Kryssa's POV 2 months later... Inayos ko ang suot kong black gown at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Matapos ang dalawang buwan, nakahanap na rin kami ng tamang tiyempo. Ngayon na namin balak isagawa ang plano namin laban sa ang kaisa-isang banta sa buhay namin – si Death Tsz. Medyo natagalan kami sa paghahanap ng pagkakataon dahil maraming nangyari. Una, nalaman naming nabili na ni Death Tsz ang dalawa sa kumpanya ng mga Ryou. Nagulat si Gavin Ryou nang mabalitaan niya iyon dahil wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Napag-alaman niya na wala ring alam ang mga magulang niya rito. Posibleng may nagtraydor mula sa mga tauhan nila. Ikalawa, nakabili ng maraming shares si Death Tsz sa main company ng Ryou without the Ryous knowledge. Nagkaroon din ng pagbababa sa market sales ng kumpa

