Chapter 7

1233 Words
Habang nasa byahe kami nilalamon naman ako ng konsensya ko kasi andon si Cooper naghihintay, malapit lang naman ang work ko sa hospital kung saan nakaconfine si bessy mga 10mins lang. Andito na kami sa hospital, sabi ko kay Hampton wait lang muna siya ichecheck ko muna ang mood ni Brandon bago siya magpakita baka magka-initan na naman sila eh. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng room ni Velvet, may ibang tao. "Hello good morning bestfriend ako ni Velvet, where's Brandon?" "Hi good morning, ako nga pala si Salve and my boyfriend Eddie friend kami ni Brandon umalis lang siya saglit nagpunta sa office ng doctor ni Velvet." "Ah ganon ba, wait lang ah may kasama kasi ako." lumabas na ako at tinawag si Hampton. "Uy bilisan mo lang baka bumalik si Brandon ayaw ko ng gulo please." hiling ko kay Hampton, pumasok na kami ni Hampton. "Si Hampton pala friend namin ni Velvet. Kamusta na daw si bessy? Nagising na ba siya?" tanong ko sa magjowa. "Hindi pa nga eh, kagabi pa kami dito walang sign na gigising na siya." ani Salve, nilapitan ko si bessy and kiss her cheeks. "Bes, wag mo tagalan ang pagstay mo dito sa hospital madami kami naghihintay sa paggaling mo kung ano man pinagdaanan mo ngayon for sure paggising mo malalagpasan mo din yan. Ikaw pa kinaya mo nga sa una kakayanin mo ulit to huh hihintayin ka namin, lalo na ako madami pa akong chicka sayo." "Wag mong masyadong dibdibin ah mahal ka naman pala ni Papa Brandon eh ewan ko nagtaguan pa kasi kayo ng feelings, mga pabebe pa kayo imbes na sana ngayon gumagawa na kayo ng baby hehe andito ka pa gising na huh." natawa sa akin si Salve at Eddie. Samantalang ang Hampton ayun mukhang bitter nakakunot noo, eh sa magagawa ko Luz Valdez na talaga si Hampton kay bessy. Hindi na pwede isingit kasi sakop na ni Brandon ang space sa buong puso nitong babaita na to. "Kaya nga girl ayun din sinabi ko kay Brandon dati masyadong denial king, ayaw pa aminin sa sarili na may nararamdaman na kay Velvet ayan pareho silang nasasaktan bago muna magka-aminan." komento ni Salve. "True ka jan girl, sakit sakitan muna ng damdamin bago maging masaya. Baligtad eh diba dapat masaya muna sa umpisa then sakit sakitan after well malay mo mas effective sa kanila yun. Kakaloka sakit na nga bangs ko eh, hindi pa alam nitong babaita ang true feelings ni Papa Brandon." i act like na para talaga akong may bangs hinawi hawi ko pa ang invisible bangs ko. "Yun nga pinaguusapan namin tatlo paano kung ayaw na siya pakinggan ni Velvet, kaya dapat ready siya sa mga pwede niyang gawin to win her back especially hindi biro yung nakita ni Velvet kahit sa akin mangyari yun break na kagad wala ng second chance." "Hala bakit nadamay ako diyan." reaksyon ng boyfriend niya. "Wag ka lang papahuli hindi muna ako aalis pag nakita ko kayo ng babae mo puputulan muna kita ng kaligayahan!." nakakatawa tong magjowa na to. "Bakit andito ka na naman?" napalingon kami lahat sa may pintuan andito na pala si Brandon, nakatingin siya kay Hampton which is same lang sila nagsusukatan na naman sila ng tingin eh. Well time to escape na. "Sorry Brandon sinamahan niya lang ako, aalis na din kami dinalaw lang namin si bessy." "Pwede naman dito ka muna yang lalaki na yan ang aalis." ani Brandon, mukhang badtrip siya halatang puyat din at ang lalim ng eyebag niya. "Naku uuwi na rin ako galing din ako shift, need ko na bumorlog antok na antok na ako." "Sige sige ingat ka thank you sa pagdalaw." "Uwi na kami lovebirds nice meeting you. Bye Brandon balitaan moko ah." Hinawakan ko sa braso si Hampton at hinila na palabas. "Buti naman hindi ka na nagreact kanina." tanong ko kay Hampton, naglalakad na kami papuntang elevator. "Pagod lang siguro at antok na ako kaya wala ako sa mood makipagtalo sa kanya si Velvet lang naman ang pakay ko gusto ko lang siya makita." sagot ni Hampton sakto bumukas na ang pintuan ng elevator. "Gusto mo ba magbreakfast?" yaya ni Hampton. "Ako naman taya, kagabi ka pa nanlilibre." nahihiya din naman ang lola niyo kahit minsanan lang. "Sige ikaw bahala." "Ikaw na lang magdecide saan tayo kakain." "Kahit dito lang sa labas kung saan may malapit." "Meron akong nakitang ministop parang bet ko ng chicken go ka?" "Sige masarap naman chicken nila don." sa ground floor na kami dumeretso doon kasi ang main entrance and exit paglabas lang andon na ang mini stop. Bumili ako ng dalawang chicken meal at iced coffee. "Hatid na kita after natin kumain." ani Hampton habang kumakain kami. "Kahit wag na paglabas naman nito may jeep na papunta sa amin." i answered while sipping my iced coffee. "Okay lang yan para alam kong nakauwi ka ng maayos." "Sige keri lang mapilit ka eh" hindi na ako nagpakipot magpahatid at least naka-aircon pa ako paguwi at comfortable. Inabot din kami ng kalahating oras at dumeretso na kami sa parking, malapit na ako kuhain ng liwanag busog na busog ako antokya na talaga ako. Naalimpungatan ako ng tapikin ako ni Hampton sa braso ko. "Nadine andito na tayo bangag na bangag ka na ah." natatawang sabi ni Hampton, paano hindi ko na mamulat ang mga mata ko. "Hays para akong nasa langit lumulutang pakiramdam ko." tinaggal ko ang seatbelt ko at nagunat-unat. "Hatid na kita sa mismong apartment mo." agad na bumaba si Hampton at binuksan ang pintuan sa passenger seat, nilahad niya ang kamay niya para matulungan ako bumaba. "Nadine." nanlaki mga mata ko ng marinig ko pangalan ko. Shocks nasa kabilang kalsada ang kotse ni Cooper, kakalabas niya lang ng kotse niya. Hindi maipinta ang itsura niya naghalo ang galit, lungkot, inis sa mukha niya. Lumapit siya sa akin at galit na galit ang expresyon ng mga mata niya sa akin saka binaling niya rin ang tingin niya kay Hampton. "Diba sabi ko susunduin kita, tapos hindi kita makontok kaya pala kasama mo na naman to." gigil na gigil ang lolo mo. Hindi ko mabilang ilan beses ako napalunok, napakaseryoso naman kasi ng Lolo Cooper niyo. "Eh ano naman tol kung kasama ko si Nadine hindi ka naman pala niya boyfriend." nakangising sabi ni Hampton, hala isa pa tong si Hampton mukhang inaasar pa si Cooper. Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Cooper at binaling ang tingin sa akin, ano ba to hindi ako makapagsalita. "Oo nga naman Nadine, hindi nga pala tayo bakit ba kasi sobrang affected ako na magkasama na naman kayo? Hindi mo naman kasi ako sineseryoso akala mo biro lang lahat ng sinasabi ko sayo, ganon siguro talaga hindi mo mapansin na nasasaktan ako sabagay hindi kita masisisi wala naman tayo eh. Sige aalis na ako baka nakakaabala pa ako sa inyong dalawa." Ano bang nangyayari sa akin, hindi talaga ako makapagreact nasama na ata ang dila ko sa kakalunok ko kanina. Tiningna muna ako ni Cooper with his sad eyes at sinulyapan niya din saglit si Hampton then tumalikod na si Cooper at naglakad palayo papunta sa kotse niya. Nagkibit balikat lang si Hampton ng tignan ko siya. Tinignan ko lang ang kotse ni Cooper na palayo na, anak ng tinola hindi ko alam bakit ganito ako ngayon parang nahurt ako ng very light.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD