Masayang natapos ang shift ni Lea. Bukod sa awarding ng top performers me libreng donut at mga chips na inihanda ang management para sa kanila.Ndi naman yung halaga ng ibinibigay ang importante kundi kung paano nadedevelop yung camaraderie sa isang team. Nagpaalam na si Lea kay Andrea at sa iba pang opismate saka naglakad na siya punta sa sakayan ng jeep pauwi. Nadatnan niyang naglalaro sa celfon si Ron at ndi niya kinalimutang itanong kung kumusta ang school. " Nag exams po kami, 2 subjects English at Math." Confident naman si Ron na mataas ang nakuha niya sa exams dahil nag review ito ng maigi. " Very good anak, tuloy mo lang po yung sipag sa pag aaral para yung mga pangarap mo ay matupad mo". Nangiti siya dahil ito ang palaging sinasabi sa kanya ng Lola niya. Nakatingin lang sa kanya si Ron at cguro nagtataka bakit siya ndi niya natupad yung pangarap niya. Mahirap ng balikan ang nakaraan kasi malulungkot lang siya o mastress. Natutunan ni Lea na ipagdasal na lang lahat ng nangyayari sa kanyang buhay. Siguro iba ang plano sa kanya ng Diyos, kaya kahit ano pa man ang dumating nagpapasalamat siya. Nag text si Emily at nag aaya itong makipagkita sa kanya. " Lea, pede ba tayong mag meet ulit sa Market bukas meron sana ako sayong gustong sabihin." Off ni Lea at matagal na rin naman nung huli silang magkita ng pinsan niya. " Sige, ililibre mo ba ako?" pabirong reply niya kay Emily. "Oo", matipid natugon nito kay Lea. Nakaramdam ng pag aalala si Lea sa maikling sagot ni Emily, sanay kasi siya sa mahabang sagot at ndi agad ito pumapayag lalo at bibiruin niya ito na siya ang magbabayad sa lunch o meryenda nila. Galante naman si Emily, pero nakasanayan na nilang magkulitan muna bago pumayag kung sino ang maglilibre sa kanilang dalawa. Sa tingin ni Lea talagang importante ang sasabihin nito sa kanya kaya ndi na nito nagawang pahabain pa ang usapan nila." Okay, Kita kits na lang bukas."
Medyo malamlam ang itsura ng langit nung gabing iyon. Meron mangilan ngilang bituin at ang buwan ay tila natatakluban ng maitim na ulap. Sa isip niya parang nakikisimpatya ang panahon sa kung ano ang malalaman niya kay Emily bukas. Ang kakayahan ni Lea na maramdaman ang mga pangyayarii ay naging malakas sa pagdaan ng araw, nung gabing yun ndi siya halos nakatulog. Six o 'clock na at tinignan niya ang messenger niya. Nag good morning na ulit si Alfred sa kanya. Consistent na itong ginagawa ng binata mula ng makilala niya ito. Ang pag update kasi araw araw sa Isang tao ay isang paraan upang sanayin ito na magdepende sa kanila. Masarap sa pakiramdam kung merong nakakaalala sa atin, nagiging codependency dahil madalas ang kaligayahan natin ay naka depende sa ibang tao.Malungkot mang aminin, pero kung ndi na niya makikita mag good morning si Alfred maninibago siya. " Magandang umaga din sayo" sagot niya kay Alfred. " Mas maganda ka pa sa umaga, HAHAHAHA". Ndi mawari ni Lea kung tawang tawa lang ba si Alfred sa sagot nito kaya naka Caps lock pa talaga yung reply niya o iba na ulit ang nagcha chat sa messenger. " Ano gawa mo?, bukas na yung birthday ko, saan mo nga ako ililibre?" " Happy birthday sayo" sagot ni Lea Kay Alfred. Hmmmm, ndi Ganon, magkikita tayo bukas remember". Napatingin si Lea sa kisame habang iniisip kung bakit sobrang demanding naman nitong kausap niya. " O Sige, magdala ka ng valid ID bukas, yung nakalagay yung birthday mo at ililibre kita".Saan mo naman ako dadalhin Lea?, basta kakain lang tayo ha, kasi strict ang parents ko" me smiley na ulit sa dulo ng reply ng binata. " Oo wala naman akong balak na dalhin ka kung saan, kakain lang tayo". Ndi maintindihan ni Lea kung matatawa ba siya o maiinis sa mga message nito sa kanya. " Bukas na lng ulit at meron akong pupuntahan ngayon. " Sige Lea ingat ka plagi' .
