Chapter Sixteen The Devil is back? Devon Montgomery Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Daddy. Binigyan kami ng privacy ni Mom pero para sa akin ay para niya akong iniwan kasama ang isang tigre na anumang oras ay maaari akong atakihin. "How have you been, son?" basag niya sa katahimikan. I clicked my tongue and said. "Just dandy." Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Hanggang ngayon pala ay hindi mo pa rin ako napapatawad. Matagal na iyong nangyari at hindi ko naman sinadya at ginusto. You're my son and I'm still your father." Hindi ko napigilan ang sariling emosyon dahil sa narinig. "Bullshit, Dad! Father? You sure know how to act like it! You were never once a father to me! Buong buhay

