Kryssa's POV "Bitiwan mo si Kryssa." Agad na uminit ang ulo ko at dahil lumuwag ang pagkakahawak ni Death Tsz sa braso ko, ay nakawala ako sa kaniya saka ko pinaulanan ng suntok si Gavin Ryou pero panay naman ang ilag niya kaya hindi ko siya natatamaan. "Sinong nagsabing pwede mo akong tawagin sa first, first name ko, ha?!" inis kong tanong habang patuloy sa pagbibigay ng mga suntok kay Gavin Ryou. At siya naman ay panay pa rin ang pag-ilag. "Ako. Bakit? You have any complaints?" tanong niya. "Meron! Family lang ang pwedeng tumawag sa akin noon kaya wala kang karapatan!" "Then, I’ll marry you to become part of the family." sabi niya. Kukunin ko na sana ang b***l ko pero may pumigil sa akin. "Tama na 'yan. Nagseselos na ko." sabi ni Death Tsz. Agad ko naman siyang sinipa sa tuhod k

