Chapter 9
Kryssa's POV
Nandito ako ngayon sa secret haven ko. I was tasked to kidnap Gavin Ryou and I decided to make use of the timing. Since gusto niya ring makipagkita sa akin ay gagawin ko iyong excuse para maisagawa ko ang plano ko.
[Flashback]
"Kidnap Gavin Ryou."
"What? Bakit natin siya ki-kidnap-in? May balak na ba kayong ipapatay siya?" tanong ko.
Umiling naman sila. "No. I just want to talk to him." sabi ni dad.
"Uso messenger, dad." sabi ko.
"In person and in private."
"Kailangan po ba talaga natin siyang kidnap-in? Hindi po ba pwedeng imbitahan na lang siya dito or something?"
"Kung pwede lang sana, pero hindi. Ayaw na ayaw pumunta ng magkapatid na sina Gavin at Hunt Ryou dito sa bahay pati na ang mga magulang nila. As if we'll kill them."
So that explains why Gray was the one who delivered Gavin's message.
"Ilang days?" tanong ko.
"I'll give you three days."
"And the reward?" I asked.
"Hand guns." dad said, then smiled.
[End of Flashback]
Kinabukasan pa lang ay naisipan ko nang gawin ang trabaho ko para matapos na kaagad. Kahit labag man sa kalooban ko ay tinawagan ko si Gavin Ryou kagabi.
Of course, I have his number. Officers of the student council are required to have each other’s phone numbers. Gavin Ryou is the student council vice-president and I'm the president. Shocked? Don't be. Magaling akong dumisiplina ng tao.
So, ayun nga, tinawagan ko siya na ngayon na lang kami magkita at pumayag din naman siya.
---
Gabi na pero wala pa rin si Gavin Ryou. Sakto at may natanggap akong text message mula sa kaniya.
---
Sender: Gavin Ryou
How does it feel to wait?
---
Sinasabi ko na nga ba, balak niya akong paghintayin dito sa wala dahil sa ‘di ko pagsipot kahapon. Tss.
"Hoy babae." mahina kong tawag sa babaeng kasama ko na hinablot ko lang kanina.
"B-Bakit po?" tanong niya.
"You can go, but change into this first." sabi ko at ibinato ang damit na kapareho ng suot ko ngayon.
Kinuha niya naman iyon at tumalikod na ako para makapagpalit siya. Nang tapos na siya ay binigyan ko siya ng jacket na may hood.
"On your way out, don't you ever run and don't use a flashlight or something bright, okay? Kapag naramdaman mong may sumusunod sayo, iligaw mo o kaya tumawag ka kaagad ng taxi at siguraduhin mong hindi ka masusundan. And wear the jacket's hood. Kapag may sinuway ka sa mga utos ko, magtago ka na. Pero sisiguraduhin kong mahahanap din kita. Naiintindihan mo ba?" mahaba kong bilin.
Tumango-tango naman 'yung babae at umalis na siya sa secret haven ko, na hindi na ‘secret’ dahil may ibang nang taong nakakaalam. Nagtago ako sa gilid ng entrance ng haven ko at inihanda ang injection sa kamay.
Naramdaman ko namang may papasok dito. Sumilip ako sa may butas at nakita ko si Gavin Ryou. Sinigurado kong siya ‘yun at mukhang sya nga, pero nang tiningnan ko nang maigi ay napagtanto kong medyo kahawig niya lang kaya ginalingan ko ang pagtago.
Sinimulan niyang inspeksyunin ang haven ko. Nang mapunta siya sa pwesto ko ay nagtama ang mga mata namin. Before he can speak, I gave him a ‘zip your mouth or I’ll kill you’ signal, and made sure he understood every word I said. Agad naman niyang iniwas ang tingin niya sa akin at pumunta sa ibang parte ng haven. Pagtagal-tagal ay umalis na rin siya. Narinig kong may kinausap siya sa labas at sinilip ko iyon.
Tss. Gavin Ryou.
Ginaya niya pa talaga 'yung ginawa ko.
Umalis na 'yung lalaking kahawig niya at siya naman ang pumasok. Sigurado na akong siya 'yun kaya pagpasok niya pa lamang ay agad kong itinurok sa leeg niya ang sleeping d**g.
His eyes widen in shock for a second, but he immediately lost consciousness. Sinalo ko naman siya bago pa siya bumagsak sa sahig dahil baka makagawa pa siya ng ingay. Tinawagan ko kaagad ang driver ko na pumunta dito.
Nang makarating na siya ay ipinabuhat ko sa kaniya si Gavin Ryou papasok sa sasakyan. Doon ko siya pinalagay sa backseat at doon ako umupo sa may passenger's seat. Nagmaneho na ang driver pauwi sa bahay.
Inaasahan kong hindi ako sisiputin ni Gavin Ryou o kaya nama’y magpapa-late siya dahil hindi ko siya sinipot kahapon. Kaya I prepared for a plan A, B, C, and D.
Plan A, kung dumating man siya agad ay ituturok ko lang sa kaniya ang sleeping d**g.
Plan B, kung hindi pa siya dumarating at gabi na, ay palalabasin kong umalis na ako. At 'yun nga ang ginawa ko kanina nang pinagbihis ko ang babaeng hinablot ko. Medyo may hawig naman siya sa akin. Mas maganda nga lang ako.
Marami akong ibinilin sa kaniya, baka kasi sundan siya ni Gavin Ryou. But fortunately, hindi naman siya nito sinundan. Hindi ko inaakala na may plano din siyang palabasin na siya 'yung papasok sa haven ko. Maybe he sensed something was not right, and he's right about it, pero pinili niya pa ring pumasok. He should’ve followed his instincts.
At dahil plan B ang nagamit ko ay hindi na kinailangan pa ng plan C at D.
Ang plan C ay para sa posibilidad ng hindi niya pagsipot, at ang plan D naman ay ang patayin siya. Pero siyempre, joke lang iyon. Edi hindi na siya nakausap ni dad kung ganun, at wala pa akong reward. No way! Ang plan D sana ay hypnotization. I learned how to do that when I was 13.
---
"I'm home!" sabi ko.
Napatingin naman sila dad sa akin at lumipat ang tingin nila sa lalaking buhat-buhat ng driver ko.
"Pakilagay na lang siya sa sofa." sabi ko at sinunod niya naman ang utos ko.
Hinalikan ko naman sa pisngi sina mom at dad. Mukha namang hindi sila makapaniwala sa nakikita nila at tulala lang sila habang nakatingin sa natutulog na si Gavin Ryou.
I slumped on the other sofa. "This day is so tiring." sabi ko.
"You'll get your award tomorrow." Dad said.
Yes!
"But you'll have to keep him in watch hangga't hindi ko pa siya nakakausap." he added, making me stand on my feet.
"Whaaattt?!"