Chapter Thirteen The Pervert Japanese Paige Andrada Tama ang kasabihang mabilis ang oras kapag sobra kang nag-e-enjoy. Before I knew it ay nasa byahe na kami pabalik sa reyalidad. For me, kulang na kulang ang oras na magkasama kami. Iyon bang kaming dalawa lang, walang opisina at walang hadlang. Kapag kaming dalawa lang ni Devon ay nagiging ibang tao siya. Hindi ang malamig, masungit at striktong si Devon Montgomery. Kung hindi si Devon na isang lalaking nagmahal dati at nasaktan, isang lalaking takot na magmahal muli. Sa ilang araw na pamamalagi naming sa Laguna ay may ilang bagay akong natuklasan. Isa na riyan ay ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. Ang puso nga namang kay rupok, kahit anong pigil mong magmahal ay

