Prologue: POV

710 Words
“Buntis? Ikaw? Pa-paanong nangayari?” gulat na na sambit ni Gyna. Bago pa man ako makapag simulang mag kwento ay na unahan na ako ng aking mga luha. umiyak ako ng umiyak at tanging nagawa lamang ni Gyna ay yakapin ako. Ilang araw na akong walang tulog dahil sa pag iisip ng solusyon pero kahit anong pag be-brain storming ko wala pa rin akong maisip. Takot na takot ako sa possibleng mangyari kapag nalaman ito nila mama. “Shhhshh, tahan na Lyn. Nandito lang ako” Pag ka rinig ko sa mga katagang iyon may kung anong bumuhay sa akin na kaginhawaan. Bumitaw ako sa yakap niya at mainam na pinahiran ang mga luha sa aking pisngi. “Gyna, takot ako...takot na takot. Gyn ang bata ko pa, wala akong alam sa pagiging ina at...hindi ko rin alam ku-kung anong magiging reaksyon nila papa kapag nalaman nila ito. Tiyak na papalayasin ako ng mga yon” pigil ang sariling na umiyak. “Huwag ka nga mo nang mag isip ng ganiyan at una't sa lahat kumalma ka mona, masama sa batang dala mo ang stress.” Huminga ako ng malalim ang pinipilit pa kalmahin ang sarili. Si Gyna naman ay panay hagod sa likod ko. “Oh ito inumin mo” Kinuha ko sa kamay niya ang bukas na bottle of water at uminom. “Mag pahinga ka mo na, mamaya na tayo mag usap kailangan mong matulog” umiling ako sa ideya niya. Hindi ko kayang matulog ng ganito mas lalo lang lalala ang pakiramdam ko. “Hi-hindi kailangan ku-kung.... “Please lang Lyn makinig ka mona. Kailangan mong mag pahinga, wala tayong maisip na solusyon kapag nasa ganyan ka na kondisyon, kaya please.... please lang. Maawa ka sa sarili mo pati narin sa batang dala mo” Napayuko ako dahil sa biglaang pag taas ng boses ni Gyna. Hindi ako galit sa kaniya dahil alam kung tinutulungan niya lamang akong solusyonan ito pero hindi niya mawawala sa akin ang manginig, mangamba, at matakot sa ganitong sitwasyon. Huminga ako ng malalim bago tumango ngunit naka yuko parin ang ulo ko. “Tara, ihahatid kita sa kwarto” Hindi na lamang ako sumagot bagkus tumayo na lang ako at siya naman ang umalalay sa akin pa akyat. Pakiramdam ko tuloy baldado ako at kinakailangang may bantay palagi. Anong gagawin ko? Someone's POV “Sinong tinitignan mo?” “Ano bahhh!! para kang kabuti” Kung hindi ko lang siya pinsan malamang sa malamang pinalapa ko sa siya kay Derán. “Oa lang” himotok nito. “Manahimik ka na nga lang” Asan na ba yon? ganitong oras naka labas na siya dyan, eh! bakit wala pa rin? “Ano ba kasing tinitignan mo diyan. Alam mo nagmumukha kang stalker. Ang creepy dude” komento nito. “Anong stalker, tadyakan kita. May tinitignan lang masama ba?” “Oo masama talaga. All girls school yan sinisilip mo para ka tuloy m******s” “Hoy!!!! bunganga mo baka may makarinig at paniwalaan yang basurang pinag sasabi mo” sermon ko sabay batok sa kaniya. “Aray!!! tangenang to. Maalis na nga” nakabusngot itong tumalikod habang ang mga kamay ay nasa ulo. “Sasabihan ko so Bigwig na naninilip ka HAHAHAHA” Dilat ang mga mata lumingon ako sa kaniya na ngayon ay tumatakbo na. “Yahhhh!!! Cove!!! Huwag ka lang talaga mag papahuli sa akin!!!” buong lakas na sigaw ko sabay kumarimpas ng takbo at sinundan siya. Someone's POV (2) “Tol! ayos ka lang ba? mas lalo ka atang tumahimik ngayon, anong nangyari sayo nong gig last last week? Simula non mas lumamig ang personality mo at parati ka nalang tulala. Ayos ka lang ba?” I gasped for breath and tugged at my hair because even I didn't know what was happening to me. After that day I was always looking for something and it's annoying because I can't get it. I'm like a dog looking for the smell of something or someone. “Call the gang, I have something to discuss with all of you” Malamig kong sabi at saka tumayo. Kung palagi nalang ako mag mumokmok at mag hihinatay ng himala? wala akong matutunguhan. I need to solve this as soon as possible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD