Chapter 20:

1620 Words
"You may believe that you are responsible for what you do, but not for what you think. The truth is, that you are responsible of what you think, because it is only at this level that you can exercise choice. What you do comes from what you think. " Ashlee pov After a year later...... "Putang-ina Hammer... Ako ang asawa mo pero bakit siya pa rin ang inuuna mo?" sigaw ko dito. Hindi na talaga ako makapagtimpi. Pagod na pagod na din ako sa setup namin. Halos di na siya umuwi dito sa suit niya. Siya ang CEO nitong hotel pero hindi man lang niya magawang sumilip kahit saglit. "If you're tired your free to leave." isang sagot na kahit kailan ay hindi ko inaasahng lalabas sa kanyang bibig. "Wow, hindi pa pala sapat na hinayaan kitang alagaan ang hindi mo asawa. May balak ka pa palang palayasin ako dito." wika ko. "Sawa ka na di ba? Kaya makakaalis ka na." sinampal ko ito. "Nagtiis ako sa kasal na ito dahil umaasa ako na mamahalin mo din ako. Harap-harapan mong ipinapamukha sa akin na masmahalaga siya kesa sa akin. Buong taon nang pagsasama natin hindi mo man lang ako nilingon kahit kailan. Ano pa bang mali sa akin? Ano pa bang kulang sa akin? Hindi ako santo, at sana pag dumating ka sa puntong gusto mo na ako ay ikaw parin ang gusto ko. Hammer hindi ako bato. Hindi ako pinalaki ng nanay ko para magpakatanga saiyo." umiiyak kong sumbat sa kanya. "Bakit Ashlee, di ba ito ang gusto mo?" umiling-iling ako. "Nagsisisi ka na ba na hindi gumana ang plano niyo ng mga kaibigan ko? Di ba kaya lang naman may nangyari sa atin ay dahil pumayag ka sa plano nila?" "Hammer kaya ka ba ganyan dahil ang akala mo alam ko iyong plano nila?" "Hindi lang basta alam Ashlee dahil narinig ko mismo sa saiyo. Kaya huwag kang magmalinis na parang ako ang may problema. Sinasabi mo sa akin na gustong-gusto mo ako pero kasinungalingan pala lahat." nang-uuyam ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Napaupo ako sa sofa. "At di ba Ashlee pera lang naman ang habol mo sa akin kaya ka pumayag na magpakasal sa akin.?" "Yan ba ang tingin mo sa akin Hammer?" "Pera? Mukhang pera pala ako sa paningin mo?" tumatawa kong saad. "Bilib na talaga ako sa iyo, pero okey lang. Kaya ko pa namang tiisin iyang ugali mo." "Kaya mo pa? O wala ka pang nahihita na pera sa akin kaya gusto mo pang mamalagi dito.?" nakakainsultong tanong niya. Tumayo ako saka ko pinadapo ulit ang palad ko sa magkabila niyang pisngi... "Akala ko okey kang tao... pero wala ka palang kasing sama. tama nga ang inay, na ang mayayaman ay pahirap lang ang hatid sa mga mahihirap." naglakad ako sa drawer na nasa may mga damitan ko. Kinuha ko ang nakakahon. "Mukhang pera ba ako kamo?" tanong ko. "Oh heto... walang bawas yan." ihinagis ko sa kama ang kahong hawak ko. Binuksan niya ito. "Hindi ko ginalaw ang bawat sentimong ibinibigay mo sa akin dahil alam kong darating ang araw na ito... At para sa kaalaman mo, kaya kong mabuhay na kahit wala ang pera mo." bulyaw ko sa kanya. Nakatingin lang ito sa bungkos ng pera. Buwan-buwan ako nitong inaabutan ng pang daily needs ko pero hindi ko ginagalaw dahil nga ayaw kong isi[pin niyang iyon lang ang ginusto ko sa kanya pero hindi talaga ako nagkamali ng inisip. " At heto..." kuha ko pa sa isang box na may lamang set of office attire and cufflinks na may initial ng pangalan naming dalawa. Inabot ko sa kanya ito. "Happy first and last wedding anniversary. Sana maging masaya ka." binuksan niya ang box. Napansin kong tulala ito. "Don't worry, galing sa malinis ang pinambili ko diyan. Kung ayaw mo, itapon mo nalang." wika ko saka ako nagmamadaling lumabas ng suit niya. Nadaanan ko pa si Leo at Jigz sa hallway pero hindi ko na sila pinansin. "Hey Ashlee, why are you crying..." "What happened Ashlee" magkapanabayang tanong ng mga ito pero dire-diretso lang ako. Sumakay ako ng taxi palabas ng resort. Halos kalahating taon na din naman simula nagtrabaho ako bilang waitress sa isang bar. Tanging si Camille lang ang nakakaalam na naghanap ako ng ibang trabaho sa labas. Ang akala ni Hammer ay umuuwi ako sa amin. Hindi naman niya kasi nahahalata dahil never pa naman siyang tumapak sa paligid ng bakuran namin simula natapos ang kasal. "Miss baka gusto mo ng tissue?" tanong ng taxi driver. "Salamat po manong." wika ko. "Saan ba kita ihahatid miss..." "Manong sa may A'A's restobar lang po." sagot ko dito. "Miss kung may problema ka, hindi lang ako basta taxi driver. Handa din akong makinig sa mga costumer ko." sa kabila ng pag-iyak ko ay napangiti ako. "Salamat manong, wag po kayo mag-alala magpapalipas