Nadatnan ni Lea na nakaupo sa paboritong lugar sa eksaktong upuan kung saan sila palagi nagkikita si Emily. Bahagya itong ngumiti sa kanya ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito. " Musta si Ron?, tanong niya kay Lea. " Mabuti naman Ate", ndi niya mawari pero natawag niyang Ate si Emily at tumawa ito dahil natuwa siya sa titulo na iyon. Pag galang sa mga kamag anak na ndi lang basta mas me edad sa atin, kundi pagpapahalaga sa mga taong natatakbuhan natin sa panahon ng pangangailangan. Ndi niya maitatanggi sobrang buti ni Emily at wala siyang maalalang panahon na naging issue ang mga shortcomings niya.. Maraming pagkakataon din na nakakagawa siya ng mali, pero para kay Emily , lahat naman ng tao ay ndi perpekto.." Omorder ka na" sabay abot nito sa menu ng paboritong coffee shop nilang dalawa. " Choco Cookie Frappuccino",. Tumayo si Emily para bumili ng kape na nirequest ng kaibigan niya. Malayo ang tingin ni Emily nung nagsimula na itong magkwento. Madalas kasi si Lea ang nakikiusap para makipagkita at si Emily ang taga pakinig ng pauli ulit nitong kwento. Ngayon si Lea ang nakatitig dahil malungkot ang mukha ni Emily at sa pakiwari niya ndi magandang balita ang sasabihin nito. " Nagpunta kasi ako sa duktor, nagpa biopsy, tapos yun". ndi maituloy ni Emily ang sasabihin dahil parang gusto niyang umiyak pero pilit niya itong pinigilan. Batid ni Lea ndi ito ang tamang panahon para biruin ang pinsan kasi mukhang seryoso ito sa sinasabi niya. ' Uminom ka muna ng tubig" Alok niya kay Emily, dahil nahihirapan itong ituloy ang kwento. " Ilang araw na din kasing sobrang sakit ng dibdib ko, madalas ndi ako nakakatulog, sabi ng duktor me cyst daw ako. Ewan ko kung ano yun". Alam ni Lea ang ibig sabihin ni Emily, pero merong mga katotohanan sa buhay na mahirap tanggapin. " Wag ka mag alala gagaling ka naman. Pinlit niyang pinapalakas ang loob nito, pero mas nauna pa siyang umiyak kesa dito. Sapol ndi niya pa nakitang umiiyak si Emily, ganito ka strong ang personality nito, pero batid niya pagdating sa buhay at kamatayan lahat tayo naduduwag. ' Yun kasing mga anak ko Lea, gusto ko pa silang makitang magka pamilya, aalagaan ko yung mga apo ko". Ndi na naituloy ni Emily ang kwento niya, yumuko siya habang marahang kinuha ang panyo sa bag niya. " Lea, ipagdasal mo ako". Ndi niya maintindihan kung yayakapin ba niya si Emily o hahayaang magpatuloy pa sa pagsasalita. Maraming bagay na ang pananahimik at pag oobserba ang pinaka magandang gawin. Niyakayap niya si Emily sabay tinanong niya kung kelan ito ulit babalik sa duktor. " Next week pa siguro tapos magkikita ulit tayo.Ngumiti si Emily napuno ng pag asa na gagaling siya. " Oo, imessage mo lang ako. Tumango ito para sumang ayon Kay Lea. Kahit me dinaramdam si Emily, ndi niya pa rin nkalimutan kamustahin ang nangyayari sa pinsan. " Pag ndi ka swerte sa love life Lea, mag focus ka na lng muna sa anak mo", nagkatawanan na lang ang dalawa sa suggestion ni Emily.