Chapter 18 *Rachel* Pumasok kami sa isang kwarto. Hindi naman maliit at pwede na sa dalawang tao. Nakita kong sinara niya ang pinto at hawak niya pa rin ang kamay ko. Nilibot ko ang mga mata sa silid. May isang malaking bintana, old style. Ang bintana ay parang noong panahon pa ng mga kastila. Ang sahig ay gawa sa malalaking tabla ng kahoy. May isang kama sa gilid malapit sa bintana. Isa siyang single bed. Maayos ang pagkakaayos ng kama na may asul na kobre-kama. Pati ang unan ay terno sa kulay ng bedsheet. Sa malaking bintana ay asul din ang kulay ng manipis na kurtina. Nakabukas pa rin ‘yon at mula dito ay sumisilip ang sinag ng papalubog ng araw. The sunset. May lumang aparador at study table. Naramdaman kong binitawan niya ang kamay ko. “Bakit mo sinabing girlfriend mo ‘ko?” deret