lang ako ng oras diyan sa resto." "Hindi ka naman siguro magpapakalunod sa alak miss... Ang ganda mo pa naman baka kung mapano ka." buti pa siya marunong mag-alala kahit hindi niya ako kilala. "Hindi po manong. Diyan kasi ako nagtatrabaho..." tumango na ito. "Ito po bayad ko," abot ko sa pera. "Wag na miss, libre ko nalang saiyo yan." tinignan ko ito. Mas napaluha ako dahil naalala ko na naman ang bwisit kong asawa.Siya na mayaman mukhang pera ang tingin sa akin pero bakit ang isang to walang pakialam sa kikitain niya kahit taxi driver lang ang trabaho. Iniwan ko nalang sa upuan iyong pamasahe ko. Alam kong nakita nito iyon nong lumingon siya sa likod dahil napailing pa ito. Kumaway naman siya bago pinasibad ang kanyang sasakyan paalis ng resto. "Ash napasugod ka..." wika ni Melai sa akin nong umupo ako sa counter. "Wait, umiiyak ka ba?" tanong nito nung mapansin ang aking mga mata na namumugto. "Melai pwede bang dito muna ako sa resto magpalipas ng gabi?" tinignan niya ako. "Saglit lang ha... Jerome pwede bang dito ka muna." tumango naman ang isa pang katrabaho namin. Hinubad nito ang kanyang suot na cap. " Sa kwarto tayo." inakay niya ako sa kwarto na nakatalaga sa mga staffs. "Anong nangyari?" tanong nito. Alam niya ang totoong estado ko kaya hindi ako naiilang na magkwento sa kanya. Naintindihan naman niya ito agad. "Di ba sinabihan na kita na bigyan mo muna ng space iyang gago mong asawa..." sermon niya. "Pero nandiyan na. Ano na bang plano mo ngayon?" tanong pa ulit. "Gusto ko na umalis doon. Baka sakaling kapag umalis ako eh makita niya ang halaga ko." sagot ko. "Okey I will help you." naging kaibigan ko na ito simula pa noong una ko siyang makilala dahil sadyang mabait naman talaga siya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pakiramdam ko iba ang turing nila sa akin. And ang sahod ko ay hindi normal na sahod ng regular workers dito. Ang rason nila ay ako daw ang lucky charm ng resto and hindi daw basta -bastang resort ang napagtrabahuan ko. Hindi ko nalang ito pinansin noong una. Sino ba namang tatanggi sa malaking sahod... Sabi nga ng iba ako daw ang paboritong empliyado ng boss namin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hidden ang identity nung may-ari ng resto na ito. "At anong klaseng tulong naman iyan Melai..." tanong ko. "Sagutin mo muna ako. Iiwan mo na ba ang walang kwenta mong asawa?" "Depende sa tulong na sinasabi mo" sagot ko. May tinawagan ito. " Ano bang klaseng tulong ang gusto mo?" tanong ulit nito. "Q & A ba to?" nagdududang tanong ko ulit. "Matitirhan lang pansamantala ang kailangan ko Melai. Dito pa din naman ako magtatrabaho." tumango ito. "Okey kung gusto mo sa unit ka muna ng pinsan ko. Wala naman siya kaya pwedeng ikaw na muna ang gumamit." suhestiyon niya. "Pero sa Makati pa iyon." biglang dugtong niya. "Paano naman ako nyan makakapagtrabaho at paano naman si inay?" "Pwede mo namang dalhin ang inay mo dun tsaka isa pa doon ang main ng A'A's restobar. Extension niya lang ito. Pwede ka lumipat doon." paliwanag nito. Magandang opportunity na ito kung tutuusin pero paano ko ipapaliwanag kay inay na makikipaghiwalay ako kay Hammer? "Ano Ash, deal or no deal?" "Uuwi muna ako, kukunin ko lang ang ibang mga gamit ko sa resort. Magpapaliwanag din ako kay inay." mahirap itong desisyon ko pero tama sila, dapat kong bigyan ng space ang mga sarili namin tutal hindi naman asawa ang tingin niya sa akin. "Sige, papahatid nalang kita sa driver para hindi ka na magtaxi papunta sa bahay niyo at pabalik dito." Napakaswerte ko pa rin dahil kahit ganon ang trato sa akin ng aking asawa ay may mga mababait pa rin akong kaibigan para tulungan ako. Pag-uwi ko ay wala akong Hammer na naabutan. Napatingin ako sa kabilang suit. Siguro nandoon na naman ito. At hindi nga ako nagkakamali dahil biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Hammer na karga si Harvey at Yanna. Nagtago ako sa gilid. Nong nakalayo na sila ay saka ako mabilis na nag-empake. Nakita ko pa ang regalo ko sa kanya na nasa kama. Ni hindi man lang niya ginalaw. Nagluto muna ako ng pagkain niya bago ako tuluyang umalis. Inilibot ng paningin ko ang loob ng suit ni Hammer. Baka magbago pa ang isip ko. Palabas na sana ako nong mahagip ng mata ko ang wedding picture namin. Ibinaba ko ang gamit ko saka ko ito kinuha. Tinanggal ko ito sa frame. Saka ko pinunit. "Paalam Hammer... pangako magkikita pa tayo at sa panahong iyan hindi na ako ang dating Ashlee na nakilala mo. Pinapalaya na kita...Suko na ako." tumulo ang aking luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD