng walang tao,nakasarado ang pintuan,
tumakbo parin sya,pagod na pagod at masakit na ang kanyang mga paa.naiiyak narin sya.naririnig nya parin ang lalaking humabol...
may nakita syang paraan na sasakyan isang pik up,pinara nya ito laking tuwa nya ng huminto ito,
agad syang sumakay,nakita nyang mukhang mag asawa ang sakay ng pik up,nagtitinda ito ng mga gulay,
naunsa man ka ining?unsay nahitabo nimo?nagsalita yong babae hindi ko maintindihan..
umiyak lang ako nang umiyak,
Manang mun-tik na-po a-kong g-aha-sain ng man-yak na lalaking tricy-cle driver nayun"wika nyang pabuhol buhol,subrang takot parin ang nararamdaman nya..nanginginig din ang buong katawan nya..
naku ining"hindi ka pala taga rito"taga manila kaba?ano bang nangyari sayo?tanong nito..at inabutan sya ng tubig nakalagay sa mineral bottle..
muntik napo akong pagsamantalahan ng tricycle driver,buti nalang po nakatakbo agad ako"kwento nya pag katapos uminom,at gumaan ang pakiramdam..
naku ining marami talagang masamang loob dito,lalo at napaka ganda mo"bakit ka kasi sumakay ka ng mag isa?wika nitong naiiling..
napayuko naman sya,ang sakit na nga nang mga sinabi ni daniel sa kanya kanina nangyari pa ito,nakita nya ang sugat sugat nyang mga paa,mas lalo syang napaiyak,
tama na ining"wagkanang umiyak,
gusto moba dumaan sa pulis station?tanong nito...
hindi napo,pwede po ba pakihatid nalang ako sa TP Choi hotel"dun po kasi ako nag stay"aniya at pinunasan ang luha sa pisngi..
pumayag naman ang mga ito..pagkababa nag pasalamat ako ng subra sa kanila at hiningi ko ang address at cp number nila,
sila ang nagligtas sa akin mula sa kapahamakan,ibabalik ko balang araw ang kabutihan nila sa akin..
pag kaakyat nanginginig parin ang katawan ko,agad akong nang ligpit ng gamit,pagkatapos naligo,
tinawagan ko ulit sa daniel magpapahatid ako sa airport,natatakot akong sumakay sa mga di pasaherong sasakyan,
pero nanlumo sya ng wala paring sumagot sa tawag nya,wala din syang pera at pati ang mga ids at cards nya nasa bag naiwan sa tricycle,
hello' angela kumusta"buti napatawag ka"
hello"nikko"please tulungan mo ako"umiiyak na turan nya,wala syang ibang mahingian ng tulong ngayon kundi ito lang,ang mga magulang nya naman ayaw nyang mag alala ang mga ito sa nangyari sa kanya,at baka sisihin pa sya ng mommy nya sa nangyari...
anong nangyari sayo angela?saan ka at pupuntahan kita"nag alalang tanong nito..
sinabi nya naman ang nangyari sa kanya at kung bakit kailangan nya ng tulong,pagkatapos ng pag uusap nila nag paalam na ito at sinabing wag syang umalis,
alas dos na nang hapon,isang oras ang flight ni nikko,mga alas singko sya masusundo nito,
ipinasya nyang matulog nalang muna at pagod na pagod sya masakit din ang paa,kahit na nalapatan na ito ng gamot nakainom narin sya ng antibiotic,
nagising sya sa doorbell ng pinto,bumangon sya at binuksan ito,
agad syang yumakap ng mahigpit sa taong nasa labas,
nikko"buti andito kana"umiiyak nyang sabi..
hey'wagka ng umiiyak at baka isipin ng mga tao dito inaway kita"anito na pinahid ang mga luha nya..
shall we"may taxi na nag aabang sa labas"kinuhaan narin kita ng tiket"
ok"salamat nikko ha"
pumasok ito at kinuha ang malita nya,sabay na silang lumabas,
DANIEL
kuyom ang kamao na tumalikod sya,maglas 4 na ng hapon ng tingnan nya ang kanyang cp sa loob ng bag,busy sila kanina at nawalan sya ng oras para tingnan ang kanyang cp,nang makita nya ang ilang misscall ni angela at nabasa nya ang text nito,agad syang umalis nag alala sya rito,pero ito ang naabutan nya,may kayakap ito na ibang lalaki,bakit pa kasi nagtiwala ka sa babaing yon"nasaisip nya...
to be continue...........