Chapter Twenty Five Lost In The Moment -Bago pa ako makakilos ay lumapat na ang mga labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Paige Andrada Nakita ko na napatiim-bagang na lang si Devon habang nakatingin lang kay Troy ng masama. "So, I am friends with the monster, after all." Sabi niya at tumawang pagak na hindi inaalis ang matalim na pagkakatitig kay Troy. "Akala ko nasa America ka para sa negosyo gaya ng sinabi mo. Iyon pala ay inahas mo na ako." Puno ng pait na sabi ni Devon. "I'm sorry, Dev. Hindi ko rin naman ito plinano. We saw each other. She's single and I am single and I fell for her. Wala naman akong nakitang masama nang ligawan ko siya. I'm sorry." Tinignan ko si Troy at nakita ko ang guilt sa mukha niya. Inis akong bumaling kay Devon. "Hindi ka

