Chapter 9

1469 Words
"Cooper ibaba mo na ako kaya ko naman maglakad nakakahiya uy ang daming nakatingin." kanina ko pa sinasabihan si Cooper na ibaba ako ang kulit eh. "Anong nakakahiya? Ako naman to di bale kung ibang lalaki ang nagbubuhat sayo ako, sino ba nasa harapan mo? Ako to si Cooper na mahal na mahal ka." natawa ako ng sobra, nabatukan ko tuloy siya sa sobrang tuwa ko eh. Gayahin ba naman ang dialogue ni Papa Zanjoe Marudo, tawa kami ng tawa ni Cooper habang naglalakad siya. "Hahaha ano ka si Natoy? Anong gusto mo sabihin ko na mahal din kita?" ginaya ko naman dialogue ni Christine Reyes. Biglang sumeryoso ang tingin niya sa akin. "Oo Nadine, gusto ko rin marinig sayo na mahal mo ako. Lagi mo na lang akong sinasaktan, durog na durog na ang puso ko." "Uy wala na ganyan dialogue si Natoy ah." biro ko, pero seryoso pa rin siya. Narinig kong tumunog na ang kotse ni Cooper andito na pala kami sa parking lot. Binuksan niya ang passenger seat door na buhat pa rin ako at maingat niya akong iniupo. "Istraight mo ang mga paa mo mahal para hindi ka mangalay." ginawa ko na lang ang utos niya, pinaandar na niya ang sasakyan at dumeretso na kami sa hospital. Pagdating namin sa hospital ay agad akong dinala sa xray room after that ay dinala muna ako sa emergency room while waiting for the result at inayos ang paa ko nilagyan ng bandage after lagyan ng yelo. "Hello i'm Dr. Sy, good news naman ang xray mo wala naman nabali na buto may naipit lang yang ugat need mo lang ng rest for 2-3days reresetahan lang kita ng pain reliever just in case hindi ko kaya ang pain." "Thank you po Doc." Nadischarge din naman ako kaagad. "B-Bakit iba ang way natin akala ko ba ihahatid mo na ako?" tanong ko kay Cooper. "Kukuha lang ako ng mga gamit ko, i'll stay with you until you healed." "Huh? Hindi na kailangan yun sprain lang to madali lang tong gumaling." "Nope, sa ayaw mo at sa gusto mo ako mag-aalaga sayo okay?" napakibit balikat na lang ako wala naman ako magagawa medyo disable ang lola niyo ngayon. Sa isang condo sa Parañaque pala nakatira si Cooper, infairness mukhang mamahalin ang mga unit dito. "Gusto mo ba sumama sa unit ko?" tinaasan ko siya ng kilay paano kaya ako makakalakad kita ng masakit paa ko. "Hindi na kita ng hirap maglakad eh." "Bubuhatin ulit kita." "Juzmeyo marimar wit na baka mamaya ano pang isipin ng mga tao machismis ka pa." "Ayun lang ang elevator oh. Ilang hakbang lang, saka wala ako pakealam sa sasabihin nila." medyo makulit si Lolo Cooper niyo ngayon kanina pa siya ayaw magpatalo sa akin. Eto na nga bumaba na siya ng kotse at binuksan na ang pintuan sa side ko at umaakmang bubuhatin na ako. "Nakakahiya baka makita ako ng parents mo." "Wala sila dito, i'm living alone nasa states ang mom ko." Hanggang sa loob ng elevator ay buhat niya ako, galing kaming basement sa parking kaya pagdating sa ground floor juskolord may mga sumakay lahat sila ay nakatingin sa amin buti na lang napupunta ang tingin nila sa benda ko sa paa, gets naman na siguro nila yun noh? Buti na lang sa third floor lang ang unit ni Cooper kanina ko pa gusto matunaw sa hiya, talagang matatag tong si Lolo Cooper niyo eh hanggang pagbukas ng pintuan ng unit niya ay buhat niya ako para kaming bagong kasal ang peg eh. Iniupo ako ni Cooper sa couch, pinagmasdan ko ang kabuoan ng unit niya halatang lalaki ang nakatira black and gray ang theme ng color ng mga pader. Konti lang ang gamit niya pero kumpleto para sa mga needs niya. Dumeretso si Cooper sa kusina, pagbalik nito ay may dala na itong juice at sandwich. "Kain ka muna mahal mag-aayos lang ako ng mga dadalhin ko." pinagbuksan niya din ako ng tv. "Owkay." kinain ko na ang sandwich na dala niya, masarap ah chicken sandwich. Saktong pagkaubos ko ng sandwich at juice siyang paglabas ni Cooper sa kwarto niya may dala na itong isang malaking black backpack. "Mahal nabusog ka ba? Gusto mo pa bang sandwich?" "Okay na ako. Salamat." Habang naglalakad kami papuntang elevator hindi ko maiwasan na titigan si Cooper, parang dumodoble ang t***k ng puso ko ngayon. I really appreciate what he's doing right now nakakataba ng puso. Nag-iwas ako kaagad ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin. "Matunaw naman ako niyan mahal, ang gwapo ko ba?" napakagat ako ng labi, kainis sabi ko na saglit ko lang siya titignan napatagal ng three seconds nahuli tuloy ako. Hindi na ako nakasagot, tameme ang lola niyo. Andito na kami sa kotse. "Pagdating natin sa apartment wag mo na ako buhatin ah, madami kasing chizmakers don baka kung ano pa ang kumalat." "Papakilala ako na boyfriend mo, normal naman na ang boyfriend tutulungan ang girlfriend niya dahil injured siya." "Consistent ka talaga eh noh? Gusto mo talaga ako huh." nilingon niya ako saglit at napailing lang. "Paulit ulit naman to, oo nga diba gusto nga kita diba? Noong una pa lang kita nakita gusto na kita, ni hindi mo nga ako namiss noong mga panahon na hindi tayo nagkikita." Napalunok ako ng mga four times, naalala ko tuloy yung mga times na hindi siya nagpaparamdaman umaasa ang lola niyo tuwing uuwi ako from work na baka andon siya sa baba ng building hinihintay ako or dito sa bahay or bago ako pumasok na baka pumunta siya para ihatid ako umasa ng very light ako. Namiss ko ba siya ibig sabihin noon? "Siguro hindi mo ako namiss talaga noh? Sabagay may iba ka palang lalaki." kinurot ko nga siya sa tagiliran niya, shocks ang tigas wala man lang ako nakurot na laman. Jusko malapit na ata sa abs ang nakurot ko. Tinawanan niya lang ako. "Wala kang makukurot diyan mahal matitigas ang mga muscles ko." "Bwiset paulit ulit ka kasi kay Hampton friend ko nga lang yun." "Kung friend mo lang yun patunayan mo, sagutin mo na ako para hindi na ako nagseselos." i rolled my eyes. Kaloka tong lalaking to. "Sana tinuloy mo na lang ang panggho-ghosting mo sa akin." "I tried Nadine, pero nang makita kita ulit wala eh talagang malakas tama ko sayo." nilingon niya ulit ako at medyo malungkot na nginitian ako. "Sabi ko bakit hindi mo man lang ako tinext, kinamusta after ko umalis noong huli tayo nagkita pero tiniis din kita i really tried pero hindi ko kaya magpanggap na wala ka lang sa paligid, lalo ng umalis ka kanina sa kinauupuan mo at hindi na bumalik nanghinayang ako kasi alay ko pa rin yung laro ko na yun kanina. Bakit ka ba umalis?" saktong nakastop kami kaya nakatingin siya sa akin the whole time na sinasabi niya ito. "A-ah wala kumain lang ako." alibi ko. "Yung totoo? I know na nakatingin ka lang sa akin the whole time." napasandal ako sa upuan ng sobrang diin, feeling ko tuloy nag-iinit mga pisngi ko. "Hindi mo kasi ako pinapansin kaya tinamad na ako manood. Happy ka na?" pag-amin ko. Ang laki ng ngiti ng Lolo Cooper niyo eh. Nanlaki ang mga mata ko ng ninakawan na naman niya ako ng halik sa mga labi ko nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin at pailing iling pa. "Aissshhh magnanakaw ka talaga eh." inis na sabi ko, napahawak ako sa dibdib ko shocks tumatambol tong puso ko parang gusto ng lumabas. "Quits lang tayo mahal, ninakaw mo din ang puso ko." "Ang korny mo." "Umamin ka na kasi mahal namiss mo ako noh?" "Magdrive ka na nga lang diyan naka go na oh." "Hindi ako aandar hanggat hindi mo ako sinasagot sa tanong ko." Ang dami ng bumubusina sa likod namin. "Grabe yung isa diyan ayaw pa umamin, magcacause pa tayo ng traffic dito." pang-aasar pa ni Cooper. "Ayyyy ang kulit mo, go na tayo." "Did you miss me?" tanong niya sa tapat ng mukha ko. "Grrr oo na namiss kita. Masaya ka na?" kinakabahan na sagot ko. "So girlfriend na kita?" naitulak ko siya sa gulat sa tanong niya. "Ano ba Cooper hindi na nakakatuwa ang dami ng galit sa likod." "Sagutin mo na tanong ko ng makaalis na tayo." "Hala siya ang kulit mo." gigil na gigil na sabi ko. "Ayan na yung traffic enforcer sige ka. Sagot na mahal, namiss mo ako because?" Sheezze kumakatok na yung traffic enforcer sa bintana sa side ni Cooper. "Mahal can you be my girlfriend?" "Oo na sige na. Kainis to eh." "Sorry sir, nagka-aberya lang ang kotse ko pero okay na po. Sorry po sa abala." Wala na nabudol budol na ako ni Cooper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD