Chapter 34 *Rachel* “Hi, William!” Bati ko sa pamangkin ko through video call. Araw-araw kaming nagtatawagan nina Melissa. Tinupad ko talaga ang pangako kong araw-araw kaming mag-uusap. Hindi naman nakakasawa. Natawa ako sa isip. Araw-araw naman kasing iba-iba ang tsismis ni Melissa e. Sa loob ng limang taon, hindi ako masiyadong nangulila sa kanila dahil lagi ko naman silang nakikita at nakakausap. Para lang kaming magkakaharap kapag nag-uusap sa screen. Palagi rin akong nagpapadala ng package para kay William. At kung minsan namang… nami-miss ko ang mga pagkain sa Pinas… si Melissa naman ang nagpapadala sa akin. “Hi, tita Rachel,” nakangiting bati niya sa akin. Litaw na litaw sa mukha niya ang hugis ng mukha ni William. Kung minsan ay nahahawig kay Trojan? I don’t know. Pinaglihia

