Chapter 20 *Rachel* Tilaok ng manok ang nagpagising sa akin. Umunat ako at humikab. Bukas na ang malaking bintana at nakatali na ang asul na kurtina. May naririnig akong ingay mula doon. Parang pagbagsak ng sanga ng kahoy. Wala na akong katabi nang magising ako. Hindi kaya… si Robert ‘yon? Bumangon ako at sumilip sa bintana. Magulo pa ang buhok ko at wala pang hilamos. Baka may muta pa ako at laway sa pisngi. Mula sa bintana, nakita ko si Robert na nasa taas ng puno. Natakot ako sa nakita. Mukhang delikado dahil hindi siya nakakapit. Wala rin siyang hagdan at wala rin siyang ibang hinahawakan. Nakaupo lang siya sa isang sanga ng puno na walang bakas ng takot sa mga mata. May hawak pa siyang matalas na itak at walang kahirap-hirap niyang pinuputol ang mga sanga. “B-Be careful,” paos ko

